5

2905 Words
                                                                                         DION "Oh, maaga ka yata ngayon Dion?" Bati sakin ni Kaila pag pasok ko sa 4th floor, sya ang pinaka maaga pumasok sa department naming, minsan sya na rin ang nagbubukas ng aircon sa office, even sa pantry, at nag bubukas ng mga PC.  Umiling ako at umupo tsakan hinipan ang kape na binili ko sa vending machine. "Hindi pa ko umaalis, nag pay bath lang ako sa baba, tutal may baon naman akong damit sa sasakyan ko." Nanlaki naman ang mga mata nya, dahil sa sinabi ko. "What? Hala ka! Baka naman mag kasakit ka nyan?" Tanong nya at lumapit nang bahagya sakin para silipin ang mukha ko, maayos naman siguro ang itsura ko ngayon? I don’t know, sana. "I have to finish things up before I go home." Sagot ko at ininom ang coffee na binili ko, umupo na ko at nag simulang mag encode ng mga datas na gagamitin namin sa susunod na lingo. "Ganon ba, oh sige, punta na ko sa cubicle ko, may tatapusin pa kasi akong report." Paalam nya at lumabas na ng cubicle ko, tumango lang ako bilang sagot habang abala pa rin sap ag tatype. Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos ditto, tambak na reports pa ang kailangan ko'ng gawin kaya dapat masimulan ko na. Nagbukas ako ng sss at f*******: ko para sa mga new emails na dumating. Minute passed after i logged in, biglang may nag poop up na Friend request. Hindi ko na balak i-entertain pero nag message pa sya, so, I opened it. [Hello Dion! It's me Paul, classmate mo sa Gen psych and Chemistry nung college. Pa-accept.]  I remembered him kaya accepted his friend request.  [Hi Dion!]  Napakunot ang noo. What does he want?  [Hello.] I replied. Mag eencode na sana ko ng bigla na naman tumunog ang pc, indikasyon na may nag message.  [Wazup?] I rolled my eyes. I have no time for his crappy things.  [I'm working, so please don't bother me.] I typed, and send, tapos ay nag log out na din ako. Panira ng mood naman ang isa na to, may kailangan ba sya, bakit mangangamusta? Ayoko talaga ng ganon, hindi naman kasi kami close no, hindi ko nga masyadong matandaan, pero I remembered something with that name. Ilang oras din bago ako natapos sa ginagawa ko na compilation ng mga informations na kailangan.  Nag inat at tumayo na ko tsaka kinuha ang gamit ko, tinignan ko ang wristwatch ko, 11:30 na pala. Kaya pala medyo nagugutom na ko, kinapa ko ang phone ko sa bag ko, at nagtipa ng text para kay Alex. Dalawang araw na syang hindi pumapasok, wala naman syang binabanggit na mag le-leave sya, so probably something happend.  Ilang minuto ko'ng hinintay ang reply nya pero wala. I shrug at ibinalik na ang phone ko sa bag. Pumasok na ko sa elevator pababa ng ground floor. Sa malapit na restau nalang ako kakain. Nakakatamad maglakad papunta sa caf, sa dulo pa kasi yon, though nasa 2nd floor. Sumakay na ko agad sa kotse ko at dumiretso sa kainan. Nagugutom na ko. Kagabi pa ko hindi kumakain, at kape pa ang ininom kanina.  Ininform ako ng waiter na ilang minuto pa ang hihintayin ko para mai-serve ang in-order ko, wala naman kaso sakin kaya okay lang. Nag observe nalang ako sa kabuuan ng restaurant. The atmosphere is quite relaxing. Sa right side, may mga books shelves, and their soundtrack is classical, full of green plants and different kind of flowers din ito, bahagya kong pintik ang table ko, magkahalong glass and narra trees ang mga furnitures dito. Marami ring kumakain, halos puno na lahat ng seats. Siguro masarap talaga dito. Wala na kasi akong time maghanap ng mga ganito, hindi katulad nung college ako.  "Mam, excuse me. Thank you for waiting, here's your order." Sabi ng isang waiter habang ibinababa ang mga orders ko.  Humarap naman ako sakanya at ngumiti. "Thank you." Napakunot ang noo ko, he looks familiar.  "Dion?" Like me, I saw recognition in his eyes.  "Yes, I know you, my brain just can't track it down." Naibulalas ko.  Tumawa naman sya, kaya lumabas ang malalim nyang dimples, but don't get me wrong. Napansin ko lang talaga.  "You never change, you always blurt out what's inside your head." Sabi nya at tumawa ulit kaya napakunot ang noo ko. "Halata naman na hindi mo ko matandaan, it's me Kris, friend ni Leigh." Hinalukay ko pa sya sa utak ko.  I snap my finger when i remembered him. "Ah! Ikaw pala, hello." Bati ko sa kanya. Nag lean naman sya at ibinaba ang tray na pinaglagyan nya ng order ko kanina, pinasadahan ko sya ng tingin. "Trying new experience, eh?"  Confusion is written all over his face, bakit? May mali ba? "What?"  "You're trying to be a waiter to try a new experience, right?" Sabi ko, or mali ako?  Nakatingin lang sya sakin, at para bang binabasa kung ano man ang iniisip ko.    "How do you say so?" Pagka'y sabi nya.  "Wala kang kahit anong sugat or mark sa wrist mo, na normally nangyayari sa mga matagal nang waiters, nakafold din sa arms ang polo mo, as far as i remember, may rules ang waiters and waitress na hindi pwede itaas yan kung naka duty ka, or else, hindi ka talaga waiter or waitress, hindi ka rin ganon ka bilis kumilos, and hindi ka galing sa kitchen, galing sa crew's quarter." Sagot ko, napansin ko lang naman sa kanya.  Maya maya ay tumawa naman sya, tinignan nya muna ang paligid, tsaka biglang umupo sa kaharap ko na table. Mukhang nag eenjoy sya sa sinabi ko ngayon lang.  "Simula talaga dati pa ikaw na ang pinaka favorite ko." Nakangiti pa rin nyang sabi.  Ngumisi lang ako. "Favorite sa lahat ng iniwan ng friend mo? Is that a compliment? Should I throw a party?"  Nawala naman ang ngiti sa labi nya kaya natawa ako. Sabi na nga ba at ganon ang magiging reaksyon nya kapag sinabi ko yon.  "I'm just kidding." I said.  Tumango naman sya at bumalik ang ngiti. "Anyways, what are you doing here?"  I shrug at tinusok ang steak na nahiwa ko na. "Obviously, kumakain ako, ikaw ang dapat kong tanungin. What are you doin' here?" I shot back.  Naningkit naman ang mata nya. "How did you know pala na hindi ako waiter dito? Bukod sa mga observation mo?"  Tumawa ako ng mahina at pinitik sya sa noo. "Baliw, matagal na kitang kilala no. Kung gusto mo kasing hindi ka makilala magpa surgery ka. You're the number three in the list of the most wealthiest bachelor in the world."  Kita naman ang amusement sa mukha nya. "Woah. You did some research huh?"  "No. Kilala ka lang talaga." Maikling sagot ko bago inubos ang huling piraso ng steak ko.  "Sooo, Dion, ayaw mo pa rin ba sa mga playboy?" Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang sinabi nya.  Ngumiti ako ng bahagya, at tinignan sya. "Nagmahal nga ako ng playboy eh, hindi nalang basta ayoko, galit na ko. But then I find it very childish of generalizing them all. So it depends." Tumaas naman ang kaliwang kilay nya. "Depends on what?"  I shrug. "Depende, kung sakin gagawin."  Tumawa naman sya ng mahina. "Hay nako Dion, you know what, I missed you. Simula nung nawalan kayo ng communication ni Leigh nawalan na din ako ng matinong kausap, buti nalang nagkita tayo ulit." Natawa ako dahil sa sinabi nya.  Sa lahat ng ipinakilala sakin ni Leigh, sya lang ang pinaka naging ka-close ko, masarap syang kausap may sense of humor pa. Parang naging best friend ko na nga sya eh. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sakanya, masyado syang naging mabuti sakin para magalit ako sa mga masakit at nakaka bwisit na ginawa sakin ng kaibigan nya.  "Glad to hear that. Masaya din ako na nagkita tayo ulit. So how's life to you now?"  "Hmm. Good, I'm enjoying it." Sabi nya, nakita ko ang mabilis nap ag ngisi nya na parang may pangyayari syang naalala. Naningkit ang mata ko dahil sa safe answer nya. "Iba ang meaning sakin ng you're enjoying it pag ikaw ang nagsabi." Sagot ko na ikinatawa naman nya.  "Okay fine. I have my own business now, and I'm proud that it's because of my hard work, I never used even a single centavo from any of my bank accounts that my surname gave."  I nod, buti naman at naging maayos sya. Nung college kasi kami, kahit different schools kami, pinupuntahan nya ko minsan, ang lagi nyang dahilan "para naman magkaron ng pakinabang ang buhay ko." Kaya simula non, hinayaan ko nalang sya. Tutal masaya naman sya kasama, at may punto naman sya sa sinabi nya, sino baa yaw magkaron ng sariling income, sariling desisyon sa buhay at sariling buhay diba. "That's good to hear, then, but as much as I want to stay, I have to go. Actually, hindi pa ko natutulog, kaya uuwi muna ko." Paalam ko at inayos na ang gamit ko, tumango naman sya at tumawa bago sumabay ng pagtayo sakin.  "Do you want me to drop you?" Offer nya sakin, back then it was always Leigh who offered a ride wherever I go, sasamahan nya ko, lalo kung hindi sya busy, hindi ka makakarinig ng reklamo sa kanya. Umiling ako. "No need, I have my own car."  "Alright, then, i'll give you a call later, give me your number." Sabi nya at inabot sakin ang phone. "Wow, may patago ka? Boss? Kung makapag utos." Sagot ko pero kinuha ko pa rin ang phone na hawak nya Tumawa lang sya at umiling. "Same old Dion, where do you work pala? I'll drop a visit some other time." Sabi nya kasabay non ang pag abot ko sakanya ng phone nya, at wala pang ilang segundo ay nag ring na yon, itinaas nya ang phone nya, indikasyon na sya yon, kaya isinave ko sandali at hinarap ulit sya, nakangiti lang sya.  "Of course. I have to go. See you around." Sabi ko at umalis na. Hindi ko na sinagot kung saan ako nagtatrabaho, Inaantok na talaga ako, hinihila na ko ng katawan ko. Narinig ko pa na tinawag nya ko pero nakasakay na ko sa kotse ko.  "Wait! Dion!" Napaismid nalang ako at tumigil.  "What?" Sagot ko. Hinihingan naman sya, kaya muntik na akong matawa.  "Ingat ka." Sabi nya kaya tuluyan na akong tumawa. Pinitik ko ang noo nya na lagi kong ginagawa sakanya.  "Oo na, Ingat din." At pinaandar ko na ang sasakyan.  Hay. This world is really to small, una sya ang nakita ko, tapos ngayon kaibigan naman nya. Napatingin ako sa picture na malapit na radio.  Kim, i wish you were here.                                                                                  -- "Hi Dioooon my friend!" Napatigil ako sa pagtitipa ng report ko sa laptop ng biglang may nagsalita sa phone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Alexis, naka auto answer kasi pag nakalagay sa speed dial ko.  "Oh bruha. Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit two days ka nang hindi pumapasok?" Sita ko sa kanya. Tumahimik naman ang background nya, kaya kumunot ang noo ko.  "May inaayos lang ako, bruha ka din, tsaka nag file ako ng three days leave." Sabi nya at tumawa sa kabilang linya. "So hanggang bukas ka absent?" Tanong ko habang nag titipa pa rin sa keyboard, kalahati na ang nagagawa ko ngayong araw na to, malapit na rin ako matapos, gagawan ko pa ng kopya lahat to, bago i-ayos sa mga cabinets, It’s past six in the evening, over time again. "Uhum." Napailing nalang ako, alam ko na ang kasunod na sasabihin nya. "There's a problem." Conclude ko.  "Huh? Sino? Saan?" Napailing nalang ako kahit hindi nya nakikita.  "You." Sabi ko na ikinatahimik naman nya agad. "Gotcha" pahabol ko pa atsaka ako tumawa.  "Freak." Natatawa nyang sagot. I know her better.  "Witch." Ganti ko. Sinave ko muna ang ginagawa ko na report bago pinatay ang laptop. "Where are you?"  Tumayo na ko at kumuha ng jacket. September kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin, kinuha ko na din ang wallet and car keys ko bago bumaba at mag palit ng damit ko sac r, may baon naman ako, nagpalit muna ko ng kumportableng sweatshirt at smart pants, Sa malapit na park namin napagpasyahan na magkita, 7 blocks lang pagitan ng mga bahay namin, medjo malayo kaya nauna ko sakanya. Ilang minuto din naman ay dumating na sya, naka pants with tee shirt, and a jacket, may dala din syang maliit na plastic.  "Bakit nakaganyan ka? Saan ka galing?" Tanong ko pag upo nya.  Ngumiti naman sya ng alanganin, at niyakap ako, kaya nagulat ako."Di."  I patted her shoulder. "Hey, what's wrong?"  Humiwalay sya pagkakayakap nya sakin at tinignan ako ng maigi. Halata sa mukha nya ang pagod at walang tigil na pag iyak.  "Di, i have a problem."  "Tell, so I could help." Umiling sya at yumuko na mas lalong nagpakunot ng noo ko, i have a hunch but i want to confirm it.  "Buntis ako." Mahinang sabi nya, pero sapat na para marinig ko.  Hindi ako halos makagalaw dahil sa narinig ko. Oo, narinig ko. Hindi ako bingi. But i never saw that coming. Masyado syang matino para sakin. Kung sa iba nanggaling yon, maiintindihan ko pa, pero hindi sya. Hindi sakanya.  Naramdaman ko ang panginginig ng kamay at pangingilid ng luha ko. Kusang gumalaw ang kamay ko at dumapo sa pisngi nya. Bumakas ang pagkagulat sa pagod nyang mukha.  "Di. Sorry. Alam ko, nag promise ako sayo na hindi mangyayari to hanggat hindi ako kinakasal. Pero.. Pero mahal ko talaga sya."  Mapakla akong tumawa. Pagmamahal nanaman. Ang nakakamaty na pagmamahal naman na yan ang dahilan. "Mahal mo? Mahal ka ba? Ano bang sinabi ko sayo?! Alex wala ka nang pamilya, ako na ang tumayong kapatid mo simula nung nakilala mo ko. Pero bakit ganito? Bakit?"  Umiyak sya lalo. Guilty sya. Oo alam ko, guilty sya, at galit ako. Halos hindi ako makahinga. Mangyayari nanaman ba? Did the same mistake will happen over and over again? Hindi ko sinasabi sakanya ang dahilan kung bakit ganito. Kung bakit inilalayo ko sya sa mga ganitong klase ng posibilidad. Kasi ayokong maulit. Kaya inaalagaan ko sya. Pero ito nanaman. Masakit ang nangyari sakin, pakiramdam ko wala nanaman akong nagawa.  "Di, i'm sorry."  "You should be." Tinapik ko ang kamay nya na nakahawak sakin at tumayo tsala naglakad paalis.  "Di! Sandali!" Sigaw nya, tumigil ako, pero nakatalikod pa rin. "Bakit ba kasi? Bakit ba kasi ayaw mo na mabuntis ako ng boyfriend ko? Hindi mo pa naman sya kilala, magugustuhan mo din sya. Tsaka pinangakuan nya ako ng kasal."  Napakuyom ang kamay ko dahil sa kaparehang mga salita na narinig ko. Mga sinungaling! Bwisit talaga. Walanghiya. Pinangakuan lang ng kasal bukaka na agad? Paano kung magbago ang isip nya, eh may nabuo na? Mga hindi nag iisip.  "Nawalan ako ng kaibigan na halos kapatid ko na, dahil sa ganyang pangako, kaya hindi mo ko masisisi. Inalagaan kita, kasi wala nang gagawa non para sayo, iningatan kita, kasi kapatid na turing ko sayo."  Oo, dumaan ako dyan. Pero natuto ako, na gusto kong matutunan din nya, pero hindi, mga tanga talaga. Hay. Pero kaibigan ko sya, tanga man sya o hindi, mahalaga pa rin sya, at kapatid na ang turing ko sakanya, kaya kaylangan ko syang intindihin.  Dumiretso na ko sa kotse ko at mabilis na pinaandar to. Hindi ko muna balak umuwi, magpapalipas muna ko ng inis ko. Ilang minuto pa ay tumunog ang phone ko, unregistered number, pero sinagot ko na rin.  "Who's this?" Bungad ko.  [Over speeding ka.] Bumilis bigla ang tahip ng dibdib ko dahil sa pamilyar na boses, paano nya nakuha ang number ko?  "Saan mo nakuha ang number ko?" Imbes ay sagot ko sakanya.  [Stop the car, let's talk.] Firm na sabi nya. I sighed at itinabi ang sasakyan ko tsaka lumabas ng kotse.  "What do you want?"  Lumapit sya, laking gulat ko nang niyakap nya ko. Hindi ako makagalaw. Wth? Bakit ayaw mag function ng utak ko? Figuratively. Anong ininject sakin ng lalaki na 'to? "C'mon. Cry. Ilabas mo na lahat." Bulong nya malapit sa tenga ko. Pumikit ako, pilit kong pinipigil ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.  "A-ano bang si-inasabi mo? Let go of me!" Sabi ko at pilit syang pinapalayo. Pero masyadong mahigpit ang pag kakayakap nya sakin para makaalis pa ko.  "For now, kalimutan mo muna na nasaktan kita dati, I can lend you my shoulder to cry on."  Dahil sa sinabi nya na yon, parang pumitik at biglang lumabas ang masaganang luha sa mata ko. Yung mga luha na dati ko pa gustong iiyak, pakiramdam ko, mailalabas ko ngayon.  "L-leigh." I said between my hiccups.  "Sshhh. Everythings gonna be alright."                                                                 THIRD PERSON     "Nice shot dude." Sabi ng isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan, habang inaayos ang itim nyang  leather jacket.  "I know." Mayabang na sagot ng kausap nya sa earpiece. "I never knew that he can be this reckless, ahh. I'm excited to know why."  "Isn't it too obvious? It's because of that girl, dati pa lang alam naman natin kung bakit nya iniwan yon at sinaktan, pero mukhang hindi nakatiis ang gago." Ngumisi lang sya habang pinapanood ang nasa harapan nya, halata na natutuwa sya dahil sa nakikita nito, mabilis na pinaandar na nito ang motor na kanina pa nakaparada sa harap ng condominium ng exciting target nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD