Chapter 3.

2336 Words
Teraius Conte. I searched him on f*******: pero hindi ko sya in-add. Pati doon ay may mga ‘fangirls’ rin na nagcocomment sa mga pictures nya. Mas maraming pictures sa f*******: si Raius at madalas rin sya doon mag post. Madalas kasama mga kaibigan nya or pamilya nya. Pansin ko na ang tita at pinsan nya lang na babae ang palagi nyang kasama. I wonder kung nasaan ang parents nya or kung may kapatid sya? Friday night pa lang ay naghanda na ako ng isusuot ko. Ang sabi ni Raius, huwag ko na raw dalhin ang sasakyan ko. Baka nga mas okay na mag commute lang kami. I find it thrilling. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nag commute or hindi gumamit ng car service. “You have to document everything tomorrow, alright?” Paalala sa akin ni Adelaine. Tumawa ako. “Hindi pwedeng everything! This isn’t just some date with some boy na pinakilala sa akin nila Mommy at Daddy.” Adelaine rolled her eyeballs. “Exactly! Ayaw mo ba na documented ang first date nyo? Malay mo, maging kayo tapos magtagal kayo. Magandang pang surprise na marami kayong pictures sa first date nyo!” Napaisip ako sa sinabi ni Adelaine. Kung anu-anong eksena na tuloy ang pumasok sa thought bubble ko but I immediately dismissed them. “Ano ka ba? Baka ma jinx!” Saway ko sa kanya. Si Adelaine naman ang tumawa. “Hindi ‘yan. Kung magiging kayo, magiging kayo. Siguro ito na ‘yung moment mo, Rai.” “Well, I just want to enjoy whatever it is. Ayoko mag-isip ng kung anu-ano. Anyway, may dumating na request form sa Makati branch. Ikaw na lang ang bahala, ha? Nagpaalam si Jea ng leave. Two days lang naman.” Tukoy ko sa secretary s***h assistant ko. Nag thumbs up sa akin si Adelain. “Ako na bahala. Check ko na lang sa email tapos check ko sa inventory.” Nag overnight sa condo ko si Adelaine. Tapos nang magising ako ay wala na sya. Nag stretching ako tapos nag jogging ako sandali. I usually do this regularly before pero recently ay kapag may time or nasa mood na lang ako. I need to be in shape, isa iyon sa bentahe ko bilang influencer, although hindi ko naman ginugutom sarili ko or sobrang payat. Sa labas ako nag lunch dahil namili rin ako. This is like my routine every Saturday. I spend my Saturdays going out if I can kasi kailangan ko ng constant inspiration for my creative projects and stuff. Madalas kapag Sunday naman ay nasa bahay lang ako at tulog. Pasado alas dos pa lang ay naka bihis na ako. Gusto kong matawa sa pagka excited ko. Para akong bata na excited mag fieldtrip. When I received a message from Raius na nasa baba na sya ay tumingin pa ako ng isang beses sa salamin bago ako bumaba. I wore a black cotton jumper pants tapos puti ang under shirt ko. I folded the sleeves and then I just wore white slip-ons. Raius told me to wear something comfortable. Maliit na backpack lang rin ang dala ko para lagayan ng cellphone at wallet. Nang makalabas na ako sa entrance ay hinanap ko si Raius hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. I gasped when I realized that he’s sitting on a motorbike. He’s wearing all black from head to toe tapos may hawak syang helmet sa kaliwang kanang kamay nya. Nang makita nya ako ay tumayo sya at ngumiti sa akin. Wow, this feels like a scene in a movie or something. Nang magsimula syag maglakad para salubungin ako ay parang nag slow motion ang paligid. My heart skipped a beat while looking at his gorgeousness. “Hi,” Nakangiting sabi nya pero titig na titig sa akin. “H-Hello.” “Let’s go?” Aya nya. Tumango ako sa kanya. “May motor ka pala...” “Oo. Luma na nga, eh.” Parang nahihiya na sabi nya. Tumingin ako sa motor. It doesn’t look new, but it doesn’t look old either. Malamang na alaga nya. Nauna syang naglakad at sumunod ako. May kinuha syang isang helmet na kulay yellow sa compartment tapos inabot nya sa akin. “Ang cute, yellow!” Bulalas ko. He chuckled. “Sa pinsan ko ‘yan, kay Mara. May sarili syang helmet kasi gusto nya sumasama minsan kapag may pupuntahan ako. Sya ‘yung pinsan ko na fan mo.” “You know what? I want to meet her.” He grinned at me. “Siguradong magwawala ‘yun kapag nakita ka.” Inalalayan nya ako hanggang maka angkas na ako sa kanya. Lalong nanuot ang bango nya sa ilong ko dahil sobrang close kami. Medyo nag panic lang ako dahil nang i-start nya na ang makina ay hindi ko alam kung saan ako hahawak sa kanya. This is my first time riding a motorcycle. Napansin nya ‘yata ang struggle ko kaya lumingon sya sa akin. “Kailangan mong kumapit sa akin para hindi ka mahulog.” I bit my lower lip. My hands are suspended in the air dahil hindi pa rin ako makapag decide. Nahihiya akong hawakan sya. Nagulat na lang ako nang hilahin nya ang kamay ko at inikot nya sa bewang nya. Napasandal rin ako sa likod nya. I saw him smile bago nya tuluyang paandarin ang motor. Napahigpit pa ang yakap ko sa kanya dahil sa impact. Malakas ang kabog ng dibdib ko. After a while ay nasimula ko nang ma-enjoy ang katotohanan na nakasakay kami sa motor. Ang sarap sa feeling na ramdam ko ‘yung hangin tapos nakayakap ako kay Raius. I can smile and do silly reactions under the helmet. Pansin ko na bagamat mabilis ng kaunti magpatakbo si Raius ay ramdam ko na ingat sya. Hindi ko alam kung gaano na sya katagal na nagmomotor but he drives flawless. Hindi rin ako takot, pakiramdam ko ay safe talaga ako sa kanya. Itinigil nya sa tapat ng isang foodpark ang motor nya. I’ve been to a few foodparks before pero hindi pa ako nakakarating sa pinagdalhan nya sa akin. We are in Cubao right now. Sabay kaming bumaba at tinanggal rin naming dalawa ng sabay ang mga helmet namin. He moved his head from left to right para ayusin ang bahagyang nagulo nyang buhok. Inayos ko rin ang buhok ko. “Bakit foodpark?” Tanong ko sa kanya nang papasok na kami. “Hindi ko kasi alam kug anong gusto mo. Dito, isang lugar lang at makakapili pa tayo.” Tumango ako. “Nice,” Naglakad lakad kami. May second floor ang foodpark na pinuntahan namin, which isn’t very common since most foodparks I have een to, talagang isang level lang. Sobrang lapit ni Raius sa akin habang naglalakad kami. Madalas kaming magkadikit habang bumibili kami ng iba’t ibang pagkain. We settled in a table far from the main dining space. Iba iba ang binili naming mga pagkain. “Sana marami ka makain. Huwag ka muna mag diet ngayon.” Tumawa ako. “Takam na takam na nga ako sa mga binili natin.” We started eating. Inuna ko ang burger habang sya naman ay tumikim ng chicken sisig. “Nakapunta ka na rin ng ibang food park?” Maya-maya ay tanong nya. Tumango ako. “Mga tatlong food park na napuntahan ko. Two were for work. Kinuha nila ako para I post ko sa i********: ko tapos ‘yung isa naman, nag-aya ‘yung friend ko kasi kakilala nya ang may-ari.” “Grabe, you’re really influential in i********:, no? Ang dami mong followers!” Parang hindi pa rin makapaniwala na sabi nya. I grinned at him. “Yeah. Nagsimula ako mag i********: when I was just in college. Libangan ko lang, ganoon. Kapag may mga trips and new things akong nakikita, I take a picture and I post it there. I didn’t know I will be big in there.” Kwento ko. Sobrang comfortable makipag-usap kay Raius. Feeling ko pwede ko ma-spill kwento ng buhay ko sa kanya. “Ako naman, wala ako hilig sa social media. Mas gusto ko magkalikot ng mga bagay physically. Nag i********: lang ako kasi para i-promote banda ko.” Nahihiyang sabi nya. “To entertain fangirls too?” I teased. He chuckled. “Pwedeng ganoon rin. Mga kabanda ko nagpilit sa akin gumawa dahil may mga nagtatanong raw ng i********: ko.” “Totoo. People like to know na pwede nilang ma-stalk ang isang tao via social media. They feel like somehow, they already knew the person or may connection na sila.” We eat in between talking. Mukhang mapaparami talaga kain ko ngayon and I don’t mind. It feels good being here with Raius.  Sa kakatitig ko sa kanya, pakiramdam ko kabisado ko na ang bawat sulok ng mukha nya. “Hi! Ikaw ba si Raisa Regina?” Out of the blue ay may tatlong babaeng teenagers ang lumapit sa akin at nagtanong. Ngumiti ako sa kanila. “Yes, I am Raisa. Hello!” Bati ko sa kanila. Nagtilian ang tatlo. “Hello po! Pwedepo kami magpa picture?” Tiningnan ko si Raius saglit. Nakangiti sya at parang napafascinate sa nakikita. “Sure!” Tumayo ako at lumapit sa kanila. Pinahawak nila sa akin ang camera at isa isa akong naki selfie sa kanila tapos may isang group picture. Biglang lumapit ang isa kay Raius. “Kuya, pasensya na, pwedeng picturan mo po kami with ate Raisa?” Napatingin ako kay Raius. Nakakahiya! Siguradong gusto nila kumuha ng picture na pwede I post sa i********:. After all, doon nila ako malamang na nakilala. Pero ngumiti at tumango si Raius. “Sure! Pose na kayo.” Kinuha ni Raius ang camera at kinuhaan nya kami. He seemed to enjoy it kasi sya pa nagsasabi ng magandang pose. “Thank you po! Nice meeting you po!” Yinakap ako isa-isa ng mga teenagers bago sila umalis na tuwang tuwa sa pictures. “Sorry.