It’s been a day since Raius and I parted ways. Isang araw na rin simula nang gawin ko ang nakakahiyang bagay na ni sa panaghinip ko ay hindi ko alam na magagawa ko. I kissed Raius and then I ran away. Smack lang iyon, but damn it!
Sinabunutan ko ang sarili ko nang marating ko na ang condo ko after that happened. Para akong hinahabol ng kung ano sa bilis ng kabog ng dibdib ko. Ilang beses kong pinagalitan ang sarili ko. Ayoko magsisi because that’s what I like to do pero nang marealize ko na hindi pa nagtetext hanggang ngayon si Raius ay nanlumo ako.
Na turn off ba sya sa akin? No text, calls or dm in my i********:.
Pakiramdam ko tuloy, ang sama kong babae. Wala ba akong delicadeza? Why would I kiss him after our first official date?
Ah! Mababaliw na ako kakaisip.
I passed my time the next day looking at the stolen shots I took while we were together. May kuha noong nakatalikod sya at bumibili ng pagkain, may kuha na kumakain sya, nakatawa sya o nakangiti sya. May kuha na naglalakad sya, may kuha na nakatingin sya sa cellphone nya.
I sighed when I realized na iba na itong ginagawa at nararamdaman ko.
Ayoko mauna magtext o mag dm sa kanya dahil hindi ko alam ang reaction nya sa ginawa ko. Kapag na-turn off sya sa akin, wala naman akong ibang sisisihin kung hindi sarili ko.
“Dumating na ang supplies. Magsisimula na kaming magsend ng orders. Pirmahan mo na ang mga cards,” Monday morning ay iyon ang salubong sa akin ni Adelaine.
She kept on asking me to send her photos pero isang picture lang ni Raius ang pinadala ko, ‘yung nakangiti sya habang nakatingin sa akin. Nagkukunwari akong nagcecellphone kapag gusto ko sya kuhaan kaya wala syang kaalam-alam. Nagrereklamo si Adelaine pero wala talaga ako sa mood.
Two days na pero wala pa rin paramdam si Raius.
“Okay,” Wala sa sarili na sabi ko at dumiretso sa opisina ko.
Ramdam ko na sinundan ako ni Adelaine. Pumasok rin sya sa office ko.
“Something wrong? Masama ba pakiramdam mo?” Nag-aalala na tanong nya.
Naupo ako sa swivel chair ko na nakatulala pa rin. “Hindi lang ako nakatulog ng maayos.” Which is true, but that isn’t all. Wala rin ako gana kumain thinking na wrong move talaga ang ginawa ko.
Now I might never see him again.
I checked his i********: and f*******:. Wala pa rin syang bagong post. And while it’s a good thing dahil ibig sabihin, pwedeng busy sya at hindi nya lang ako ini-snob, masama pa rin ang timpla ko.
“Why? Edi sana kahit late ka na pumasok. Kahit hapon ka na sana pumirma.” Kapag worth two thousand pesos ang order sa RaiRen ay may special card na may message at pinipirmahan ko personally ang kasama tapos 10% discount next purchase.
“Okay lang, mabobored lang naman ako sa condo if ever. Sige na, asikasuhin mo na ang mga orders. I’ll check my emails.” I opened my laptop as Adelaine is leaving my office.
I opened my email and just went through the motion. Kung hindi lang sinabi ni Adelaine na lunch time na ay hindi ko mapapansin. Nanunuod lang rin ako ng mga shows sa Netflix pero hindi ko naman naiintindihan.
What the hell is happening to me?
Hapon na nang hawakan ko ulit ang cellphone ko. Nakakainis lang kasi na wala ring darating na message mula sa taong gusto ko kaya ano pa ang saysay? Sa laptop ko na lang ako naging abala.
May tatlong messages akong nakita nang mahawakan ko na ulit ang cellphone ko.
Dalawa ay advisory pero nang makita ko na galing kay Raius ang isa ay parang nalaglag ang puso ko.
Raius:
I miss you.
Hindi ako agad nakagalaw. I stayed frozen while looking at the screen of my phone making sure na hindi lang iyon guni-guni. Gusto kong maiyak. Damn it! Miss na miss ko na rin sya!
Nanginginig pa ang mga daliri ko habang nagtatype ng reply.
Me:
I miss you too.
Nagreply agad si Raius. Para akong excited magbukas ng regalo nang dumating ang message nya.
Raius:
Dinner tayo?
Napasinghap ako nang mabasa ang message nya. Holy s**t!
I calmed myself before I typed my response.
Me:
Mamaya?
Because I needed to be sure. ‘Yung excitement level ko is through the roof! Tiningnan ko ang outfit ko at narealize na nakaleggings at t-shirt lang ako. Wala kasi akong gana mag dress up kaninang umaga!
Raius:
Kung hindi ka busy J
I bit my lower lip. Magkikita kami ulit!
Me:
Sige. J
Raius:
Saan kita pwede sunduin? Nasa office ka pa?
I sent him the address of my office. Sabi nya ay alas singko ay nandito na sya.
I called Adelaine to get me something better to wear. She got me a denim skirt na hanggang taas ng tuhod ko ang haba, isa iyon sa mga product namin. I tucked in the shirt I was wearing then I put my hair in a pony. I looked at the mirror and realized na malamang ay dala ni Raius ang motor nya so I can’t wear a skirt!
Adelaine is wearing boyfriend jeans. Nagpalit kami since magkasize lang kami halos. I looked better.
“Asus, ‘yang si lover boy lang pala ang bubuhay sa katawang lupa mo.” Naiiling pero nakangiti na sabi ni Adelaine.
I chuckled. “I really like him.”
“Siguradong magpapa fiesta mommy mo kapag nalaman na may dinidate ka.”She teased.
“Don’t tell mommy about this yet, okay?” Pinanlakihan ko sya ng mata. Halos lahat ng friends ko ay kilala ng parents ko, pero si Adelaine ang talagang close nila. Minsan nga si Adelaine na ang mas tinatawagan ni Mommy para kamustahin ako rather than calling me.
Sya naman ang tumawa. “Oo na po. Basta masaya ka, wala akong problema.” Nag thumbs up pa sya sa akin.
Ten minutes before five ay nag message si Raius na nasa baba na sya. Nag breathing exercise ako para kalmado ako pag nagkita na kami. Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko kung sakaling ma-open ang tungkol sa pag halik ko sa kanya the last time pero bahala na. Ang importante magkikita kami.
“Hi,” Bati ko nang makita ko na sya. Hawak nya na ang yellow helmet at nakasandal sya sa motor nya. Naka dark gray polo shirt sya na pinatungan nya ng black jacket tapos naka denim pants sya. Pareho kami ng kulay ng pants!
“Hello,” Malapad ang ngiti na ibinigay nya sa akin ang helmet.
“Uhm.. S-Saan tayo pupunta?” Wala kasi akong ibang masabi. He looks so stunning, nahihigop ang buong pagkatao ko. He looked fresh, medyo basa pa ang buhok nya at amoy na amoy ko na naman ang pabango nya.
“Hindi na tayo sa foodpark, I promise.” Itinaas nya pa ang kaliwang kamay nya.
Tumawa ako. “Kahit saan naman tayo kumain, okay lang.” Nahihiyang sabi ko. Hindi ko maalis ang mata ko sa mukha nya.
Umiling iling sya. “Alam ko na ngayon saan kita pwede dalhin,”
Isinuot ko na ang helmet at inalalayan nya ako sumakay after nyang maunang sumakay sa motor nya. Nakalusot kami sa traffic dahil naka motor kami. I see the advantage of having a motorcycle than a car. Dalawang tao rin ang nakakasakay.
He parked the car in front of a chicken wings restaurant.
“Napansin ko na marami kang nakain na chicken wings noong kumain tayo sa foodpark. Okay lang ba sayo na dito tayo mag dinner?” He’s giving me the shy guy look and vibe again. Nanggigigil na ako sa kanya. Ang sarap nyang dambahin!
I grinned at him. “Galing mo, ha? Napansin mo ‘yon?” Natatawa na sabi ko. I didn’t even remember eating chicken wings that much pero dahil doon ay nalaman nya na mahilig ako sa chicken wings.
“Napapansin ko kahit maliit na bagay tungkol sayo.”
“Halika na nga!” Hinila ko na lang ang braso nya at sabay kaming pumasok. We ordered two buckets of chicken wings. Hindi na ako nakatanggi. Umorder pa sya ng tig-isang order ng kanin para sa aming dalawa at bottomless iced tea.
We sat at the table on a corner. Wala pang alas sais. Maaga pa kaya wala pa masyadong tao.
“Mauubos ba natin ‘to? Ang dami mong inorder!” Natatawa na tanong ko. May iba-ibang sawsawan or sauce ng chicken wings.
“Kainin natin kung gaano karami makakain natin.” He shrugged his shoulders. Kumuha sya ng spoon and fork naming dalawa tapos inasikaso nya pati ang paglalagay ng pagkain sa plate ko.
“Thank you!” Wala, sino ba ang hindi mapapakain ng marami kapag ganito?
Just like the usual, sobrang daldal ko na naman habang kumakain kami.
“When are you going to invite me sa gig mo? I want to see you live.” Ungot ko sa kanya.
“Hindi ko pa alam. Sasabihan lang kita.”
Napanguso ako. “Siguro you are bringing other girls sa mga upcoming gigs mo kaya hindi mo pa ako masama,” May langkap ng selos ang boses ko but I don’t care. By this time ay feeling ko na may unspoken rule na kami since second date na namin technically.
Tapos hinalikan ko na sya at hindi sya nagreklamo!
He chuckled tapos mas ilinapit nya ang mukha nya sa akin. “Hindi mo naman kailangan magselos o magduda. Wala akong sinasamang babae sa mga gig namin.” Bigla nyang hinaplos ang kaliwang pisngi ko.
Automatic na nagwala ang mga internal organs ko dahil sa ginawa nya. Napaatras ako kaya nabitin ang kamay nya sa ere. Halatang nagulat rin sya.
Naramdama ko na nabubulunan na ako kaya uminom ako agad ng iced tea.
Napansin nya na parang may mali. “A-Are you okay?”
Naubos ko ang laman na iced tea ng baso ko. Tumango ako. “I’m o-okay.” Iwas ang tingin ko sa kanya dahil nag-uumapaw ang kilig na nararamdaman ko.
“Ang cute mo,” Maya-maya ay sabi nya.
Inirapan ko sya. “Bolero ka kasi,”
“Hindi ako bolero. Nagsasabi ako ng totoo. Gusto ko kasi na kapag isasama kita ay isa lang ang set namin para maihatid kita or else, hanggang alas kwatro kami doon.”
“O-Okay lang naman sana.” Hindi ka halatang eager! Biglang sabi ko sa isip ko.
Umiling iling sya. Nakatingin lang sya sa akin habang ako iwas pa rin tingnan sya. “Mabobored ka lang. Huwag kang mag-alala, one of these days isasama kita.”
“Promise ‘yan, ha?”
“Oo naman. Kapag nangako ako, tinutupad ko.” Tumango pa sya sa akin na parang confident talaga sya.
Napansin ko lang na never nya pa nabanggit parents nya or kung may kapatid sya. It’s either Mara, his cousin, or Mara’s mother na tita nya. Hindi ko rin alam kung saang side nya tita ang mother ni Mara. Ang alam ko lang, kapitbahay nya ang pinsan at tita nya kaya super close sila.
I don’t want to intrude. Medyo sensitive rin kasi ako when it comes to saying things about my family. I am a Cojuanco. Malayo naman na kami sa kontrobersyal na pamilya ng mga Cojuanco, I still share the same last name. My mother’s side is Esquillo. Kilala rin kami sa Isabela. Gusto ko kasi walang prejudice if ever man mabanggit ko ang family ko.
Pasado alas siete pa lang nang parang hindi na sya mapakali. Ilang beses na syang tumingin sa wrist watch nya. Hindi naman ako manhid. Disappointed ako na sandali ko lang sya makakasama pero kung may gagawin pa sya ay siguro, isipin ko na lang na gusto nya talaga akong makita at makasama kaya kahit may pupuntahan pa sya ay nakipag kita pa rin sya.
Tinapos ko na ang pagkain. May limang chicken wings kaming natira. Ipinabalot nya iyon para sa take out.
“Sayang kasi. Gusto rin ‘to ni Mara.” Nakangiti na sabi nya.
Tumango ako at ngumiti. I never thought of doing it on the leftover foods whenever I go out with friends. Na impress ako bigla na ewan sa kanya.
Wala kaming imikan hanggang sa marating na namin ang tapat ng building ng condo ko. Kumabog ang dibdib ko nang maalala ko ang ginawa ko the last time. Naglalagay na ako ng distansya sa aming dalawa dahil ayokong isipin na magtitake ulit ako ng advantage.
Nang ibigay ko na ang helmet na ginamit ko ay inilapag nya lang muna iyon sa upuan ng motor nya. Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako.
“So, uhm.. Bye.” Mahinang sabi ko.
Lumapit sya sa akin. Nanlamig ako nang nasa harap ko na sya. He slowly cupped my face using his two hands, inangat nya ang mukha ko and before I knew it, dumampi na ang labi nya sa mga labi ko.
It was quick. Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin lang sa kanya.
Bumalik ako sa huwisyo nang bitawan nya na ako. “Pasok ka na,” Nakangiti na sabi nya.
My mind automatically shouted inside my head to go. Kailangan ko na umalis bago ako tuluyang tumanga lang kay Raius.
“B-Bye..” Atubili na sabi ko bago ako tumalikod at mabilis na naglakad at hindi na lumingon sa kanya.
Humihingal na naman ako na nakarating sa condo ko. Dumiretso ako sa kwarto ko. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko at pigil na tumili. Holy hell! Bakit ganito? Sobrang kinikilig ako. Parang may rainbows and butterflies sa paligid!
Ilang oras akong nakangiti lang na parang tanga.
Around eleven ng gabi ay nag send ako sa kanya ng message.
Me:
Goodnight. J
Kinabukasan ay nakita ko na nagreply sya, pero halos alas dos na ng madaling araw ayon sa oras na natanggap ko ang message nya. I wonder kung ano ang ginawa nya or kung saan sya pumunta.
Raius:
Goodnight, Raisa. J
Syempre pa ay maganda ang araw ko the next day. Pansin naman iyon ni Adelaine pero hindi na sya nagtanong kung anong nangyari kagabi. My day continued smoothly. We started sending the orders tapos nagsagot rin ako ng emails. Marami akong saved photos para kapag wala akong mapost or kung wala akong gala ay may maipopost ako sa i********: ko. I posted two photos tapos naging busy ako mag respond sa mga comments.
Naisip ko na tingnan ang i********: ni Raius.
I felt my hear skipped a beat nang makita ko ang latest post nya. Picture ko iyon. Nakatalikod ako kasi papasok na ako sa entrance ng building ng condo ko matapos nya akong ihatid kahapon. I didn’t know na kinuhaan nya ako ng picture.
teraius_conte: Anghel sa lupa. kaizer09xx: Inlove ka ba pare? Haha.
diceandparadise: Girlfriend mo kuya?
joanna_manzano_1221: May girlfriend ka na? L
Para akong tanga na yinakap ang cellphone ko at pinaikot ang swivel chair na kinauupuan ko. Kailan kaya kami ulit magkikita? Ngayon pa lang ay excited na ako!