3

1423 Words
                                                                           "Dion?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa tapik sa balikat na naramdaman ko. Bumungad naman sakin si Alex na para ba'ng nagtataka kung bakit ako tulala. Ang laki talaga ng resemblance nya kay Kim, kaya siguro naging comfortable ako agad sakanya, ilang araw pagkatapos magsimula ng trabaho ko sa kompanya na to.  "Bakit?" Tanong ko, masyado na kasing malalim ang iniisip ko.  "Off mo na, eight pm na oh, mag oover time ka ba? Kung hindi, tara na, sabay na tayo lumabas." Ngumiti ako at tumango dahil sa sinabi nya, tinignan ko ang relo sa gilid ng table ko, tama sya ilang minuto nalang bago mag alas-otso ng hapon.  "Sige. Tara na." Sagot ko at agad na inayos ang table ko na maraming nagkalat na papel.  "Teka, nga pala, kilala mo ba yung last applicant kanina?"  Napaisip naman ako kung sino ang tinutukoy nya, kaya napatigil ako ng maalala ko. Si Leigh "Bakit?" Imbis na sagutin ko ang tanong nya, magtatanong nalang ulit ako.  "Kanina kasi bago sya lumabas ng company, hinihingi nya number mo, pero hindi ko binigay since it was a private information." "Salamat." Sagot ko, napahinga ko ng malalim dahil naalala ko ang note na inilagay ko don. Wala na syang karapatan na pumasok sa buhay ko, his place was already shut. Pero kailangan ko din maging professional, his skills will help a lot in this company, kaya kailangan namin sya. Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng lugar dito pa? Kung kelan kahit paano nakalimot na ko, tsaka sya darating at sisirain ang pader na nagawa ko.  That rat.     Kinabukasan, maaga akong gumising para pumunta sa supermarket, muntik ko pa makalimutan na halos wala na akong stock, kaya kailangan ko na rin mag lagay. Pag pasok ko sa loob, kumuha agad ako ng push cart, basket at inilagay sa loob, para naka separate yung mga sabon sa pagkain, hindi ko jugali magpa laundry, kahit gaano ko ka-busy, ako pa rin mag lalaba ng mga damit ko, ayoko pahawakan sa iba, mas may tiwala ako sa sarili ko dahil gamit ko yon. Kinuha ko ang listahan ko at nag umpisa nang mag hanap. Si mama ang nag turo sakin paano maging organized, lalo sa pamimili, dapat nakalista yung mga dapat bilin, mula sa needs hanggang sa wants, lalo daw kung mag tatrabaho ako sa malayo at hindi sila kasama, which is nangyayari ngayon. Nag ojt din naman ako sa QC pero iba pa rin kung nag tatarabaho ka na talaga, liable ka na sa lahat, at pwede ka na rin talaga bigyan ng work loads. “Cheese, evap, condensed, ano pa ba?” Nasa harap ako ng stall ng mga gatas, mahilig ako gumawa ng desserts kaya hindi mawawala sa checklist ko ang mga ganitong bagay. “Sugar pala.” Bumalik ako agad sa sugar section at kumuha ng one kilo ng sugar, good for one to two months na to dahil hindi naman ako madalas gumamit ng asukal sa bahay. Halos isang oras din ako namili bago naisipan na pumila sa cashier, sa dami ng binili ko, baka two months na ko hindi mag grocery, makakasave din ako ng time, minsan mas gusto ko matulog kaysa lumabas ng bahay, pahinga lagi ang hinahanap ng katawan ko, siguro dahil madalas puyat ako. “Ano gusto mo ulam mamaya, love?” Napatingin ako sa lalaki at babae sa harap ko, halos hindi sila nalalayo sa age ko, may dala din sila na push cart at nag uusap. “Hmm, adobo! Gusto ko pork ha? Sanay ka ba non?” Sagot nung babae sa boyfriend nya. Tumawa lang yung lalaki at hinawakan ang buhok nya. “May youtube naman, edi panuorin kung paano mag luto, kung iyon ang gusto mo kainin.” Sagot nya, kaya niyakap sya patagilid nung babae.   “Love, sa bahay ka na ba mag lu-lunch? Ano ba gusto mo ulamin? Iyon bilin natin na rekado.”Kasalukuyan kami na nasa supermarket, sinundo nya ko sa school. I’m on my last year in College, matagal na silang hindi nagkakausap ni Kim. Natatakot ako na baka magalit si Kim, kaya matagal ko na tinago ang nararamdaman ko, pero lumapit si Kim sakin to meeti her new fling, sinabi nya na ayaw na daw nya kay Leigh. Alam ko, ang pangit tignan na nagkaron sila ng intimate relationship, tapos kami ngayon, pero kung hindi ko naman nasasaktan si Kim o ibang tao, wala naman siguro problema to. “Love?” Naptatingin ako agad sa katabi ko, kunot noo sya na nakatingin sakin habang may hawak na gulay. “Okay ka lang? Ano ba gusto mo?” Ngumiti lang ako at tumango. “Gusto ko ng adobo, sarapan mo ha!” Sabi ko kaya natawa sya at kumamot sa noo. “Patay tayo dyan, di ko alam yon, pero sige, uso naman mag youtube.” Sabi nya at hinalikan ako sa noo. “Para sa pinaka magandang babae sa mundo, ang pinaka masarap na adobo.” Natawa ko at hinampas sya, puro naman kaso kalokohan.   “Ma’am? Next po.” Kumilos ako agad dahil sa boses ng cashier, nakaalis na pala yung baba at lalaki sa harap ko kanina. Kinuha ko na nsa cart ang mga binili ko inilagay sa tapat nya. Nag hintay na lang ako, habang inaayos nila sa box at plastic ang mga dala ko. “7,220.66 po Ma’am.” Inabot ko agad ang card ko, para dun nya makuha ang p*****t ko. “Paki sign na lang po ditto Ma’am.” Sabi nya, kumuha ako ng sarili ko na ballpen at pinirmahan a ng dapat pirmahan. “Thank you po, come again Ma’am.” Sabi nya, tumango lang ako at umalis na, tulak tulak ko ang cart na may laman. Nakakainis, lagi ko nanaman naaalala yon, the truth is, hindi naman ako galit kay Leigh ng sobra, mas galit ako sa sarili ko. Kung sana hinid ko tinuloy ang relasyon naming dati, hindi sana madedepress si Kim, hindi sana sya magpapakamatay, samin dalawa ni Leigh, mas may kasalanan ako, kasi pumatol ako, hinayaan ko na emosyon ko ang mauna sakin, dahil sa nararamdaman ko may taong namatay, may taong hindi naituloy ang mga pangarap, may kaibigan ako na nawala, at tuwing nakikita ko si Leigh, naaalala ko lahat ng bagay, lahat ng emosyon, lahat ng mga what ifs ko, at gusto ko nang mawala yon, hindi ko kaya na tumagal sa ganon.   Selfish man pakinggan, pero gusto ko na talaga na makalayo sa kanya, pero hindi ko alam, kung bakit kung kelan okay na ko, tsaka pa sya biglang susulpot, at ang mas nakakainis don, hindi nawawala yung epekto nya sakin. Masakit yung mga alala na dala nya, at ayoko na mabuhay lang ako sag anon, gusto ko rin naman sumaya kahit paano. “Dion?” Napatigil ako sa pag lalakad, baka lang naman kasi ako yung tinawag diba. “Uh.” Hindi ko alam kung sino ang lalaki na nasa harap ko ngayon, hindi ako magaling kumabisado ng pangalan at mukha, lalo kung matagal na. “Hahahaha! Hindi ka pa rin nag bago, let me guess, nakalimutan mo na ko no? Ganyan ka rin nung College tayo.” So kaklase ko sya? “Paul, kaklase mo sa General Pyschology, nung first year ka, tapos irregular ako na second year, minsan third year, naalala mo na?” “Ah, oo. Ikaw pala.” Hindi ko naman sya masyadong nagging close, kaya hindi ko alam kung bakit feeling close sya sakin ngayon. Hehe “Kamusta na? Laki ng ginanda mo ah? Mag I sa ka lang ba?” Tanong nya at sinabayan ako sa pag lalakad, gusto ko sana sya paalisin dahil ayoko ng may kasama pero nahihiya ako. “Nasan kasama mo?” Tanong nya ulit kaya huminto ako sap ag lalakad, at humarap sa kanya, kaya tumigil din sya, tumingin sya sakin at nakangiti, may iba, alam ko, may kakaiba. “Actually Paul, wal-’’ Napahinto ako sap ag sasalita nang maramdaman ko na bumigat ang balikat ko, nakita ko na lang na may braso nang nakasampay don, kaya tinignan ko agad ang gilid ko. “Actually, may kasama sya, you don’t need to accompany her, I can do that, myself.” What the f**k? Bakit nandito nanaman si Leigh? At paano nya nalaman na nandito ko? Seryoso ba sya?  Tumingin ako sa harap para makita ang reaksyon ni Paul, nakatingi pa rin sya, pero may kakaiba don, hindi ko malaman kung ano, pero parang tuwang tuwa sya dahil may nalaman sya. “I knew you would come.” Sabi nya kaya kumunot ang nook o, alam nya na pupunta si Leigh dito? Bakit ako hindi? “I knew it, Raver.” Sabi nya ulit at ngumisi. Seryoso lang ang mukha ni Leigh. “f**k off, before I do.” Mahina pero matigas na sabi nya, naramdaman ko na humigpit ang kapit nya sa balikat ko. Okay, what’s happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD