1

2847 Words
                                                                                     "Miss Enriquez, ikaw ang naka assign para mag interview sa mga bago natin na applicants tomorrow, so be here on time, please lang don't you dare to be late even a second." Tanging pag tango lang ang nagawa ng babae sa sinabi ng kanyang head habang may hawak na papers.  "Yes Sir." Sagot nya bago mag paalam at dumiretso sa table nya, na may mga folders, napahinga na lamang sya ng malalim habang tinititigan ang isang bundok ng mga application form sa harapan nya kailangan nya ‘yon isa-isahin para makakuha ng maayos at fit na aplikanta para i-hired sa buwan na ito, sya ang naka assign mag interview sa mga applicants dahil month of August ngayon, at kamalas malasan, nataunan pa nya na hiring ng mga positions ngayon sa kompanya na pinapasukan nya.  Psychology graduate sya, at nakapasa sya ng board exam sa unang taon, pero hindi kasing dali ng inaakala nya ang paghahanap ng trabaho, madalas ay hinahanapan sya ng experience, kaya ito sa HR department sya napunta, sa Qc, pero hindi na din masama, magandang kompanya naman ang napasukan nya, maayos ang salary at mababait naman ang tao, pero syempre kailangan pa din makisama dahil hindi naman lahat ay mabait sakanya, katulad nalang ng department OIC nila, laging mainit ang dugo sa kanya, na hindi naman nya alam kung bakit. Simula pa lang pag pasok nya ditto masama na talaga ang timpla ng OIC sa kanya, kahit wala pa naman talaga syang ginagawa. Inayos nya ang buhok nya at itinaas ng bahagya ang sleeve ng damit nya para masimulan na ang pagbabasa ng overview ng mga applicants para diretso na lang ang pag kausap nya sa mga aplikante at kaunti na lang ang ilalaan nya na oras para basahin at hindi masyadong tumagal. -- "Oh, kamusta first day bilang assigned interviewer?" Tanong ng kaibigan nya na si Alex habang nakatayo malapit sa cubicle nya at may hawak na kape sa kaliwang kamay. "Hindi nakakatuwa, bakit kasi August pa sila nag hiring? Nataon tuloy sakin. Sobrang hassle.’’ Naiinis na sabi nito habang inaayos ang suot na salamin dahil halos lumaglag na ito, masyado syang abala sa pag kilatis ng mga aplikante na pupunt bukas, para sa dalawang bakanteng pososyon na bunuksan ng kumpanya nila. Tinawanan lang sya ng kaibigan nya bago marahang tinapik ang balikat nya. "Don't worry mars, matatapos din yan." Sabi nito at marahan na tinapik ang kanyang balikat, at ipinagpatuloy ang pag inom nya ng kape na kanina pa nya ginawa. "Pero teka, narinig ko nanaman na pinapagalitan ka ng masungit mong head." Pag bubukas nito muli ng usapan, hinila nya ang malapit na swivel chair na nasa kabilang cubicle, wala naman masyadong tao sa department nila dahil lunch break na, lumabas na ang karamihan sa mga kasamahan nila, samantalang siya ay ito, at kailangan pa mag late out para makalahatian ang ginagawa nito,   Grabe sobrang dami talaga naghahanap ng trabaho ngayon, maganda naman kasi offer dito. Ani niya sa isip habang patuloy sa pag hihiwalay ng mga tatawagan para bukas. Hindi nya sinagot pero umiling sya, tsaka marahan na tumawa. Sanay na ang mga kasama nya sa trabaho nya na naririnig sila araw araw. Hindi naman kasi talaga nya alam kung bakit sya pinapagalitan ng head nila, wala naman syang ginagawang masama, bukod sa lagi syang late.  "Hindi ka pa nasanay don, eh nauuna pa nga ang sermon nya kesa sa pag inom ko ng kape, hindi pa nga ako nakakaupo at nakakarating dito sa pwesto ko masakit na agad tenga at puso ko sa mga sinasabi nya." Marahan syang tumawa, at ipinatong ang natapos niyang folder sa kabilang parte ng table nya, tatawagan ito para pumunta bukas dahil pasok sa Criteria ng kumpanya. "Oo nga pala, pero infairness ha, hanggang accounting department nalang namin ang boses nya ha? dati kasi buong fourth floor diba? Nakakalirkey! Tsaka hoy! Bawasan mo yang pagka kape mo, baka sumakit nanaman ang sikmura mo, mamutla ka nanaman! Tapos tambak nanaman ang trabaho mo, tapos hindi ipapagalaw samin ni Miss Bruha yan dahil trabaho mo daw yan.’’ Daldal ng kaibigan nya, ilang beses na kasi nangyari yon, natambakan sya dahil nagkasakit sya, ang akala nya ay kahit paano ay wala syang gagawin, pero nagkamali sya, dahil pagdating nya ay pinagalitan sya, at nakita ang tambak na Gawain, halos lahat ng kasama nya sa department ay humingi ng pasensya sa kanya, dahil hindi nila pwede galawin ang trabaho na yon.  Tinapik nya ang kasama dahil sa sinabi nito. "Baliw, baka may makarinig sayo, tsaka tigilan mo iyang gay lingu mo, mukha ka na talagang bakla nyan, konti lang naman, ngayon lang ulit ako nag coffee oh." Sabi nya at itinaas pa ang mug na hawak nya, kasalukuyan silang nasa pantry, at nag take ng short break.  "Ang ganda ko kaya para maging bakla!" Halos pasigaw na sagot nito at tinaasan sya ng kilay, bago tumayo at inayos ang suot nito na skirt na nasa ibabaw lamang ng kanyang tuhod, at dilaw na longsleeves na tinupi na rin nya, hindi na rin nito suot ang coat dahil lunch break naman nila.   "Oo na, manahimik ka lang please, masakit ang ulo ko." Sagot nito, at halata ang inis sa tono ng boses nito. Wala naman nagawa ang kaibigan kung hindi tumahimik, totoo na masakit ang ulo nya dahil sa migraine, wala pa syang maayos na pahinga dahil sa dami ng ginagawa nya.    --   Kinabukasan ay maaga syang pumasok, ayaw nya muna kasing masermonan ng kanyang department head, dahil masakit talaga ang ulo nya, tinulungan nya ang bunso nyang kapatid sa project nito, na nasa grade five na ngayon, busy na rin sa pag aaral ang isa nya pa na kapatid para matulungan ang bunso nila, ayaw na rin nya abalahin ito, dahil nasa College na ito at kumukuha ang kursong HRM, umuwi lang sya kahapon dahil linggo at nakiusap ang Mama nya, dahil halos kalahating taon na syang hindi umuuwi. Agad na umupo na sya sa designated room para sa hiring, dalawa lang sila na mag iinterview, at magkaiba sila ng kwarto, kaya naman sya lang mag isa dito isang mahabang table at dalawang silya sa harapan ang makikita dito, bukod sa mga flower vase at glass window sa bawat gilid ng silid, binabaan din nya ang AC, para mawala ng bahagya ang sakit ng ulo nya, nag dala na lamang sya ng cardigan para isuot kung sakali man na lamigin sya. Tumuntong ang alas otso ng umaga at in-inform na sya ng kanyang katrabaho na magsisimula ng ng interview kaya naman inubos na nya ang tubig na hawak nya para maibsan kahit paano ang sakit ng ulo na nararamdaman nya, hindi maganda kung mag iinterview sya na ganito ang nararamdaman, nagsisi tuloy sya na hindi kinain ang umagahan na inaabot sa kanya ni JC, kaya siguro sumasakit ang ulo nya. Isa isa nang pumasok ang mga aplikante para sa mga posisyon na binakante nila. Puro may mga ipagmamalaki ang mga tao na nakakausap nya, kadalasan ay graduate with flying colors, kaya naman natutuwa ang dalaga sa kanyang mga nakakausap, pero ang ilan ay tila hindi handa, kaya naman imbes na mag interview lang, nag encourage pa sya ng mga applicants, nagmukha pa tuloy counseling sa ilamng aplikante kaysa sa Job interview. Halos patapos na din ang interview, isang folder nalang ang natitira kaya naman agad nya nang pinapasok.  "Good morning, Ma'am."  Bati sa kanya ng pumasok na aplikante, sandaling tinignan nya ito, pamilyar ang mukha nito na para bang nakita na nya ito, hindi lang matandaan kung saan.  "Good morning, you must be Mr.-" agad na binuksan nya ang folder nito para mabasa kung ano ang surname nito. Samaniego "It's Samaniego, Raver Leigh Samaniego." Sandaling napatitig sya sa resume nito. Hindi lang pala pamilyar ang pangalan nito.  Leigh. Sobrang tagal na din simula ng marinig nya ang pangalan na yon, na hindi nya inakala na maririnig pa nya, dahil sa lawak ng mundo na 'to, imposible na mag kita pa ang dati nang nagkahiwalay, at ito din ang huling tao na gusto niyang Makita, dahil naalala nya ang kaibigan nya na nawala dahil sa kagagawan nya, at hinding hindi nya ito mapapatawad. "Ma'am?" Napabalik sya sa reyalidad ng maramdaman nya ang marahang pagtapik sakanya.  "Ah, yes. I'm sorry, alright Mr, please take your seat." Sabi nya, dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa din ang lalaki sa kanyang harapan. Tumango naman ito at umupo.  