CHAPTER TWO
Every chapters were mixed of flashback and recent time.
--
5 years ago.
Hawak ko ng maigi ang strap ng bag ko habang naglalakad sa mahabang hallway, hindi pamilyar sakin ang paligid, unang araw ko bilang isang college student, kaya naman kinakabahan pa ko kung ano ang magiging buhay ko sa loob nito.
Sa dulo pa ang building course ko, at late na ko kaya naman lakad takbo na ang ginagawa ko, kainis naman kasi, bakit late ako nagising kanina? Hindi ako nagising ni mama, hindi pa sila dumarating nung umalis ako, kaya dama ko na rin ang gutom, hindi pa kasi ako kumakain mula kagabi.
Pagdating ko sa room na nasa sched ko, magulo pa ang lahat, though nakaupo na ang professor namin, kaya umupo na ko sa harapan, dahil don nalang ang vacant na upuan.
Katulad ng usual routine pag first day, introduction of the lessons for the whole sem, getting to know each other, ganon ang nangyari sa walong subjects ko. Wala pa ko masyadong kakilala, kaya naman tahimik lang ako habang naglalakad papunta sa canteen na malapit sa building namin. Mainit ang panahon kaya nakakatamad maglakad, wala pa kong dalang payong, nakalimutan ko kahahadali, para hindi malate.
"Bacon with rice po." Order ko sa counter, heavy breakfast talaga ako kumain, tutal one hour lang naman ang unang klase ko, hindi pa sasakit ang tyan ko pag kumain ako ng mabigat.
"Hello, ikaw yung kasabay ko nung enrollment diba?" Napatigil ako sa pagkain dahil sa boses na narinig ko.
Hinarap ko sya, isang pamilyar na mukha ang nakita ko kaya naman tumango ako. "Kim, tama?"
Tumango sya at ngumiti, nun ko lang napansin na may hawak din syang tray na may laman na pagkain.
"Okay lang tumabi?" Muntik na ko'ng matawa, hindi pa kasi ako sumagot, umupo na sya. "I'm Kim Adrianna Felicidad."
"Ah, hello." Wala naman ako masabi sa kanya.
"Bakit wala ka kasama?" Tanong nya at itinigil ang akmang pagsubo ng kutsara na may laman na kanin at ulam.
"Don't want to talk with any." Simpleng sagot ko, kaya naman napatigil sya sa pagsasalita at itinuloy ang pagkain nya, ayoko naman talaga maging harsh, tinatamad naman talaga ako. Wala na akong magagawa kung mali ang implication sa kanya ng sinabi ko.
Pinagmasdan ko lang ang mahabang pasilyo palabas ng canteen, hindi pa ganon kadami ang tao, nine am pa lang kasi, kaya kitang kita mo pa ang kabuuan ng lugar. Sa tantya ko, fifteen or sixteen na mahahabang tables ang nandito at mga mahahabang upuan na bakal, yung ibang estudyante, nakaupo, nakatambay siguro at naghihintay ng susunod na subject.
"May boyfriend ka na ba Dion?" Tanong nya bigla, kaya naman napatingin ako.
"Wala, ikaw?" Balik na tanong ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya, kanina pa sya nagsasalita.
"Meron." Sagot nya, at mukhang kinikilig pa.
"Ilang months pa lang kayo no?"
Tumango sya at ngumiti. "Yep, paano mo nalaman?"
"Halata sa kilos mo, superb smile with giggle." Simpleng sagot ko.
"Woah! Hahaha! Shemays! Best friend na kita!" Sabi nya at hinili ang braso ko para yapusin.
"Stop it." Pero, sige parin sya sa pagyakap sa braso ko. "I said stop." Pirming ulit ko, napatigil naman sya at lumayo sakin, pero nakangiti parin.
"Dioooon, pagbigyan mo na ko, na amaze lang talaga ako sa skill mo. O sige nga, kaya mo ba'ng basahin, kahit half lang ng personality ko?"
Napailing nalang ako dahil sa sinabi nya. Is this girl is for real? O nababaliw lang talaga sya, or both?
"Come on! Sige na!" Pangungulit pa nya, habang inaalog ang magkabilang balikat ko.
I sighed and nod. "Sige." Sagot ko, pumalakpak naman sya at umayos ng upo. Pinasadahan ko sya ng tingin at ininom ang tubig na baon ko.
"Oh, ano na? Dali! Basahin mo na ko!" Nakatingin lang sya sakin habang kumikinang ang mga mata.
"You love punks, a boyish but still there's a side of girl and do girls stuffs, you throw curse, you always text or have a conversation thru phone via text, you don't do house things, but sometimes wash dishes, and laundry your underwear, you love spicy foods, and love to watch morbid films." Mahabang sabi ko, nakatingin lang sya sakin, kinuha ko ang candy ko sa bulsa ng pants ko at kinain habang hinihintay ang respond nya sa sinabi ko tungkol sakanya. Well, hindi ko alam kung tama lahat yon, nag based lang ako sa well observed things about her.
"What the pak?! Paano mo nalaman yon?! Stalker ka ba?" Tuluyan na akong natawa dahil sa sinabi nya, sa dami ng naisip ko na magiging reaksyon nya, hindi ko inasahan na ganon ang sasabihin nya. What a funny girl. "Hala, bakit mo ko tinatawanan?"
"It's just, you're too transparent, kung ano ang gusto mo'ng sabihin, sinasabi mo."
"Teka, paano mo nga nalaman yon?"
Ibinaba ko ang kamay ko sa mesa at hinarap sya. "I just know."
"Ay naman si ate girl. Oh, sige na nga. Malalaman ko din yan."
Pagkatapos nyang sabihin yon, tumayo na ko at inayos ang strap ng bag ko bago isuot. Wala na ako sa mood makipag usap, tinatamad na ko.
"Uy! Saan ka pupunta?"
"Somewhere." Sagot ko at naglakad palabas ng canteen, sinilip ko ang orasan ko at nakitang malapit na palang mag eleven', kaya pala. Tagal ko na kasing nakaupo don.
"Sama koo!"
--
Time flies, at malapit na ang midterm namin, lagi ko na din kasama si Kim, napakaharot at nakapaka daldal parin nya, but i'm starting to get used of it.
Papunta kami ng park, maaga natapos ang first class namin for this day, kanina ko pa balak kausapin si Kim, pero parang wala sa mood. Masama yata ang gising, kung ibang tao lang ako, sigurado natakot na 'ko.
"Problema mo?" Tanong ko at prenteng umupo sa bleach na nadaanan namin. Nakakapagod kaya maglakad. Sakto naman na nasa ilalim to ng malaking puno, kaya nakakatuwang tumambay. Ang sarap sa pakiramdam kasi malamig.
"Nakakainis kasi si Aldrin." Nakasimangot nyang sabi. She's referring to his boyfriend, na sinagot nya nung vacation before sya mag college, so probably three or four months na sila.
Sa itsura nya, mukhang may pinag awayan sila, or worst malapit na silang mag hiwalay. Halata naman kasi na hindi ganon ka seryoso sakanya yung lalaki. Bulag lang talaga sya. Yan ang problema sa mga masyadong in love, hindi na nakikita yung mga flaws na possible na maging reason ng break up.
"Nag away kayo?" Tumango sya, bumuntong hininga ako at kinuha ang tinapay sa bag ko, medjo nagugutom na din ako, kaya kakain muna ko, habang hinihintay namin yung ka-group namin sa oral presentation para bukas.
"Nahuli ko sya na may nilalanding iba. Kinuha ko yung phone nya, good thing hindi pa sya nagpapalit ng password, sakto nag message yung hitad nya, ayon, binasa ko na yung landian nila." Inis na sagot nya, hindi na ko nagulat kung iyon ang pag aawayan nila.
"Oh, ano ginawa mo?" Inalok ko sakanya ang hawak ko na tinapay, umiling naman sya, kaya muntik na akong matawa. Mukhang naiinis talaga sya. Hindi kasi tumatanggi sa pagkain yan, kahit ano ialok ko kukuha.
"Nag sorry kasi." Sabi nya, bigla naman syang humarap sakin kaya nalaglag ang tinapay na balak ko nang isubo. "Sa tingin mo? Ano dapat ko gawin?"
I sighed, dinampot ko ang nalaglag ko na tinapay at shinoot sa malapit na trash bin, bago ko sya tinignan, nakatingin lang sya habang naghihintay ng isasagot ko sa napaka ganda nyang tanong, note the sarcasm.
"Hiwalayan mo na." Diretso ko'ng sabi, na ikinagulat nya. Anong akala nya? Ipagtatanggol ko?
"Pero, nag sorry na sya, diba lahat naman ng tao nagkakamali? Kahit naman ikaw diba? Tsaka sya na ang nakikita ko na makakasama ko in the near future. "
Tumango ako dahil sa sinabi nya, pero hindi nya nagegets yung point na gusto ko'ng ipa-realize sakanya, kaya kaylangan ko muna ipaliwanag ng maayos. Mas precise. People really tends to think on that way, lalo na pag mahalaga sakanila yung tao na involved sa situation.
"Come to think of it, mag boyfriend palang kayo, niloloko nya, what if mag asawa na kayo? Edi mas lalo kang kawawa."
"Pero sabi nya mahal nya ko."
"Sinabi nung tindera sa palengke, fresh daw yung apple na tinitinda nya, pag uwi ko sobrang saya ko kasi akala ko magandang klase ng prutas ang nabili ko, pero nung binuksan ko, dun ko lang napatunayan na niloko ako ng nakausap ko." Nakakapagod naman magpaliwanag. Psh. Kung break kasi break na. Daming kaekekan!
"Salamat, pero sa kanya muna ako maniniwala." Sabi nya at umupo ng maayos.
I shrug. "Okay." Sanay na 'ko na hindi napaniniwalaan dahil sa mga advice ko, na makatotohanan naman talaga.
Two weeks had passed, kakatapos lang kahapon ng midterm week namin, quite easy, pero marami narin ginawa kaya wala pa kami masyadong tulog. Kaya naman pumunta ko agad sa library at kumuha ng dalawang makapal na libro, naglakad ako papunta sa pinaka dulo ng hall tsaka prenteng umupo. Matutulog muna ko, mamayang alas-tres pa naman ang klase ko. Busy na rin si Kim dahil nagkahiwalay kami ng group.
Malapit na sana akong hilahin ng antok ng marinig ko ang notification tone ng phone ko, kaya kinapa ko agad sa bag ko para malaman kung sino ang walang galang na nang aabala sakin.
From: Kim
"Diooonn! Sabay ba tayo mag lunch? My treat!"
Napakunot ang noo ko dahil sa text nya. May event ba? Bakit sya mang lilibre?
So I replied a simple-Why?
From: Kim
'May chika ko sayo! Yee! Imma egzoiteeed!"
Napailing nalang ako at natawa. Halata naman na excited sya, text pa lang nya. Kaya hindi na ko natulog, tumayo na ko at ibinalik ang mga libro na gagamitin ko sanang props, nagtext ako sakanya at sinabing papunta na ko ng park. Ilang minuto din akong naghintay bago sya dumating.
"Dioooon!" Sigaw nya, kaya napatingin ang ilang estudyante na kasalukuyan din na nakatambay at kumakain ng lunch nila. Nakakahiya talaga ang babae na 'to.
"Kalma nga, bakit ba? Ano ba kasi yung sasabihin mo?" Tanong ko, pero inangkla lang nya ang kamay nya sa braso ko at hinila ko. "Hoy! San tayo pupunta?"
