Buong araw wala akong imik kay Drailan. Ilang beses rin siyang pumapasok sa mini office ko para uminom nang tubig. Tumutulong si Adrian sa kanya sa pag lilinis ng sasakyan. Sobrang layo nila sa isat-isa para bang may allergic ang dalawa kapag magka lapit lang. Patuloy naman yong pag bisita ni Abegail dito, para magpapalinis ng kanyang sasakyan. Kahit malinis na ito, napaghalataan tuloy na gustong mapansin ni Drai. "Kung mag change color ako ng sasakyan? Do you think it's a nice idea" Tanong ni Abegail para lamang may pag uusapan silang dalawa. Rinig na rinig ko talaga yong pag uusapan nila. Nag sisi pa tuloy ako kung bakit sobrang lapit nang mini office ko sa upuan na nasa labas. "Maganda na itong sasakyan mo" Sagot ng kausap kahit sa simpleng suot niya ng kulay itim na suot na may hi