Naramdaman nya ang isang pamilyar na pakiramdam sa tiyan nya, na para ba'ng may mga paru-paro na lumilipad. Bwisit na yan. Tumigil kayo, wag nyo ko traydurin pwede ba? "So you came from US, why'd you want to have this job?" Unang tanong nya. Pinilit nyang maging kaswal sa harapan nito, kailangan, I have to be professional, kung sya ang kailangan ng kumpanya, pero sana ay hindi. "I just want a job." Hinintay nya na magsalita pa ito, dahil baka nag iisip sya, pero wala na pala itong kasunod, kaya tinignan nya ito, at tinaasan ng kilay habang isinusulat ang sagot nito, kahit medyo walang kwenta, kailangan ito for evaluation, at reference kung sakali man na may mangyari.  "That's it? You just want a job?" Tumango naman ang lalaki, at ngumiti.  "Yes, may problema ba don?" Halos sabunutan nya ang lalaki dahip sa sagot nito. Kahit kelan talaga, hindi talaga magbabago.  Ibinaba nya a folder nito at tinignan ang lalaki sa harapan nya.  "Mister, hindi ka ba nasabihan kung ano ang vacant position namin? Ni hindi ka manlang ba nag basa? Countless people wants this job that you’re applying for, and you came here, telling me that you just wanted a job? You’re wasting our time, if you’re not serious about this then leave." Mababa at nakangiti nyang sabi.  "Ah, yeah, sorry, this is my first time applying for a job."  Muntik na syang matawa sa narinig nyang sagot, pero hindi nya magawa, kaya ibinalik na nya ang copy ng resume ng lalaki, wala nang kapupuntahan ang usapan na to, lalo pa at walang kwenta ang kausap mo, hindi mapigilan ni Disha na sabihin sa sarili nya.  "Okay, we'll call you kung ikaw ang napili namin. Thank you, have a nice day, Sir."  "Really? Bakit hindi nyo pa sabihin kung tanggap ako o hindi? So i will not have to wait?" Aroganteng sagot ng lalaki, na nag pataas ng presyon nya, figuratively. . Pero imbis na patulan nya ito, ay nginitian pa nya. "Mister, I have a question."  Tumaas ang kaliwang kilay nito, indikasyon na hinihintay nito ang sasabihin nya.  "Naranasan mo na bang sabihan ng pangako, tapos pinanghawakan yon ng pinagsabihan mo, then all of a sudden biglang nawala yung nangako?"  Nagtaka naman ang lalaki sa tanong nya, gayunpaman, sinagot nya ito.  "Hindi pa."  Tumango ang kausap nya. "Well, mararanasan mo yon kung hahanap ka ng sagot sa akin ngayon."  Kita ang amusement sa mukha ng lalaki dahil sa sinabi ng kausap nya, kaya naman ngumiti at tumango bilang sagot. "Okay, okay, I get your silly point miss, and I love the idea, well anyway, i'll wait for the call, then." Sabi ng lalaki at tumayo, tsaka dumiretso sa pinto para lumabas na ng kompanya, nang bigla syang may maalalang itanong dito. "Anyways, what's your name?"  Nginitian lang sya nga babae. "I'm Dion Enriquez, long time no see Leigh."   -- Halos hindi naman makapaniwala ang lalaki sa narinig nya, kahit nakaalis na sya at nakabalik sa bahay nila ng kaibigan nya, panandaliang nakituloy sya habang naghahanap ng trabaho, babalik din sya pagkatapos ng isang linggo kung walang tatawag sa mga kompanya na pinuntahan nya. "Oh bro, bakit tulala ka? Kanina pa yan ha? Para ka'ng nakakita ng multo dyan." Sabi ng kaibigan nya at tinapik sya.  "I found her Kris, I saw her earlier." Sagot nito, binato nya ng unan bago tawanan. Natawa naman ang kaibigan nya at umupo sa harapan nito habang kumakain ng tinapay na binili nya kanina lang. "Eh sino ba kasi ang nakita mo? May nabuntis ka ba? May pinag tataguan ka? Wala ka naman kasing sineryoso, mula pagkabata natin playboy ka."  "Gago! Hindi ako nakabuntis no, bro, naalala mo ba yung binanggit ko sayo dati?"  "Alin?"  "Si Vally? I mean Dion? Yung nagbigay sakin ng mga sulat? Yung kaibigan ni Kim? Remember?" Sabi nya, dahil pilit nyang ipinapaalala sa kaibigan nitong si Ralph.  "Dion? Ahhhh! Dion! Yung nagbigay sayo ng mga hand written na sulat? Sipag non tol grabe, ang dami nung binigay sayo, naalala ko tuloy bigla. Oh, bakit mo natanong?" . Umiling ang kaibigan nya. "I saw her ealier, and what the f**k? Hindi ako nakabuntis, excuse me” Agad na napatingin sa kanya ang lalaki. "Talaga? Saan? Kinausap mo ba? Buti naalala mo sya? Sinampal ka ba? Buti nga sayo!" Halos mabatukan naman nya ang kaibigan dahil sa sinabi nito. . "Oo, sya kasi ang nag interview sakin kanina."  Halos humagalpak naman si Ralph dahil sa narinig nya, dahil alam nya ang mga kalokohan ng kaibigan nya, pero isa sa mga naging paborito nyang storya ay ang sa babae na ang pangalan ay Dion Vally Enriquez. "Good bye work ka na bro, mahihirapan ka sa target mo kung ganon, sa tingin mo hahayaan nya na makapasok ka sa kompanya na pinagtatrabahuhan nya? Asa ka pa bro, eh niloko mo yon, bakit ba kasi nag apply ka pa dyan? Sa iba nalang kaya? Marami pa naman ibang paraan para matapos mo misyon mo ngayon, mag isip ka na ng ibang way, kung ako sayo." Payo ng kaibigan nya, at tinawanan sya, kaibigan nya ito simula bata pa lang, mag kasama sila sa lahat ng bagay, at alam din nya ang tungkol sa babae na sinasabi nya. "Hindi ko sya niloko." Tanging sagot nya at bumuntong hininga, dahil hindi naman talaga, wala naman talaga syang niloko, yun lang kasi ang tingin ng ibang tao sa kanya, at wala na syang panahon na linisin ang pangalan nya, dahil masyado syang maraming gawin. Tumango naman ang kaibigan nya sa sinabi nya. "Oo, hindi mo nga sya niloko, iniwan mo naman."  Huminga sya ng malalim. "You know I did that for a purpose, tsaka hindi naman na siguro galit sakin yon, four years ago na yon, i'm sure that she already moved on, at may boyfriend na ngayon." Halata ang dismaya sa boses nito, na kahit sya mismo ay ayaw ng ideya na naisip nya, hinihiling nya n asana ay wala pa. "Ay sus! Ikaw ang bahala, basta bro ha, layuan mo na please lang ha, mahiya ka na lang pakiusap, paasa ka kasi talaga." Sabi nito at kinagatan ang hawak nyang tinapay, at prenteng umupo habang nanunuod ng netflix. Magkasama sila sa bahay, na madalang lang naman nila puntahan. "Damn, how can I move on? Fvck!" Kung may alam lamang sya na paraan para maalis sa isip n yang babae ay matagal na niyang ginawa yon. "If I'm still inlove with you? Pauso ka bro! Kanta ng the script yan! Di bagay sa'yo! Umay ako sayo!" Natatawang sabi ng kaibigan nya bago umalis, pero narinig nya ang pag tigil ng mga yabag kaya alam nya na may sasabihin pa ito. "at tsaka bro, wag kang maarte dyan, dahil alam ko sinadya mo naman yon, kunwari ka pa dyan, wag ako, kilala kita." Napatingin sya sa folder na kanina pa nya hawak, hindi na nya nakuhang bitawan dahil sa pag iisip ng nangyari kanina. "Pero bro." Napatigil sya sa kaniyang iniisip at tinignan ang kaibigan, na seryosong nakatingin sa kanya. "You know you can't. You can't work it out again, you once tried but you failed. Wag mo nang hayaan na maulit yon, hindi lang ikaw mapapahamak, pati sya, isipin mo na lang, kung mahal mo talaga sya, then iwasan mo na sya, pero kung kaya mo naman sya protektahan, 24/7 edi go.” "Naranasan mo na bang sabihan ng pangako, tapos pinanghawakan yon ng pinagsabihan mo, then all of a sudden biglang nawala yung nangako?"  Ipinilig nya ang ulo nya dahil sa naalala, siguro naman napatawad na sya nito, ang huling usap kasi nila four years ago, okay naman ang babae sa kanya, binibigyan pa sya ng advice at oras para maka chat, binati pa sya nung birthday nito, kaya sa tingin naman nya ay okay na sila nito.  Binuksan nya at folder nya at nakita ang pirma nito, kaya naman halos nanlaki ang mata nya sa nakasulat sa nakaipit na sticky note.  "8 am sharp, monday, FS room, 4th floor. You're hired."  Ngayon, parang gusto na lamang nyang umatras, hindi nya alam kung bakit, pero may kung ano sa kanyang dibdib, kinakabahan sya na ewan. Ganon siguro talaga.  Karma nga naman, kung hindi mabilis ang balik, mabigat naman.  Naalala nya ang itsura nito kanina ng makita nya. Black fitted skirt above the knee and white blouse, at sa tantya niya at four inches na sandals, nakataas din ang buhok nya at nakababa ang ilan hibla, dahil na din sa tagal nyang nakaupo, nakasalamin din sya, na bumagay naman, nagmukha sya napaka edukadang babae.  Yeah, long time no see Baby.                                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD