"Gusto ko ang lalaking yon sayo anak" Sabi ni papa ng maka-upo ako sa isang silya na katapat niya
"Pa,naman hindi ko type yon"
Tumawa siya ng malakas sa sagot ko. Kahit kailan talaga hindi pumasok sa utak ko ang magka gusto sa lalaking yon. Aaminin ko na gwapo siya kaso nag iba agad ang pananaw ko sa kanya ng hinalikan niya ako. Isa siyang mag nanakaw at tarantadong tao para sa akin.
"Ganon. Eh bakit mo siya dinala sa bahay? Talaga ba'ng malaki ang maitutulong niya sa atin dito. At mapagkatiwalaan ba yon? "
Nag buntong hininga ako. Sa totoo lang kahit nakakainis ang mokong na yon. Naramdaman ko naman na mapagkatiwalaan siya. At parang may maraming alam. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit inalok ko siyang tumira sa bahay namin. Ang gulo talaga ng buhay.
"Mapagkatiwalaan naman Pa. Atsaka malaki ang maitutulong niya sa atin. Pwede ko siyang maging right hand sa pag nenegosyo"
Siguro nga ginamit ko lang ang lalaking yon para maibalik ang dati naming pamumuhay. Hay! Nakapagtataka talaga bakit sa dinami-dami kong nakasalamuhang tao siya agad ang inalok kung sumama sa akin.
Siguro naawa lang ako sa kanya dahil wala siyang patutunguhan.
"Paano ka nakakasiguro na makakatulong siya sayo. Hindi ka dapat mag tiwala sa mga taong kamakailan mo lang nakilala"
"Eh! Ikaw nga diyan. Ang lakas mong mag feeling close don. Inakbayan mo pa nga"
Mas lalo siyang natawa "Pakiramdam ko mabait naman ang lalaking dinala mo anak. May tiwala naman ako sayo. Atsaka pareho tayo malakas ang instinct"
Tumango ako. Iyan ang gusto ko sa ama ko. Kahit minsan pasaway ngunit hindi niya parin nakaligtaan ang punan bawat pag kukulang niya sa amin. May tiwala siya sa akin at malakas ang supporta bawat gagawin ko.
"Bakit ka pala bumalik dito sa lugar natin anak. Diba sabi mo mag tatrabaho ka sa syudad?"
Hay! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Naesnatch ang lahat ng gamit ko pa. At wala akung patutunguhan doon. Pati pera ko wala rin. Kaya saan ako pupunta? Edi mamumulubi na itong anak niyo"
"Diba magaling ka namang dumiskarte? Bakit di ka gumawa ng paraan para mabuhay doon"
"Pinagtatabuyan mo naman ako eh"
Kunwari umiyak ako at nasaktan sa sinabi niya. Pfft! Hindi ko maechura kung anong kahinatnan ko kung hindi ako uuwi. Saka namiss ko sila papa.
"Wag ka ngang mag drama diyan anak. O siya tutulong nalang ako sayo kung anong gagawin mo. Para naman hindi ako pabigat sayo" Ngumiti siya
Ngumiti rin ako. Hay! nga pala marami kaming utang na babayaran.
"Iyong kaninang tatlong lalaki. Mga pinag uutangan mo ba yon sa sugalan?" Tanong ko
Nag iwas siya ng tingin "Hindi anak. Mga ano yon si-----"
"Huwag mo nga akong pag sisinungalingan papa. Kilala na kita. Kaya aaminin mo sakin ang totoo"
Nag buntong hininga siya bago tumungo "May utang ako sakanila ng bente mil. Ilang beses kasi akong natalo sa sugal kaya nakapag utang ako"
Napahilot nalang ako sa noo ko. Hindi ko na alam kung ilang pera na ang naubos at inutang niya para sa sugal na yan. At ilang beses na rin kaming naipit. Huhuhu Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Ilan na ba lahat ng utang mo?" Nag tagis ako ng bagang
"Siguro nasa singkwenta mil na anak" Naka tungo parin siya
"Ano!! Singkwenta mil!"
Napatayo na ako dahil sa inis. Aba! Deputa naman. Hindi ako tumatae ng pera kaya paano kami makakabayad sa ganoong halaga.
"Pasensiya na anak. Promise, ako na ang gagawa ng paraan para mabayaran yon lahat"
"Paano mo mababayaran iyon kung wala ka namang trabaho!At ano! Mangungutang ka nanaman para may pambayad. Edi ganon parin iyon. May utang ka parin"
Bumalik ako sa kinauupuan ko. At dinukdok ang noo sa lamesa. Hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa ama ko. Nababaliw na talaga siya sa sugalan.
"Noong di pa ako umalis nasa trente mil pa ang utang mo tapos ngayon naging singkwenta mil na agad"
Tumayo si papa. Konti lang ang pasensiya niya at ayaw niya'ng pag sabihan "Gagawa ako ng paraan para-----"
"Huwag na!" Tumayo rin ako "Ako na ang gagawa ng paraan para mabayaran ang utang mo. At pag nabayaran ko yon ipangako mo sa akin na hindi kana ulit susugal" mahinahong sabi ko
Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Agad siyang lumapit sa akin at niyakao ako " Salamat anak. Oo hindi na ako susugal"
Sana nga mapanindigan niya ang sinasabi niya. Dahil ito na ang huling beses na tutulungan ko siya. Kundi parin siya mag tanda hindi ko na alam. Baka palayasin ko na talaga siya sa sarili niyang bahay.
"Aaaaahhhhh! Paaaaapppppaaaaa! Maaayy Maagnanakawwwww!!"
Napakalas ng yakap si papa sakin ng marinig ko ang sigaw ng kapatid. Nagkatinginan kami ni papa bago sabay na tumakbo papasok ng bahay.
Muntik na akong matawa nang maabutan ko ang pangyayari. Ang kapatid ko ay nakahawak ng tabo at pinalo-palo niya kay Drailan.
"Hoyy! f**k! hindi ako mag nanakaw!" Inis na angal ni Drai habang pinipigilan bawat palo ng kapatid ko
"Sino ka ba! At kinakain mo pa ang paborito kung ice cream!Waaahhh! Papa may mag nanakaw!!"
Panay ang palo ni Luke kay Drai kaya hindi niya pa kami nakitang pumasok sa loob ng bahay.
"Hahaha Hoyy Luke! tumigil kana hindi mag nanakaw yan" Tawang-tawang sabi ko
Hindi ako natawa sa pagpalo ng kapatid ko ng tabo. Kundi kay Drailan na hindi na maipinta ang mukha dahil sa sakit ng bawat palo ni Luke sa ulo niya. Dumadagundong pa nga tuwing pinapalo siya sa ulo.
Sabay silang napatigil at tumingin sa akin. Tumakbo agad ang kapatid ko sa akin at niyakap ako
"Aish! Ang sakit ng ulo ko!" Iritang sabi ni Drailan. Pfft gusto Kung matawa sa pag mumukha niya. Para siyang kawawang tuta na inaapi
"Atee! Bumalik kana pala! Sino yang lalaking yan! Inubos niya ang ice cream ko" Parang batang sumbong ni Luke sa akin
Teka bata pa naman talaga ang kapatid ko 10 yrs old pa kaya'to.
"Papa! Sino ba yang panget na yan!" Lumapit siya kay papa ng makita niya'ng tawa lang ako ng tawa
Hahahaha lintik sa lahat ng nakasalamuha ko simula nong kasama ko ang lalaking yan. Ang kapatid ko lang talaga ang nag sabi na panget siya. Pareho talaga kami ng kapatid ko eh, noh?
"Hoy! Anong panget? Sinong panget!" Sabi ni Drailan namimilipit parin siya sa sakit ng ulo niya
"Ikaw! Ang panget mo! Mag nanakaw pa!" Sigaw naman ng kapatid ko
"What the fu-------"
"Sege subukan mong mag mura basag yang nguso mo!" Pinandilatan ko siya ng mata
Aba! May bata sa harap kung makapag mura siya diyan. Tss!
"Anak hindi mag nanakaw ang lalaking yan. Kaibigan siya ng ate mo" Sabi ni papa
Lumapit ako sa kapatid ko na mukhang naguguluhan. Pero bago yon sinamaan ko muna ng tingin ang lalaking hindi maipinta ang pagmumukha. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming tatlo.
"Halika dito Luke ipakilala kita sa kanya"
Hinila ko ang kapatid ko kaso mas lalo siyang dumotdot kay papa.
"Ayoko Ate" Siya sabay iling ng paulit-ulit
Kundi lang siya takot ngayon baka kanina ko pa pinisil ang pisngi niya. Napaka cute talaga ng kapatid ko. Namumula ang pisngi kapag galit.
"Mabait yang si Kuya Drai. Halika na" Ngumiti ako
Draizen's POV
Pabalik-balik ang tingin ko sa babaeng nag dala dito sa akin at sa kapatid niya'ng nag ngangalang Luke.
"Ayaw ko talaga ate. Mag nanakaw siya eh" -Luke
"Tss" Napa iling nalang ako
Fuck! Ang sakit ng ulo ko mukhang nagka pasa pa yata nang pinalo ito ng bata. Kundi lang sana bata ang namukpok sa ulo ko baka pinatulan ko na.
Pagkatapos kasi akong ihaatid ng baliw na babae sa akin don sa rooftop na pag tutulugan ko. Bumaba agad ako pagkatapos kung ma-check ito. Okay naman don. Mahangin at kitang-kita ang buong lugar nang tinitirhan nila. At malinis din sa pag tutulugan ko.
May maliit kasing bahay doon sa rooftop. May kama tsaka isang ceiling fan. Walang tv at walang refrigerator. Wala ring ka design-design only plain white. Kahit hindi ako sanay sa ganoong tutulugan mukhang wala na nga akong choice. Kundi doon muna.
At ito na nga ang nangyari pag baba ko galing rooftop. Nag hanap agad ako ng tubig sa maliit nilang kusina. Sakto naman pag bukas ko sa maliit na refrigerator nakakita ako ng ice cream. At kinain ko. At bigla namang sumulpot ang bata at pinalo ako ng tabo sa ulo.
"Mag sorry ka kay kuya"
I was back in my mind when I heard her voice. Naka lapit na pala sila sa akin. Nasa likuran lang nila ang kanilang ama. At nasa harap ko naman ang dalawa niya'ng anak.
"Eh! Kinain nga niya ate ang ice cream ko" Pagmamaktol ng bata
Magka mukha silang dalawa. Same eyes, same lips and same nose. At mukhang pareho silang matigas ang ulo.
"Bakit mo naman kasi kinain ang ice cream ng kapatid ko" Baling ng babae sa akin
She's angry pero kita ko ang nakakaloko niyang tuwa sa mata. At tuwang-tuwa talaga siyang nakikita akong sinasaktan ng kapatid niya kanina.
At hindi ko alam dahil sa ice cream para akong timang na lumuluhod sa harap ng bata para paamuhin. Kasi sa totoo lang ayaw ko ng bata masyadong maingay at makulit.
"Papalitan ko ng maraming ice cream iyong kinain ko bata. Pasensiya na dahil kinain ko iyon"
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin dahil first time ko ang mag mukhang tanga. Because of that damn ice cream I'm giving an apology and say some gay f*****g stuff.
"Hindi ako bata Mr.Magnanakaw ng ice cream. I'm Luke Macapagal tsaka 10 years old na ako" Mayabang na sabi niya
He's cute. And wants to be mature.
I smiled and pat his head
"I'm Draize-------Drailan big boy"
I'm almost spit my true name. Hindi ko dapat sinasabi ang totoo kung pagkatao including my name. Gusto kong maging challenging ang buhay ko at maranasan kung ano ba talaga ang pamumuhay kung wala kang pera. Walang sumusunod na media sayo. At napag isip-isip ko. Gusto kung tumakas muna sa totoo kung buhay. I want to explore at subukan lahat.
Even being a poor. Yes! For your more info I hate being poor. Minamaliit ko ang mahihirap dahil di nila kayang umangat. But look! Tignan niyo ang napasukan kong gulo. Sarili kong butas sarili ko ding bitag.
"Okay Drailan. Next time wag muna----"
"Tawagin mo siyang Kuya, Luke" Pagtatama nang ate niya
I look at her. I don't know why this girl is really something. She looks innocent but on her deep deep world she had an interesting and challenging brain.
"Kuya Drailan huwag munang kainin iyong ice cream ko ha"
I look at him. He's almost getting cry. I nod in response.
"Yeah! Papalitan ko nalang" If I have money
I sigh. Wala nga pala akong pera. Ito ba ang sinasabi kong explore tsk!
"Mag sorry ka kay Kuya Drai"
"Sorry kuya" Yumuko ang bata
Gusto kong matawa. Mabait naman pala akala ko isa siyang makulit.
"Hmm It's okay" I said and stand up straight. I pat his head again and look at her sister
"Luke, dito nga pala titira ang kuya Drai mo. Nasa rooftop siya"
"Ano?" Naguluhan ang bata sa sinabi ng ate niya
I've never expect na dadating ako sa bahay na ito. Kahit ngayon palang ako dumating parang welcome na welcome ako.
"Sir aakyat na po ako" Paalam ko sa ama ng babaeng baliw
Tumango siya at ngumiti. Magka pamilya talaga isa-isa lang ang ugali.
When the night come. I was laying in my hard bed and look at the ceiling when someone knock on the door.
"Woyy Drai! Buksan mo'to"
Tumayo ako ng marinig ko ang boses ng babaeng baliw sa labas.
'Tss ano nanamang sadya niya'
Binuksan ko ang pintuan at bumugad agad siya sakin ng naka ngiti. Anong nginingiti-ngiti ng baliw na'to?
"Oh?" Taas kilay na tanong ko
"Hindi mo ba ako papasukin?"
Nilibot ko muna ang tingin ko sa loob bago binuksan ng malaki ang pinto. Palundag-lundag siyang pumasok at agad umupo sa silya na nasa gilid ng kama.
Umupo ako sa kama at tinignan siya ng naka kunot noo.
"Bukas pupuntahan natin yong pwesto namin noon"
I raise my eyebrow ng di ko naintindihan ang sinabi niya.
"What for?"
"Huwag ka ngang mag English. Iisipin ko na talaga na anak mayaman ka"
'Anak mayaman naman talaga ako'
Ibinaling ko ang tingin sa gilid "Anong pwestong sinasabi mo?" Tanong ko
Ngumisi siya ng malaki at humangalumbaba sa harap ko.
"Bukas, aayusin natin ang pwesto natin. Diba sabi ko sayo mag tatayo ako ng Car wash. Kaya naman puntahan natin bukas ang lugar"
"Okay. Labas kana"
Nakita ko kung paano siya napanganga sa sinabi ko.
"Aba! Kapal ah. Ito itong rooftop? Iyo?" Iritang sabi niya. Napatayo pa siya
Gusto kung tumawa sa naging reaksyon niya kaso todo pigil ang ginawa ko.
"Matutulog na ako. Kaya kung wala ka ng ibang sasabihin pwede kanang umalis" Tinuro ko ang pintuan at humiga
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang tigas ng kama. Damn! Di ako sanay pero dapat na yata akong masanay sa ganito ka tigas na higaan. Wala kasing foam tanging ply wood lang na pinaibabawan ng kumot na medyo makapal ang hinihigaan ko.
"Alas dyes, aalis na tayo" Iritang sabi niya at padabog na umalis sa pinag tutuluyan ko
Napangiti nalamang ako ng palihim pagka alis niya.
'Mukhang ngayon lang ako naging masaya sa pag lalayas ko'
Shin's POV
Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ko. Rinig ko ang boses ni papa.
"Shin anak may bisita ka!"
Nagkamot ako ng ulo at ngumuso. Lechugas! Antok na antok pa ako.
"Oo, baba na ako!"
"Bilisan mo diyan kanina pa yong mga bisita mo sa ibaba, nag hihintay sayo"
"Opo! Baba na"
Narinig ko ang yapak ni papa na pababa ng hagdan. Tumayo na ako sa kama nang makita kung alas 8 y'media na.
Naku! Sino kaya ang bisita ko. Wala naman akong naalala na may ka meeting akong kahit sino diyan.
Mabilis akung nang hilamos at nag toothbrush pagkatapos dali-dali na akung bumaba.
"Gwapo ba talaga yong kasama ni Shin kahapon Mang Alfonso?"
"Oo gwapo. At mukhang mabait"
"Naku! Ito talagang si Shin di sinabing may kaibigan siyang gwapo"
"Hoy lukaret huwag kang masyadong magpakampante baka panget yon. Malay natin bungi pala"
"Ingrata ka! Hindi pa ba sapat ang nadinig nating chismiss. Gwapo daw eh"
"Patricia hindi naman gwapo yong lalaking kasama ni Mylabs kahapon. Napaka panget kung makikita niyo lang. Mas gwapo pa nga ako"
Nakababa na ako ng tuluyan ng hagdan at nakita ko agad kung sino ang nag uusap sa sala.
"Oh? Ang aga-aga nandito agad kayo"
Nabaling ang tingin nang lahat sa akin nang marinig nila ang boses ko. Agad tumayo ang dalawang kaibigan kong babae at niyakap ako.
"Diyos ko dae! Akala ko ba mag tatrabaho ka sa syudad e bakit napa-balik ka sa bayan mong sinilangan?" Sabi ni Andy at niyakap ako "Naku! Akala ko mamimiss ko na ang kabaliwan mo" Dagdag niya pa
Tinulak ni Patricia si Andy at niyakap niya ako ng mahigpit
"Ikaw na babae ka! Akala ko matagal pa ang balik mo" Niyakap ko siya pabalik sinama ko na rin si Andy ng makita kung masama ang titig niya kay Patricia. Dahil siguro tinulak siya kaya nagalit pfftt.
"Eh! Namiss ko kayo!" Naka ngiti sabi ko pagka hiwalay ng yakapan naming apat
"Paano ako Mylabs? Payakap rin oh" Nakita kung tumayo si Adrian sa kinauupuan niya at nag lakad papalapit sa akin
Bago pa niya ako mayakap pinigilan na siya ni Andy at hinila pabalik sa upuan.
"Hep! Bawal ka muna dito usapang babae lang'to" - Andy at bumalik ulit sa akin
Napatawa ako ng makita kung sawing-sawi ang pag mumukha ni Adrian "Namiss ko rin naman ang Mylabs ko ah" Parang batang saad niya
"Heh! Tumigil ka bakit ka pa kasi sumama sa amin"
"Ano bang pake mo. Gusto kong makita ang Mylabs ko. Kahit kailan talaga kontrabida ka sa pagmamahalan namin"
Napailing nalamang si Andy. Ako naman natatawa nalang. Namiss ko rin ang ganito ah. Si Andy siya ang pinaka masungit sa amin. Samantalang si Patricia naman ang pinaka makulit. Si Adrian parang naging isa narin sa amin. Siya ang taga- tanggol sa aming tatlo pag may umaway sa amin. Sila ang maituturing kong pinaka matalik kung kaibigan sa Villa namin.
Pina-upo nila ako sa sofa. Nakita kong umalis si papa at pumunta ng kusina.
"Oh! Anong ganap sayo girl? Balita ko may dala ka raw na boylet?" Masungit na tanong ni Andy.
Ang ayaw niya sa lahat ay magka boyfriend ako. Kami nina Patricia. Bawal daw muna kami sa ganyan dahil masyado pang maaga sa ganoong bagay. At man hater din yang si Andy.
"Eeehh! Gwapo raw sabi ni Mia. Naku kalat na nga sa Villa na ito ang lalaking dala mo. Gosh! Totoo ba na gwapo girl?"
Si Patricia naman. Parang nahiligan na ang lalaki. Mabilis maatract pag may gwapong nakita. Katulad nalang ngayon parang kilig na kilig habang sinasabi ang 'gwapo'
"Maniwala kayo hindi nga gwapo mas gwapo talaga ako" Singit ni Adrian
Kita ko ang masamang tingin ni Andy sa kanya "Heh! Manahimik ka nga diyan! Baka kako mas panget sayo"
Sumimangot si Adrian "Ang gwapo ko kaya. Maniwala kayo o sa hindi panget talaga yong lalaki-------"
"Panget hindi gwapo" Sabi ko nang matahimik na sila
Kahit kailan talaga eh. Noh?
"OHH MYY GOOSHH!" rinig ko ang impit na tili ni Andy habang lumilipad ang utak na naka tingin sa may pinto.
Sabay kaming bumaling sa tinitignan niya. Nalaglag ang panga ko habang pinag masdan si Drailan na papasok sa loob ng bahay. Naka puting sleeveless siya at gulo-gulo ang buhok. Mukhang bagong gising ang mukong dahil lutang pa ang pananaw.
"Iinom lang ako" Sabi niya nang makapasok siya sa loob. Nakita niya kami sa sala at tanging kunot noo ang pinapakita niyang emosyon sa amin.
Tumango ako kaya nag dere-deretso na siya sa kusina. Itong si Patricia naman hindi mapalagay sa inuupuan niya.
"Oh my gosh! oh my gosh! The hell Shin! Napaka gwapo pala talaga niya. Ahh! Gusto kong tumalon sa kilig. Naku parang nag slow motion siya sakin habang papasok siya ng pinto"
At iyan na nga talak ng talak si Patricia. Pinalo-palo niya pa si Adrian sa tabi niya.
"Akala ko ba panget Shin" Taas kilay na sabi ni Andy
Nag iwas nalang ako ng tingin. Panget naman talaga siya para sakin.
"Aysus kunwari ka pa ha! May nalalaman ka pang panget-panget diyan. Eh kabaliktaran naman. Naku! Naku!" Si Patricia na natataranta nang makita niyang lumabas si Drailan galing kusina at nag lakad palabas na hindi man lang kami binalingan ng tingin "Pakengshet kung ako maging girlfriend niya hinndi ko na papakawalan yon" Sabi pa niya
Napa iling nalang ako habang sinusundan ng tingin si Drailan na umupo sa silya na nasa labas. Akala ko ba iinom lang siya ng tubig bat may hawak siyang kape. Pambihira hindi ko man lang yon nakitang hawak niya papalabas ng bahay.
"Naku ang gwapo talaga at ang ang hot pa. Pati pag upo niya napaka hot tignan" Si Andy ulit
"Hay pasalamat nalang ako dahil hindi ka nagwagwapohan sa lalaking kaibigan mo. Iyan ang gusto ko sayo Mylabs eh. Stick to one ka lang sakin" Si Adrian sabay kindat sakin
Ngumiwi ako at binalingan ng tingin si Drailan sa labas. Naka tingin pala siya sakin.
"Gosh! Tinignan niya ako. Arg! I wanna die!" impit na tili ni Andy
Nag iwas ako ng tingin at nginitian nalang ang mga kaibigan ko.