DION
"Mama, si papa tumatawag." Sabi ko at agad na iniabot ang phone sakanya.
Nasa ibang bansa si papa, kakaalis lang nya ulit 2 months ago, minsan lang sya mag online dahil sa sobrang busy sa trabaho, kaya naman pag may pagkakataon, tumatawag sya samin.
Pumasok muna ko sa kwarto habang nag uusap sila, wala naman akong masyadong ginagawa, kaya okay lang din. Ilang minuto din ay lumabas ako para kumuha ng tubig, summer pa rin kaya sobrang uminom ng malamig na tubig. Buti nalang talaga nakabili na si mama ng ref bago pa man mag summer, kung hindi ubos ang kalahati ng allowance ko, kakabili ng yelo.
Pero natapatigil ako ng may mahagip ang mata ko sa screen ng phone ko.
"Ma, may nagchat sakin? Sino yan?" Tanong ko kay mama.
"Di ko alam nak. Check mo nalang." Sabi nya at inabot sakin ang phone ko, habang naka earphone sya, naka audio call lang sila ni papa, kaya okay lang.
(Pogi! Wr ka?)
Kunot noo akong nag reply "bahay. Y?"
Ilang sandali pa ay agad na nareply na sya. (Nasa school nyo ako.)
Ayan nanaman ang kakaibang pakiramdam ko, napabuga ako ng hangin bago napag desisyunan na sumagot ulit.
"Y?"
(Mag eenroll na ko dito! Magkikita na tayo!")
What the?! Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o dapat akong kabahan, yes, i sometimes imagine us being in one school, pero iba pala pag nasa harapan mo na talaga.
"Bruha! Are you okay? Kanina ka pa tulaley dyan!" Narinig ko pa si bakla na nagsalita sa gilid ko, kaya tinignan ko sya ng masama, kung magsalita akala mo bingi kausap nya, sigawan daw ba ko?
"Tigilan mo ko Carlo ha, naiirita mo ko bruha ka." Natatawa kong sabi, nakita ko naman ang pandidiri sa mukha nya ng marinig ang totoo nyang pangalan.
"Eww sister! Kilabutan ka please? Bwisit na to, it's Carla, not Carlo! Shut up! Kakalmutin kita!" Sigaw nya at tinaas pa ang kamay nya na mahabang kuko, kaya lalo akong natawa.
Tatlong araw na din simula nung nangyari na away samin ni Alex, pumasok na sya, pero hindi pa rin kami nagpapansinan. Alam ko naman na may mali ako, ano naman ba kasi ang karapatan ko para pigilan sya? I just carried away, natatakot ako that history will repeat itself, kakausapin ko nalang siguro sya sa susunod na off ko. Napabuntong hininga nalang ako, isa pa ang lalaki na yon. Pagkatapos ng nangyari non, hindi ko na tuloy alam kung paano makikipag usap ng kaswal sa kanya, sarap nyang sungalngalin. It's monday today, it means, first day lahat ng nainterview ko at na hired dahil sa approvement, so it means first day nya din.
I shrug. Ano naman? Gaya ng sinabi ko, tapos na ang ano man na namagitan samin. That was 4 years ago, tsaka bata pa kami non, siguro nga, masyado kong dinibdib lahat kaya sa huli ako ang nasaktan. Wala eh, ganon siguro pag first time. He was my first love, what do I expect?
Ipinilig ko nalang ang ulo ko para mawala na ang mga iniisip ko, hindi na mahalaga yon, tapos na. No need to dig those memories.
"Bakla, diba ikaw ang nag interview sa mga bago?" Lapit sakin ni Carlo, kaya tumango ako at ipinagpatuloy ang pag aayos ng mga papers na nasa harapan ko.
"Edi kilala mo yung bagong hired sa Visual arts department?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya. Sa pagkakaalala ko, isa lang naman ang position na open sa Department na yon.
"Yes, syempre, alam ko ang pangalan nya. Why?"
Umirit naman sya na parang kinikiliti ang singit. "Pakilala mo naman ako sister!"
Inirapan ko lang sya. "Tumahimik ka nga, kung gusto mo, ikaw mag isa mo, hindi ko sya lalapitan."
"Ay si ate girl, bitter sa pogi! Wag ka nga mag generalized! Hindi lahat ng pogi manloloko."
Gaga yata to eh. Sya nga ang nang iwan sakin eh, tapos wag bitter? Hindi naman ako bitter, naiinis lang ako. Pakielam nya?
Hinayaan nalang nya ko, buti naman. Baka talagang masopla ko ang baklita na to. Mahal ko naman ang kaibigan ko, pero talagang nag iinit ang bumbunan ko pag sya ang pinag uusapan. Naaalibadbaran ako, sa totoo lang.
"Bumalik ka na sa pwesto mo. Nasaan na ba si sister mo?" I'm referring to Jaycee, sisteret nya yon eh. Bff na daw sila simula nung magkita sila dito sa office.
"On her way na daw." Maarteng sagot nya.
"Her ka dyan, he's kaya." Sabi ko kaya napasimangot sya. Gustong gusto ko talaga pag naaasar sila parehas, ang cute nila. "Basta he's yon, period. Fly away na." Taboy ko sakanya, umirap pa sya at ngumuso dahil sa inis.
Napatayo naman kami ng pumasok si Miss Elaine. Supervisor namin sya, at sobrang ina-admire ko sya, basta ang galing nya, tapos ang friendly pa, wala sakanya kahit janitor ka, basta tao ka.
"Guys, punta tayo ng office, nandon ang mga new hired natin, i-welcome natin sila." Nakangiti nyang sabi kaya tumango kami, at sumunod sakanya sa office.
Medyo marami na ngang tao, malaki naman ang office, pero ang init pa din, kaya hinubad ko muna ang blazer ko, naka blouse naman ako kaya no worries, buti nalang at medjo matangkad ako, kaya kahit paano ay nakikita ko ang nasa harapan kahit nasa likod kami.
"Uy sister, ang hot ng office ngayon." Reklamo ng katabi ko habang pinapaypayan ang sarili nya.
"Sister, malamang, maraming tao, ipon ang carbon dioxide, green house effect." Sagot ko, kinuha na nya ang pamaypay nya at pinaypayan ako.
"Okay guys. Meet the new parts of the family, i hope that you'll all be good to each other." Sabi ni tito. "Lets hear something from them." Introduction siguro ang tinutukoy nya, ganon din kasi kami nung bagong hired kami.
Pagkatapos nilang magpakilala, bumalik na kami sa kanya kanya naming post. Inaantok pa rin ako, hindi pa ko ulit nakakakuha ng matinong tulog. Buti nalang day off ko bukas, matutulog nalang muna ako maghapon, sa sunday ko nalang siguro pupuntahan sila mama.
"Hi!" Napaangat ang tingin ko dahil sa pamilyar na boses na bumati sakin.
Ayan nanaman ang kakaibang pakiramdam ko, katulad pa rin ng dati. Ipinilig ko ang ulo dahil sa naalala ko, tapos na yon Di, stop it.
Pinilit ko maging pormal sa harapan nya, kahit sa harap lang nya. "What are you doing here Mr. Salazar? Dapat nag oobserve ka sa department nyo."
Sana ay hindi nya napansin ang panginginig ng boses ko, umalis ka na please, baka kahit galit ako sayo mayakap kita.
"Wala naman, makikipag kilala lang sa mga new workmates ko, para naman hindi ako loner lalo na kapag kumakain." Nakangiti nyang sabi, lumabas naman ang mapuputi at pantay niyang ngipin, dahil siguro sa brace nya dati.
"Yes, isa sa mga fear mo ang maiwan mag isa, kaya nga gusto mo paiba iba ng kasama, para kahit wala yung isa, may spare ka pa." Sabi ko habang abala pa rin sa pag aayos ng mga documents na nasa harapan ko, pero napatigil ako dahil hindi sya nagsasalita, nakatingin lang sya sakin, nawala na ang ngiti na kanina lang ay nasa labi nya. "May kailangan ka pa ba?" Takang tanong ko, naiinis na ko sa presensya nya.
Umiling sya at ngumiti ulit. "Wala naman, thankyou nga pala sa pag pili sakin ha?"
Beats me, ayaw kitang nakikita, pero kailangan ka ng kumpanya.
Pero imbis na sabihin ko yung tango lang ang isinagot ko. "Sige na, mag observe ka na, para naman hindi ko maramdaman na mali ang desisyon ko." Pagkasabi ko non ay tumalikod na ko sakanya at pumunta sa pantry. Napabuntong hininga nalang ako nang maramdaman ko na hindi na sya sumunod. Kumuha ako ng mug at gumawa ng kape, naaalala ko tuloy si mama, masarap talaga yon gumawa ng kahit anong drinks, simula nung bata kami, mahilig sya mag experiment, tapos ipapatikim samin.
"s**t!" Agad na binitawan ko ang mug sa table, tinignan ko ang kamay ko, namumula yon dahil napaso ako. Nag hanap ako ng tissue sa mga cabinets pero wala na, ano ba yan, kung kelan kailangam mo tsaka wala.
"Here." Napatigil ako sa paghahanap, at tinignan kung sino ang nag aabot sakin ng panyo, and i saw him, smiling ear to ear. "Take this, may petrolium jelly ako sa bag, kukunin ko para malagyan mo yan." Sabi nya at tangkang aalis na.
"Leigh!" Tawag ko na nagpatigil sa paglalakad nya. "Don't bother, malayo sa bituka to, kayang kaya ko." Pinilit ko na maging kaswal sa harapan nya.
Kunot noo sya na lumapit saakin, pero napapitlag ako ng bigla nalang nya akong pitikin sa noo.
"You never change, kahit noon pa man, ganyan ang lagi mo'ng sinasabi kahit na sa totoo lang, masakit naman talaga." Bigla nalang lumalim ang pag hinga ko, i don't know, mixed emotions siguro, hindi ko alam na maaalala nya pa rin yon.
"There's no reason for me to change." Simpleng sagot ko, tinanggap ko ang panyo na inaabot nya at itinali sa kamay ko. "I'll return this later." Sabi ko, hindi sya sumagot pero nakatingin lang sya sakin, hindi na ako nakatiis kaya tinignan ko na rin sya. "Is there any problem?" Nakatingin lang sya, pero maya maya ay biglang ngumiti, kaya napakunot ang noo ko.
"My name." Napa-huh naman ako sa sinabi nya. Bakit? May ano ba sa pangalan nya. "I missed that."
"Alin?" Tanong ko nang matapos ko itali ang panyo.
"Yung Leigh name ko, ikaw lang ang hinahayaan ko na tumawag sakin nyan, i missed calling by that." Sabi nya, pero para naman syang tulala, hindi ko alam kung ano ang iniisip nya.
"Ganon ba? Uncomfortable ba? I will call you on your first name then." Sagot ko, pero may bahagi sakin na masaya nang sabihin nya na ako lang ang tumatawag sakanya non.
Nakita ko ang pag iling nya. "No, that's very fine, it'll be much better if you keep calling me that."
Tumango nalang ako. "Sige, balik na ko sa spot ko, ayoko na pala mag kape." Sagot ko at tumalikod na.
"Teka, you're drinking coffee now? Hindi ka na ba acidic?" Napapikit ako, bakit ba kaylangan pa nyang tanungin yon? What the fvck?
Hinarap ko sya. "Rileigh, look, were just workmates now, hindi mo na kailangan ungkatin ang mga impormasyon sa nakaraan, so stop acting like you care, because i know you're not, it actually makes you more jerk in my eyes." Maanghang na sagot ko bago lumabas ng pantry.
Pero maagap nya akong hinila pabalik sa loob ng pantry, he's serious, hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya.
"What now?" Sabi ko nalang at pilit na hinihila ang braso ko na hawak pa rin nya hanggang ngayon.
"I don't act, i really care, so stop acting like a brat, hindi porket matagal na eh hindi na pwedeng ungkatin, tsaka i'm trying to be nice here." May halong inis na sagot nya sakin.
"Well, wala akong pakielam, okay? Stay away from me, pwede lang tayo mag usap kung tungkol sa trabaho, nothing more, okay? So pakitanggal na ang kamay mo, kasi baka may makakita pa saatin, kung ano pa ang isipin nila, ayoko nang madamay ang pangalan ko sayo."
Mukhang nagulat talaga sya sa sinabi ko, kaya kinuha ko na ang pagkakataon na yon, para tuluyan na hilahin ang braso ko at lumabas.
Imbes na sa spot ko pumunta, sa cr ako dumiretso, naghilamos agad ako sa sink. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Hindi na dapat ako naaapektuhan ng mga salita nya o kahit ng presensya nya, i don't want to be a loser again like i used to be before, ipapakita ko dapat sakanya kung sino ang iniwan ang sinaktan nya, it should not be like this, hindi ito ang nasa plano ko, pero bakit ganito ang nangyayari?
Bumuga nalang ako ng hangin tsaka inipit ang buhok ko at dumiretso sa labas, nakita ko pa sya na may mga kausap malapit sa spot ko.
Talaga ba? You care ba talaga? Eh hayup ka, wala pa akong ilang minuto na pumasok sa cr, may mga kalandian ka na dyan. You care my ass!
Hindi ko na lang pinansin yon at itinututok ang paningin ko sa harap ng pc, gagawin ko nalang ang mga documents na gagamitin namin para sa presentation, baka kasi hindi ko na magawa to, dahil may team building next week, ayoko naman na may mga unfinished task ako habang nagpapakasaya, sigurado, hindi ako patatahimikin nito hanggang sa matapos ko.
Pasado ala una na ng matapos ako sa pag eencode, hindi naman mahirap mag encode, masakit lang sa mata, kaya medyo lumalabo na ang mata ko, kailangan ko na siguro bumili ng bago.
"Di! Di! Late lunch tayo!" Napatigil ako sa pag pupunas ng salamin ko nang tawagin ako ng ka co-department ko.
Ngumiti lang ako at umiling. "Hindi pa ko nagugutom, maybe later." Sagot ko, napasimangot naman sila na ikinatawa ko, madalang talaga akong sumabay sakanila sa pagkain ng lunch or snacks, mas gusto ko talaga madalas kumain mag isa.
"Sayang, sumama ka na kasi girl, para kasama si bagong fafa." Napabaling ang tingin ko sakanila.
"Sinong fafa ang sinasabi mo dyan, bruha?" Tumatawa ko na tanong.
"Si fafa Rileigh! Hindi daw sya sasama kung hindi ka din daw kasama! Haaang taray nyo ha? May something ba kayo?" Nanunuri ang mga mata nya, pinili ko nalang na tawanan at irapan sya.
"Ano ka ba, siguro kasi mag papasalamat sya kasi may trabaho na sya." Sagot ko nalang tsaka isinuot ulit ang salamin ko, medyo mas malinaw na kesa kanina.
"Bruha ka, para kayong ex-lovers na ngayon lang ulit nagkita ha? Alam mo yun? Yung the one who got away ang peg mo tapos sya naman yung chaser? Ay bongga day! Habulan kayo ngayon! Galingan mo pagtakbo! Yang mga ganyang mukha, pag nakahuli ng malaking fish in the sea, hindi na pinapakawalan, madalas tutuhugin, iihawin tsaka kakainin. Hihi!"
That shut me up.