"I'll treat you diba? Don na ko magkukwento!" Sabi nya, kaya nagpatiunod nalang ako.
Dinala nya ko sa restaurant na malapit sa school, buti nalang aircon, ang init naman kasi sa labas. Pinaypayan ko ang sarili ko, tsaka hinawi ang buhok, para maibsan ang init.
"Ano gusto mo?"
"Heavy meal ako." Sabi ko, kaya tumawa sya, natawa na din ang waiter na naghihintay ng order namin, kaya tinignan ko sya ng masama. Aba, tama ba na tawanan ako? Kilala nya ba ko? Bakit nakikitawa sya? Feeling close? Pag alis ng waiter, kinuha nya agad ang phone nya. Akala ko ba magkukwento sya?
"Dioooonn! See this!" Sabi nya at inilapit sakin ang phone nya. Nakita ko naman ang picture ng isang lalaki.
"Oh? Anong gagawin ko dyan?" Hindi ko naman kasi talaga alam. Wala naman akong maalala na may assignment kami na ganyan. "Kelan ka pa nahilig sa ganyan? Akala ko ba hindi ka mahilig sa hollywood? Pero hindi pala sya american."
"Talagaaa? Ganon sya ka gwapooo? Hindi ba sya mukhang foreigner? Hindi baaa?" Kung nagbabago lang ang shape ng pupil or kahit mata ng tao, baka literal na naging hugis puso yon.
"Hindi. Yung color nya kasi hindi naman ganon kaputi, unlike ng americans na may cold weather, hindi din ganon ka-point ang ilong nya, saktuhan lang ang tangos, and he's skinny, commonly sa mga americans, well built or malalaki ang katawan, because of their environment and food. Kaya hindi american yan, i know."
Inirapan naman nya ko kaya tinawanan ko sya. Nainis nanaman sya sakin.
"Grabe ka talaga." Ngumuso pa sya.
"What? Sino ba kasi yan?"
Bumalik naman agad ang excitement sa mukha nya. "Ka M.U ko ngayon!" Sobrang halata na kinikilig sya.
"Oh? Nasan na si Aldrin?" Yung kumag nyang boyfriend.
"Wala na, nakipag break na ko last week. Tinatamad na ko sakanya." Sabi nya, pero sino ba ang niloloko nya? Alam ko na nasasaktan parin sya hanggang ngayon. "Tapos nakilala ko si Rileigh nung last monday lang. Sobrang saya nya kausap!"
Kumunot ang noo ko sa unfamiliar name na binanggit nya. "Who's Raver?"
"Eto yon! Yung pinakita ko sayo ngayon! Tignan mo, eto yung mga conversation namin! Basahin mo dali!" Inabot nya sakin ang phone nya at pilit na ipinpapabasa sakin.
Raver mylabs.
Aba, may heart emoticon pa, talagang baliw na ang isang to. Hindi pa naman ganoon kakilala.
Pinasadahan ko lang ng basa ang conversation nila, hindi naman kasi talaga ko interesado kaya bakit ko pa babasahin? Ibinalik ko na sakanya ang phone nya habang sya nakangiti ng sobra.
"Ano? Ang sweet nya no?"
Umiling ako. "Tigilan mo na yang ka-M.U mo na yan." Flat na sabi ko at ininom ang tubig sa tabi ko, hindi naman kadi ako pwede sa juce since acidic ako
"What?! Bakit ko naman gagawin yon?"
"Can't you see? He's a total playboy. Sa dami ng naging boyfriend mo, you should know that."
Hinampas nya ko ng malakas, kaya muntik na akong mapasigaw, ang sakit kaya!
"Iba sya Dion, feeling ko sya na talaga."
Hinawi ko ang buhok ko na bumaba na sa mukha ko. "You never learn nor listen, huwag kang lalapit sakin ng umiiyak pag sinaktan ka nya." Sabi ko bago umalis. Nakakainis yung ganon klase ng tao, sasabihan mo, pero hindi naman nakikinig.