DION
"Tumigil ka na nga dyan. Iba na yan, mukha ka ng ewan." Sabi ko at ibinato ang hawak ko na tinapay sa katabi ko. Maaga kaming nakapasok ngayon, thirty minutes pa bago magsimula ang first class namin, kaya nag mall muna kaming dalawa, nakakabored naman kasi sa school.
"Sorry na Diooon, kasi naman, kinililig talaga ko dito kay Rileigh." Sagot nya habang busy pa rin sa pag pindot sa screen ng phone nya.
Napabuntong hininga nalang ako habang pinapanood ko sya na mukhang engot dahil nakangiti mag isa. "Basta yung sinabi ko sayo, sa oras na saktan ka nyan."
Tumigil sya sandali at tinignan ako, pero ibinalik din agad ng maramdaman ang vibration ng gamit nya. "Don't worry. Hindi nya ko sasaktan, ako lang daw."
"Oo, ikaw lang. Ikaw lang ang tanga sa inyong dalawa."
"Grabe ka! Bitter nito! Mag boyfriend ka na din kasi!"
Umiling naman ako at itinali ang buhok ko. "No way, pag aaral muna, ano nalang sasabihin ko sa mga magulang ko kapag nag boyfriend ako ng maaga? First year college pa lang tayo, kakatapos lang ng midterm examination natin no." Mahabang sagot ko, tumawa naman sya kaya napakunot ang noo ko. "Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
Tumawa pa sya, at parang enjoy na enjoy. "Kasi naman Dion babe, napaka old fashion mo. Sa generation natin ngayon, pabataan na sa pagkakaroon ng gf at bf, minsan nga both pa."
Sabi nya, kaya natawa na din ako, baliw talaga ang babae na to, napaka daming alam.
"Nabobored na ko." Sabi ko, busy nanaman kasi sya sa katext nya na sya lang daw.
"Makibasa ka nalang kasi sakin, tara na dito." Suggest nya, at dahil wala akong magawa, lumipat ako sa katabi nyang upuan. Kasalukuyan syang nagrereply sa text ng oh-so-destiny nya. Napabuntong hininga nalang ako at itinigil na ang pagbabasa ng walang kwentang conversation na 'yan. But somehow, i felt envy with her. I'm sure that i'm a 100% human, but i rarely feel that kind of attraction. I can still remember that my first crush is when i'm in my last year in highschool, binigyan ko pa sya ng keychain after ng graduation ceremony, but after that wala na ulit, i mean, i know that it'll fade, but not easily as that. Pero gaanon talaga ko.
"Nag meet na nga pala kami last tuesday, i forgot to tell you pala, sorry." Napabaling ako sa kanya dahil sa narinig ko.
"You what?"
"Sabi ko nakipag meet na ko sa kanya. Ang gwapo nya talaga sa personal, tapos ang hilig nya mag smile, napaka approachable ng aura nya Dioooon, grabe. Nakaka in love, tapos ang gentleman pa, tapos ang gwapo pati boses!" Kwento nya pa, na uumay na ko sa lalaki na yan ha.
Don't get me wrong, hindi ako bitter, sadyang nakakaumay lang. She's only seventeen years old to conclude na mahal na nya ang katext nya na yan, and she even met him.
"Alam ba ng parents mo yan? Paano kung may nangyari sa'yo na hindi mo inaasahan? You'll risk your safety para lang sa lalaki na hindi mo alam kung ano ang totoong kulay." Simula ng maging mag kaibigan kami, lagi ko nalang syang pinagsasabihan. She's so naive and gullible, at iyon ang ayoko sa kanya.
"Nope, tsaka wala naman kasing mangyayari sakin, nasa maraming tao kaya kami, sa mall kami nagkita, yung malapit samin." Depensa nya, umiling nalang ako, hindi talaga sya titigil hanggat hindi nya napapatunayan na tama sya kahit ang totoo mali naman talaga.
"Hindi lahat dapat pagkatiwalaan mo. Mapapahamak ka sa ginagawa mo Kim, kaya kung ayaw mo talagang tumigil, mag ingat ka nalang."
Tumango naman sya at ngumiti ng malawak. "Yes! Salute!" Masayang sabi nya, at umakto pa talaga na naka-salute sakin. This girl will never lose her energy.
"Ay teka, itext mo din kaya sya? Para friends kayo!" Hindi ko gusto ang ideya na yan, kaya umiling ako bilang sagot. "Come on babes, mabait naman sya, sigurado ako magkakasundo kayo, mahilig din sya sa music he plays couple of instruments, at marami kayong magiging topic, i'm perfectly sure." Mahaba nyang paliwanag, pero hindi nya ko makukuha sa pangungumbinsi nya na ganyan.
I hate those kind of boys, they were bunch of pathetic human being. I hate playboy, ayoko sa lahat pinaglalaruan ang damdamin ng tao. Sino ba naman kasi ang gugustuhin na maloloko diba? Ayoko sya makausap, i don't need him anyways.
"No, that would be absurd, you know i hate giving my numbers." Hindi nya ko pinansin, busy parin sya sa pagtitipa sa screen ng cellphone nya. At dahil mabilis ang association ko, agad na dumungaw ako, pero huli na, nai-send na nya. "What have you done?! Hindi ba't ang sabi ko wag mo ibigay?!"
Ngumiti lang sya at nag peace sign, kaya lalong uminit ang ulo ko, hindi talaga nakakatuwa.
"Hayaan mo na babes, para may common friend kami, tsaka alam ko naman na friendly ka, tamad ka lang talaga magsalita."
Words with sugarcoated, but with sour meaning, hindi nya ko madadaan sa paganyan ganyan nya.
"Hindi ka sanay sumunod, i told you not, you still pursue kung ano ang gusto mo." Tanging nasabi ko nalang bago umalis. I'm mad right now, ayoko sa lahat yung hindi sinusunod kung ano ang sinabi ko. I hate it when everything isn't flowing as what i had planned. That's me. Yeah, great.
--
"Oo na, just shut up." Saway ko kay Kim, kanina pa kasi sya nag so-sorry sakin, but i'm cool, mabilis lang talaga mawala ang inis o galit ko, well depende sa kasalanan yon, syempre.
"So, were good na?" Tumango na ko kaya ngumiti sya at sumingit nanaman sa braso ko, i just rolled my eyes and sighed.
"Kelan mo pala tatapusin yung lay out ng project natin? Next week na pasahan non." Tanong ko habang naglalakad kami.
"Mamayang gabi send ko sayo, check mo na din kung may mali sa ginawa ko, baka na overview ko." Tumango ako bilang sagot.
Sabay kaming napabuntong hininga, kaya naman nagkatinginan kami at parehas na tumawa. Mahirap pala mag adjust from highschool to College. Napakalaki ng changes. Naninibago ako, kaya mahirap, pero first year pa lang naman kasi namin dito, siguro naman lahat ng neophytes dumaan sa ganitong klase ng anxiety.
Sabi ng ilan, tapunan daw ang course namin ng mga hindi nakakapasa sa entrance examination, well kung alam lang nila, kung nararanasan lang nila na pinipiga ang utak namin at pinapasukan ng iba't ibang theories na minsan out of this world pa, tignan natin kung sabihin pa nila na tapunan lang ang Psychology.
"Dion, alis muna ko, nagtext sila Laila, kailangan daw namin gawin yung sa thesis." Tumango nalang ako bilang sagot. "Baby ba talaga to? Eh nakaka stress kaya, sarap nila sampalin, mga 10 times." Reklamo nya habang naglalakad paalis kaya naman natawa ko, kahit kelan talaga ang babae na yon.
Sakto ng pagtayo ko sa kinauupuan ko para pumunta narin sa respective group ko ay naramdaman ko ang magkasunod na vibration ng phone ko, so i fish it inside my pocket.
"From unknown number:
Hi."
"From unknown number:
Ikaw si Dion diba?"
Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa, sino naman ang talipandas na to? Kaya agad na pinindot ko ang reply button.
"Whru?" At agad na sinend ko.
Agad naman akong nakatanggap ng respond galing sa unknown number na to.
"From unknown number:
Ha? Whru? Ano yon?
Kaya natawa ako. "Who are you?"
"From Unknown number:
Ah! Okay, sorry naman. Raver Leigh Samaniego, at your service. Hi."
What a familiar name, saan ko ba narinig yon? Then a familiar voice echos in my mind,"Babess! I gave your number kay Ravermylaaabs!" Darn it. Ipinamigay nga pala ng bruha ang number ko.
"You must be Kim's fling?" I replied, nawalan tuloy ako ng gana, sa way pa lang ng pagtetext nya, alam ko na agad na playboy ang isa na to.
From Unknown number:
aray naman, masakit ha? Fling talaga? Hindi ba pwedeng tropa lang?"
Maybe i should teach him a little lesson. Hindi nya alam ang sinasabi nya.
"Friends? I don't think she sees you just a friend, and you seems so close to each other, even though I'm not and i will not wanted to see you, you're obviously a playboy, stop flirting with girls dude. Real men don't hurt girls."
Pagkatapos ko'ng i-send yon, itinago ko na ang phone ko, walang kwenta katext, manlalandi nanaman. Naramdaman ko ulit ang sunod sunod na vibration ng phone ko na nasa bag ko, pero hindi na ko nag abala pa na tignan yon, baka mainis nya pa ko.
--
"Dion."
"Hmm?" Sagot ko habang nag susulat ng reviewer para sa finals namin, kahit next month pa yon, marami din kasi ang subjects namin kaya maganda na unti-untiin ko na, ayoko mag cramming, tsaka two weeks na din akong puyat dahil sa inaasikaso namin ang mga projects na malapit na ang submission, nabawasan na ng isa since naipasa na namin kahapon. Buti naman at kahit may kalandian ang isa na to, responsible at seryoso parin sya pagdating sa pag aaral, kaya okay lang din.
"Bakit ayaw mo mag boyfriend?" Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa tanong nya, pero itinuloy ko din.
"Hindi ka ba nasasawa na itanong sakin yan?" I shot back.
"Nag tataka lang ako, kasi may katulad mo pa pala na walang panahon sa lovelife, kaya nakakapanibago lang." Paliwanag nya.
"Alam mo kasi, kung alam mo ang priorities mo sa age mo na yan, hindi mo na kailangan magulat kung may katulad ko sa mundo. Hindi hangin ang pagpasok sa isang relasyon para hindi ka mabuhay ng wala yon, at lalong hindi yon pagkain para hindi ka makasurvive sa isang araw, if it's meant to be, it will. Darating yan sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Kaya, chill lang ako."
Tumango tango naman sya, hindi ko alam kung nakikinig ba sya o sadyang wala lang syang masabi.
"Ganyan na ba talaga pananaw mo simula bata ka?" Talaga bang marami syang follow-up questions?
"Hindi, actually i had several flings when i was in highschool, i don't take relationship seriously, i mean i don't play with them, it's a no string attached relationship, sa una pa lang alam na namin parehas, not like playboys or playgirls around, they play with feelings." Mahabang paliwanag ko. Sinilip ko ang relo na suot ko, 30 minutes pa bago magsimula ang next class namin, bakit ba kasi ang haba ng mga vacant namin? Sinasayang lang nila oras namin.
"Eh bakit ayaw mo sa playboys or playgirls? May issue ka ba sa kanila? Naloko ka na ba?"
Matagal ako bago nakasagot, it seems like i was traveling back a couple of years ago, the fang of pain still stabbing my chest.
"Those kind of people ruined my best bud's life."
"Ha? Sino? Bakit di ko kilala?"
Umiling ako para hindi tumuloy ang luha na kanina ko pa pinipigil.
"As much as i wanted to introduce you to her, hindi ko na magagawa."
Bumalik sakin lahat ng nangyari ng gabi na yon, at isa yon sa mga dahilan kung bakit ko napili ang course na 'to. Gusto ko'ng matuto kung paano i-overcome ang nightmare na hindi ako pinapatulog ng maayos sa gabi.
"Bakit naman?"
"She commit suicide two years ago."
"Hay nako! Tulaley nanaman si mader Dion girl." Muntik na ko malaglag sa kinauupuan ko kung hindi pa ko nakahawak sa gilid ng table ko dahil sa malakas na hampas sakin.
"Bakit ba?! And i told you not to call me that!" Halos pasigaw na sagot ko at inipit sa tenga ko ang nalaglag na buhok sa mukha ko.
"Eh bruha ka kasi! Ano ba problema mo? Lagi ka nalang tulala? Tsaka bakit ba? Ang haba kasi ng Dion! Sayang laway ko!" Tanong ng bruhang si JC, yes he's a gay, ka co-department ko sya, at nakasama ko nung last year ko sa college.
"Wala, pagod lang ako. 3 days na rin akong nag iinterview, tsaka ayusin mo ha." Sagot ko nalang, wala ako sa mood magkwento ngayon.
"Basta, ay oo nga pala, congrats girl, nagustuhan ni President yung mga applicants na napili mo, pero before i forgot, nagbaba pala sya ng memo."
"Anong memo?" Wala naman akong ginagawa ah? Bakit may memo ako sa kanya?
"Not sure, pero punta ka daw before lunch." Agad na tinignan ko naman ang wall clock malapit sa pwesto ko.
"s**t, 11 am na pala."
Tumango tango naman sya na parang sinasabi na yeah, you're stating an obvious one.
"Gora na, punta na don." Marahan nya akong tinulak at nag lakad na pabalik ng cubicle nya. Sa unang tingin mo ay hindi talaga sya mukhang bakla, hindi sya cross dresser, kahit nasan kami, sabi nya hindi naman daw kailangan mag damit babae pa, bakla daw sya pero may respeto sya sa sarili nya, and I agree with that, I’m not against sa mga cross dresser, It’s just that siguro hindi lang bagay sa iba, pero why do I have to care about that? It’s their lives anyway, if you want to do things like that, then go ahead, as long as you’re not hurting anyone.
Tumayo na ko agad, dahil baka marami akong makasabay sa elevator, memo pa ang binigay, na hindi naman ako nabalitaan, I halt for a moment when I realized that Alex is nowhere to be found.
"Nasan pala si Alex?"
Tumawa ang bruha kaya napakunot ang noo ko. "Akala ko di mo na mapapansin yan dahil sa dami ng iniisip mo, anyways, death anniversary ngayon ng kapatid nya, kaya nag leave muna sya."
Oo nga pala, death anniversary nga pala nya. Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko nang maalala ko yon, huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti para itago ang nararamdaman ko.
"Sige, tatawagan ko nalang sya mamaya. Punta muna ko sa taas." Paalam ko bago tuluyang lumabas ng department namin.
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa elevator, nakakahiya naman kasi kay President kung paghihintayin ko sya. Masyado na syang mabait para abusuhin ng kung sino man. Limang minuto pa ang binilang ko bago makarating sa tapat ng pinto nya, kaya inayos ko ang buhok ko at pinagpag ng bahagya ang parte ng damit ko na nalukot na. Kumatok muna ko ng tatlong beses at hinintay na papasukin ako.
"Come in." Mahinang sabi nya, kaya marahan ko na binuksan ang pinto.
"Good morning Sir, I'm sorry for being late." Panguna ko na agad pag pasok ko.
Ngumiti naman sya at umiling. "No it's okay. Please take a seat." Sabi nya na agad ko naman sinunod.
"Bakit nyo po pala ako pinatawag Sir?" Agad na tanong ko, huminga ako ng malalim para matakpan ang hingal ko dahil sa pag takbo na ginawa ko.
"Ah yes, about sa isang applicant na tinanggap mo." Sabi nya at umupo sa swivel chair habang inaayos ang folders sa harap nya.
"Sino po sa kanila Sir?" Tanong ko dahil hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy nya. We hired fourty applicants this month, kaya ngarag na ngarag ako.
"That guy named Raver Samaniego?" Parang hindi pa sya sigurado kung tama ang pagkakabasa nya ng pangalan sa folder na hawak nya, It must be Leigh’s.
Para naman akong nakuryente sa narinig ko na pangalan. "What about him sir?"
"I'll go straight to the point, isama mo sya sa team building next month." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya, pero teka, kami? May team building kami? Bakit hindi yata ako nainform? Ganon ba ko ka-loaded ng past ko?
"Teka sir, may event po ba tayo na ganon?" It may sound stupid pero gusto ko lang linawin.
"Yes, actually sayo ko unang sinabi, but don't worry I'll be the one managing that one, kaya hindi na ko nagbaba ng announcement, anyway, this are the papers, sa’yo ko na ibibigay to, distribute this one week before the team building, para makapag prepare pa ang lahat sa tatlong department." Bilin nya then handed me a pile of bond papers.
"Pero sir, nakakahiya naman po sa inyo pag ganon, sana ako na lang po ang pinagawa nyo." Nakakahiya talaga, kasi imagine? President will be the one who'll manage our event?
"No worries, it's okay." Natapos na rin nya kaya mas lalong nakakahiya.
"Anong department po ba ang kasama dito?"
"Ah yes, muntik ko na pala makalimutan, i'll give a memo to every department na isasama ko. The HR department of course, Accounting department and the Visual and arts department."
"Yes sir. Sasabihan ko nalang po yung mga department head." Tumango sya kaya tumayo na ko sa kinauupuan ko para magpaalam.
"And miss Enriquez." Tumigil ako sa paglalakad at tinignan sya.
"Yes po?"
"You'll never find happiness if you don't know how to forgive those who hurted you." Hindi ko alam, pero isang tao lang ang naisip ko nang marinig ko yon, marami naman akong kinaiinisan, pero isang tao lang ang hindi ko kayang matagalan na makasama at makita.
Hindi ko sinabi yon syempre, huminga lang ako ng malalim bago humarap at sa kanya at ngumiti. "It takes time to heal any wound sir."
"Professor mo ko simula second year college ka, kilala na kita Dion."
Napangiti ako sa sinabi nya, yes professor ko sya simula college ako at talagang napamahal na ko sa kanya. Sobrang bait nya at maasahan ko sa lahat ng oras, pati na rin ang mga anak at asawa nya, naging second family ko sila.
"Yes tito. Salamat po at kahit busy ka, hindi mo ko nakakalimutan." Tumawa naman sya at tumayo, niyakap nya ko ng mahigpit.
"Namiss ko ang baby girl ko, hay. Ang laki mo na ngayon. Dati lang wala kang pakielam sa mundo. Ako na ang naging tatay mo sa loob ng unibersidad, ipinagkatiwala ka sakin ni Daniel kaya sana maging masaya ka sa lahat ng desisyon na ginagawa mo anak."
Naiiyak naman ako, ang saya kasi dalawa ang papa ko, best friends since highschool si papa at tito Benny, at college ako nung nameet ko sya, ofw si papa that time, at sabay kami dapat uuwi nang magkita sila sa hallway, and everything was history.
"Sige Tito I need to go, may tatapusin pa ko na papers." Paalam ko sa kanya, dahil kailangan ko na rin naman talaga bumaba, alam ko na busy rin sya ngayon.
"Alright.” He lightly patted my shoulder. “Oh by the way the guy you just hired, I have this feeling, at minsan lang ako makaramdam ng ganito ha.” Sabi nya habang nakangiti, “I know that you will end up together.”
I gasped. “Tito!” I almost shouted, nagulat ako eh, kung ano ano sinasabi nya.
He laughed. “What? I’m watching you both while you’re doing the interview, that guy is into you, I’ll bet all my wealth.” He said then chukled again, “He looked at you the same way I looked at my wife.”