Marami akong nalaman tungkol kay Raius habang kumakain na kami. Medyo naintimidate ‘yata sya kasi nakita nya ang presyo ng mga pagkain. I told him to just choose what he wants. Wala ako nagawa nang mapansin ko na parang hinanap nya ang pinaka mura at iyon ang inorder nya. But I ordered another dish for him.
Kinapalan ko na ang mukha ko at ako na ang nag open na kukuhain ang number nya. He gave it to me, tapos nag missed call ako sa kanya. He saved my number then.
Parang ayoko pa sanang umalis but my secretary already called me. May meeting ako in thirty minutes at on the way na raw si Tito Ram. He’s my mother’s only brother at sya ang investor at partner ko sa business ko.
“So, paano? Thank you sa pa-lunch mo, Raisa. Nakakahiya man pero nag enjoy ako..”
“Don’t be. At least I got to treat you bago tayo maghiwalay. Kung wala lang ako meeting in a few minutes, makikipag kwentuhan pa ako sa ‘yo.” I have never been this bold before. Ewan, ang easy going kasi ni Raius at pakiramdam ko ay wala akong dapat ikahiya sa kanya.
Nagkamot sya ng batok. “M-May next time pa naman siguro..” Umiiwas sya ng tingin sa akin.
I giggled. “Yeah, there will definitely be a next time.”
Ngumiti sya nang marinig nya ang sagot ko. He opened my car’s door for me and closed it nang makasakay na ako. Nakangiti syang kumaway bago ko paandarin ang sasakyan ko.
Nasa office na ako ay hindi pa rin ako makapaniwala. I met a handsome stranger tapos ako pa talaga ang naging medyo agressive.
“Where were you? Tumawag ako two hours ago, wala ka.” Kunot noo na tanong ni Tito Ram when I kissed him on his cheeks. He looked tired and sleepless, pero gwapo pa rin. I don’t understand it, pero he gives off this haggard look pero may certain glow pa rin sa kanya.
“I met a friend then ate my lunch.” Nakangiting sabi ko. “Hanggang kailan ka dito sa Manila?” I need to take over the conversation or baka may iba pang maitanong si Tito at madulas ako tungkol kay Ariel. He’s kind of a little protective of me.
“Tomorrow. You’re the last person that I have to meet before I go home. Shall we start?” Seryosong tanong nya.
We then continued talking about business.
Two years ago ay lumapit ako kay Tito Ram with a business proposal. Ang tagal kong nag contemplate kung dapat na ba talaga akong lumapit sa kanya. I wanted to make sure na malaki na ang success rate ng business plan ko because to disappoint Tito Ram is the last thing I want.
Inilapit ko sa kanya ang idea ko about creating an apparel brand.
Before I graduated college, I kind of gained a lot of followers via my i********:. It kind of gave me a status in the local social media scene. Before, it was just all about having fun for me. Until I realized that my following can be a business. I have been endorsing brands that I liked who reached out to me, and so far ay lahat ng recommended ko ay tumataas naman daw ang sales ayon sa mga contacts ko.
I thought of having my own brand kaya nagpagawa ako ng ilang piraso ng t-shirt at damit na design ko mismo tapos dalawang style ng bathing suite. Just like I expected, my followers asked me where I got them since walang naka tag na name or account ng products. I told them na design ko iyon and I made it just for me.
It started there. Tinulungan ako ni Adelaine, ‘yung bestfriend ko, sa orders when I finally gave in and produced more and sold them. After six months, the demand is too high for the production’s capability. That’s when I thought of Tito Ram. Nang malaman nga nila Mommy at Daddy na kay Tito Ram ako lumapit, nagtampo sila.
I explained na kapag sa kanila ako kumuha ng capital or sa trust fund ko, I might not get too serious about it kasi I know they will still support me kahit mag fail. I mean, it’s all in the mindset.
I prepared everything, from the permits to the place that we rented for the production and the office to the design and the marketing. Adelaine is the head of production. Pinag quit ko na sya sa trabaho nya bilang insurance personnel para sa akin na magtrabaho.
It wasn’t easy. May mga times na sobrang nahirapan ako tapos naisip ko na hindi ko naman talaga ‘to kailangan gawin. But every time na naiisip ko na madidisappoint si Tito Ram and that I will regret na hindi ko pa ito itutuloy, I become stronger.
Now dalawang taon na ang RaiRen Apparel. I named it after me. I want this to be my legacy.
Sa ngayon ay pumupunta na lang ako sa mga events na invited ako as a social media personality pero bihira na ako mag endorse ng products. I am into large scales projects na lang at ‘yung mga tiwala talaga ako na products.
Monthly ang pagbibigay ko ng progress kay Tito Ram. Naibalik ko na ang capital na pimahiram nya after a year and a half tapos may twenty percent stake sya sa RaiRen Apparel. He’s my only partner. Si Tita Bee na asawa ni Tito Ram din ang isa sa mga models ko for designs na for mommies.
Around eight ng gabi na ako nakauwi. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay may message. Napangiti ako nang makita na galing iyon kay Raius.
Raius:
Hi!
Hi! lang ‘yung message pero kilig na kilig na ako. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagka teenager. Bumalik sa isip ko ‘yung mukha at itsura ni Raius. He’s just so simple, ibang iba sa mga usual na nakakasalamuha ko. He wasn’t flashy, walang yabang sa katawan at sa pagsasalita, sobrang polite pa!
Agad akong nag bihis at nagreply. Two hours ago pa ‘yung text nya and I doubt na makapag reply sya agad. Baka busy rin sya?
Me:
Hello! Sorry kakauwi ko lang.
I turned on the TV and looked for whatever interesting to watch. Tapos tumunog ‘yung cellphone ko. Lumundag rin ang puso ko.
Raius:
Okay lang. Hinihintay ko talaga reply mo. Kala ko hindi ka magrereply.
Tumawa ako. What, after all that, he’s thinking na hindi ko sya rereplyan? Sobrang subtle pa ba ng ‘motibo’ ko? I mean, I didn’t flirt with him, but I am obviously smitten. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako na hindi nya napansin o maiinis eh.
Me:
Medyo busy lang kanina. Hectic. Hehe! Have you eaten dinner?
Natawa ako matapos ko masend ‘yung message. Very typical! I need to step up my game! Eh sa ngayon pa lang ako lalandi o may lalandiin sa text!
Raius:
Tapos na. Ikaw?
Me:
I don’t usually eat at night. Tea or juice lang or fruits. Nag juice na ako.
Raius:
Healthy ba ‘yang ganyan?
Me:
Yeah, nagbebreakfast naman ako. Do you go to gym?
Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang tinanong ko. I’m really curious. Ang ganda kasi ng katawan nya. Parang ang sarap himasin.
Raius:
Once a week, minsan hindi. Sariling exercise lang, ganoon. Ikaw?
Me:
I used to. Ngayon wala na masyadong time. Teka, wala ka bang gig or something?
Medyo excited na ako sa time na mapapanuod ko na sya ng live. Ah, baka magfangirl ako sa kanya. Naeexcite rin ako marinig ‘yung boses nya, hindi nya kasi talaga ako pinakinggan ng sample.
Raius:
Every weekends lang ang gig namin. Friday night in Malate and then Saturday night in Makati.
Me:
Ah, okay. Hindi mo kasi pinarinig sa akin sample mo.
Raius:
Haha! Gusto ko live mo marinig habang nasa stage ako.
We exchanged messages for almost an hour until he told me na magpahinga na ako tapos matutulog na rin daw sya.
I slept with a smile on my face that night.
“Ma’am Raisa, pasensya na po kayo pero ayaw daw po kayo kausapin ni Ma’am Madison.” Halatang conflicted na sabi ng isa sa mga maids nila Madison. I dropped by their house bago ako pumasok the next day para kausapin sya tungkol kay Ariel. I wanted to explain to her what happened.
“Manang, pasabi naman na importante. Na hindi totoo ‘kung ano man ang sinabi ni Ariel sa kanya. I want to explain.” I insisted.
“Ma’am sinabi ko na po, eh. Nagagalit lang sya..”
Naawa na tuloy ako sa maid. Sumuko na ako nang thirty minutes na ako halos na naghihintay. Madison can be a little childish at times. Siguro palilipasin ko na lang muna. I just hope na huwag nya na balikan ang Ariel na ‘yon kung sakali mang balikan sya.
Dumiretso na ako sa office. Nang dumating na si Adelaine ay kinwento ko sa kanya ang lahat. Nagpaalam kasi sya sa akin kahapon na uuwi sa probinsya nila sa Pampanga dahil may sakit ang nanay nya kaya wala sya kahapon.
“Aba, gaga rin naman ‘yang si Madison kung maniniwala sa Ariel na ‘yon! Sinasabi ko na nga ba na malalagkit ang tingin ng Ariel na ‘yon sa’yo, eh. Kaya muntik ko na dukutin mga mata nun.” Gigil na sabi ni Adelaine.
“Relax. Papalamigin ko lang ulo ni Madi, makakausap ko rin sya one of these days.” Sabi ko na lang.
“Eh paano kung ikaw pa ang isipan ng masama at maniwala sya sa manloloko at baliw na ‘yon?” Adelaine knew how important Madison to me. Hindi man kami naging bestfriends ay isa sya sa pinaka matagal ko nang kakilala at kaibigan. Okay kami sa isa’t isa, and it will be sad if magkakasira kami dahil kay Ariel.
“Well, I hope na hindi. That’s absurd.”
“Oh, eh sabi mo kumain kayo ng lunch nung tumulong sayo?”
“Ah, yeah.” Di ko mapigilan mapangiti. “Raius pangalan nya. Vocalist sya ng banda tapos.. wala, ang simple simple nya lang. Gwapo tapos ang sarap kausap.” Dreamy na sabi ko.
Tumawa si Adelaine. “Crush mo?”
“Parang,” Amin ko.
“Wow. Congratulations! May sumunod na kay Noah sa crush list mong sobrang ikli.” Adelaine said laced with sarcasm.
Bahagya akong napatigil nang marinig ang pangalan ni Noah. He’s my first love and he’s also from Isabela. His father used to be our family’s lawyer. When he retired, Noah then applied as Tito Ram’s secretary until they had to migrate to U.S dahil nagkasakit ang Mommy ni Noah at doon kailangan operahan.
“May mga naging crush rin naman ako bukod kay Noah!” Tanggi ko.
“Wala kaya! Sasabihin mo lang na gwapo, cute, matalino, pero never na crush. Eh itong tumulong sa’yo, parang kapangalan mo pa. Rai Rai couple. Naks,” Binaril pa ako ni Adelaine gamit daliri nya at kumindat.
Natawa ako. Oo nga, ano? Ngayon ko narealize. Raius pangalan nya tapos Raisa naman ang sa akin. Parehong Rai simula ng pangalan namin.
“Taba ng utak mo, friend.” Puri ko sa kanya.
“Kwento ka pa tungkol sa kanya. Ano pa mga napag-usapan nyo?”
I told Adelaine more general information I learned about Raius. Nagtira ako ng mga tingin ko ay mas okay na ako lang ang may alam. I told Adelaine na ipapakilala ko na lang si Raius when the time comes.
I don’t expect or think anyting right now; I just want to enjoy the feelings. Kahit tumanggi ako sa sinabi ni Adelaine ay totoo naman iyon. Other than Noah, pwedeng si Raius pa lang ang lalaking nababanggit ko sa kanya na medyo relevant. Itong kilig na nararamdaman ko kay Raius, hindi ako nakaramdam ng ganitong tindi o uri ng kilig sa iba. It’s different.
After naming magkwentuhan ni Adelaine ay business naman ang sumunod na inasikaso namin. Ngayong two years na ang RaiRen Apparel ay nagiging open na ako sa idea na other than me ay magkaroon na kami o kumuha na kami ng official endorser. When RaiRen Apparel launched, of course may mga pinadalhan ako ng PR package. Mostly mga kakilala kong influencers, celebs and a few socialites in my circle.
Malaki natulong noon sa marketing at PR ng brand ko, but other than that ay self promotion na ng mga bumili. Nag suggest si Adelaine na baka pwede na kami kumuha ng official endorser since medyo established naman na ang RaiRen. Although mayroon na kaming apat na flagship stores na dalawa ay nasa mall at ang dalawa ay nasa mga high foot traffic areas, pinaka malakas pa rin ang online orders.
“What do you think of Elaine Conde?”
Umiling ako. “No, not her. Iba ang style nya sa style natin. We need someone na authority in either street fashion or experimental. Or kahit na hindi sya gaano kakilala basta we think she has a potential. One for the men collection rin pala.” A few months ago ay naglabas kami ng apat na piraso na collection for men.
We ended with a list of four possible for female and two possible for male. Si Adelaine na ang bahala mag interview or kumausap.
After lunch when I opened my i********:, I usually don’t give too much attention on the likers or the comments. But when the notifications came, I saw a familiar name on the list of people who commented on my latest post that I posted yesterday morning. It’s a picture of me wearing my latest designed skirt and crop top while sitting on a stool and sipping mango shake.
Si Adelaine and madalas na photographer ko kasi gamay nya na ang mga gusto kong kuha or angles at isa ito sa mga kuha nya.
teraius_conte: Nakakasilaw sa ganda J
Kumabog ang dibdib ko. I clicked his username to see if sya nga. He has at least two thousand followers tapos may fifty plus pictures. All are in black and white. I scrolled to see at least a selfie. Sa badang baba ay may nakita akong picture nya with seems like his bandmates. May gitara na sukbit ‘yung dalawa. He was smiling widely, pati mga mata nya ay ngumingiti.
I scrolled back up and followed him.
Wala sya masyadong picture ng sarili nya. Bilang lang pati ang solo sya, siguro mga tatlo tapos mas maraming kasama nya bandmates nya or mga kaibigan nya. Karamihan ng mga pictures nya ay mga lugar or buildings.
I stalked him for a few minutes bago ako makatanggap ng notification na may nag direct message sa akin.
teraius_conte: Hi miss! Pwede mahingi number mo? :p
Tumawa ako at nag reply.
raisareginacojuanco: Haha! Hello! How did you find me here?
teraius_conte: May pinsan akong teenager na ginagawa akong photographer. May ginagawa syang pose tapos may pinakita syang picture. Picture mo. Gayahin daw namin ‘yung posing mo. Idol na idol ka ng pinsan ko.
raisareginacojuanco: Small world! Hehe.
Bigla ay naisip ko nab ka destined na magkakilala kami? Wow. Since when do I believe in this destiny crap? Naiiling na tumawa ako.
teraius_conte: Para ka palang artista. Ang dami mong fans.
raisareginacojuanco: Haha! Hindi naman. They just like my content. Ikaw rin naman, ah? May mga fans ka rin na nagcocomment sa pictures mo.
May mangilan-ngilan akong nabasa na comments na mga babaeng obviously ay nakita na syang live kumanta dahil sinasabi nila na ang ganda raw ng boses ni Raius. It’s either his voice or his face or most comments talks about both.
teraius_conte: Hahaha! Mga makukulit na teenagers lang ‘yon. Sya nga pala, pwede ba kita ayain mag merienda sa Sabado? Ako naman magsasama sa ‘yo sa paborito kong kainan.
Saglit akong napatanga sa screen ng cellphone ko. Is he... is he asking me out? Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko sa pagpipigil ko tumili. Hindi ako agad naka response dahil inisip ko pa kung paano ako papayag. Of course, papayag ako! I just need to think of a way para hindi nya mahalata na eager ako.
teraius_conte: Pero kung busy ka, okay lang naman. Nagbaka sakali lang ako. Alam ko naman na busy kang tao. J
Nalaglag ang panga ko sa nabasa kong message nya. What? Binabawi nya na ba? Para akong nag hyper ventilate. Holy hell.
raisareginacojuanco: I’m free this Saturday, if the offer still stands.
Ugh! Nakaka frustrate naman ‘to. Nag assume sya agad. I mean, oo, busy ako. Pero hello! Syempre may time ako sa kanya! It’s the best perks of being a businesswoman and not employed. I can have time on my own. At least kapag walang meeting or importanteng appointment.
teraius_conte: Saan kita pwedeng sunduin? Around 3pm sa Saturday. J
I gave him the name of the building of my condo. At hindi na ako makapag hintay sa Saturday!