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. Umiling iling si Raius. “Walang problema. Nakakatuwa tingnan ‘yung mga teenager kanina. Parang si Mara. Sigurado ganoon rin ang magiging reaction nya kapag nakita ka.” Mas lalo tuloy akong nahiya. “Hindi naman ako artista,” “Hindi ka artista pero may mga fans ka. Mas okay nga ‘yun eh.” “Thanks,” Hindi sya sumagot. Imbes ay tinitigan nya lang ako habang nakangiti kaya medyo nailing ako at umiwas ng tingin. “May.. dumi ba ako sa mukha?” Conscious na tanong ko. Umiling iling sya. “Wala. And ganda mo lang.” Bigla ay seryosong sabi nya. Ramdam ko na umakyat ang init sa mga pisngi ko. Holy hell. Grabe ang kilig na naramdaman ko. I clenched my fist para doon mapunta ang gusto kumawala na kilig ng katawan ko. “Stop it,” Mahinang sabi ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. “Sigurado marami na ang nagsabi sayo nyan.” “Iba na noong ikaw na nagsabi.” Mabilis na sagot ko. Humalakhak si Raius. Tiningnan ko sya at napaisip ako kung nagjojoke lang ba sya dahil pahiya ako kapag ganoon nga. “B-Bakit?” Maang na tanong ko. “Ewan, ganito pala pakiramdam ng kinikilig. Shit.” Nakangisi na sabi nya tapos uminom ng pineapple juice nya. I bit my lower lip. Kinikilig din sya? Para kaming tanga na nagtitinginan pero nakangiti. “Nabusog ka ba?” Tanong ni Raius nang naglalakad na kami palabas papunta sa motor nya. Tumango ako. “I don’t remember the last time when I feel this full.” Hinimas ko ang tyan ko. “Mukhang hindi mo naman kailangan mag diet.” “It’s like more on maintaining my figure, eh. Hindi naman ako nageexercise ng intense. Huwag lang akong mas lumaki pa sa size ko ngayon. It’s my brand, eh.” Tumango sya pero hindi na sya nagsalita. Inalalayan nya ako ulit sumakay sa motor nya. This time ay ako na ang nagkusa na yumakap sa bewang nya. Bahagya lang syang lumingon nang yakapin ko sya tapos umalis na kami. Halos two hours rin kaming magkasama and its two-hours of knowing more things about him. Ayoko pa sana umuwi pero ayoko rin na ako ang mag-impose na huwag muna kaming umuwi. My happiness was short lived nang iparada na ni Raius ang motor nya sa tapat ng building ng condo ko. Mabagal ang pagkilos ko. Gusto ko mahalata nya na marami pa akong time at pwede pa kaming umalis ulit pero naisip ko na baka si Raius naman ang may ibang lakad. Sabay naming tinanggal ang mga helmet naming dalawa. Kinuha ni Raius ang yellow helmet mula sa akin at ilinagay sa compartment na nasa likod ng motor nya tsaka sya humarap sa akin. Bawat galaw nya, iba ang dating sa akin. Para akong nalulunod kapag lumalapit sya. “Thank you sa pagsama sa akin,” Now he’s like a shy boy again. Pinagsalikop nya ang mga kamay nya. Ngumiti ako. “No, ako dapat mag thank you. I had fun,” Kaya sana maulit! Kinagata nya ang pang-ibabang labi nya bago sya nagsalita. My knees weakened kaya pasimple akong napahawak sa motor nya. “S-Sana okay lang kung... aayain kita ulit? K-Kung hindi ka naman masyadong busy.” Nag bilang ako ng 1,2,3 bago sumagot dahil ayokong maging super eager. Alam ko sa sarili ko na hulog na hulog na ako sa charisma ni Raius kahit dalawang beses pa lang kaming nagkasama. I might not know a lot about him pero gusto ko sya. “Uh, sure.” Lumiwanag ang gwapong mukha ni Raius. “I mean, sure, kapag hindi ako busy.” Tumango si Raius pero nakangiti pa rin. “Uhm, sige na, akyat ka na.” Lumingon ako sa entrance. And then I looked around. Humawak ako sa balikat nya and then I tiptoed para maabot ko sya. I gave him a quick smack on the lips before I immediately ran away without looking back.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD