Chapter 1.

2434 Words
“I broke up with Madison. I told her the truth.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Ariel. Muntik na akong masamid sa iniinom kong calamsi juice. “What? Nakipag break ka kay Madison?!” Bulalas ko. Lumapad ang ngiti ni Ariel. Tumango sya ng ilang ulit at ginagap ang kamay ko. “Yes, Rai. I told her the truth. That I already love someone else, at ikaw iyon.” Para akong nakuryente na binawi ang mga kamay ko mula sa kanya. Napa-atras ako kasama ng upuan na kinauupuan ko. “What the hell, Ariel? Bakit mo ginawa iyon? Are you crazy?!” Wala na akong pake kung pagtinginan kami ng mga tao sa coffee shop na iyon. Pero nanatili lang syang nakangiti at nakatingin sa akin. “I may be crazy, but I am crazy for you.” Napanganga ako. This is an absolute mess. “Ariel, I don’t have any romantic feelings for you. I never told you to break up with Madison or do anything for that matter.” Bahagyang nawala ang ngiti nya but he managed to put on his wide smile again. “Rai.. Malaya na ako. I broke up with Madison because I know this is the right way to be with you.” Kinilabutan ako sa sinabi ni Ariel. Akmang lalapitan nya ako pero umatras ako. Now we’re creating a scene. “Ariel, please. Don’t do this. Kausapin mo si Madison. She will think na may relasyon tayo at inagaw kita sa kanya.” Madison is a good friend of mine. Dahil sa kanya ay nakilala ko si Ariel na boyfriend nya na noon. Medyo naging close kami ni Ariel because he’s also from Isabela and he also graduated in Ateneo. I felt that sometimes he’s being extra sweet. Hindi ko na lang pinapansin at iniiwasan ko na lang sya. Mabait at harmless naman si Ariel, but I never thought na magiging ganito. “Rai, we don’t need to hide our feelings anymore. I have been honest with Madison.” Parang wala na sa sarili na sabi nya. Nakangiti pa rin sya at nagtatangka syang hawakan ako. Patuloy ako sa pag atras. This is insane! Natatakot na ako. Maraming tao pero nakatingin lang sila sa amin. I just want to clear things with Ariel kaya ako nakipag kita sa kanya. He’s being too clingy these days at sasabihin ko sana sa kanya na medyo uncomfortable na ako minsan sa inaasal nya but instead, ito ang sinabi nya. “Ariel, stop it! Wala akong gusto sayo. Kaibigan lang ang tingin ko sa’yo and nothing more.” Matigas na sabi ko sa kabila ng panginginig ng boses ko. “C’mon, Raisa. I already explained to Madison. Huwag ka sanang ma guilty kung nasaktan natin sya because it’s better that way. We’re free now. Hindi na natin kailangan mag tago.” “What the f**k are you talking about?!” Singhal ko sa kanya. Kumulo ang dugo ko sa sinabi nya. He thinks we’re dating secretly?! Is he nuts? Inabot nya ako at nahawakan nya ang braso ko. Mabilis akong umiwas at tumama ako sa glass walls ng coffee shop sa pag-iwas ko sa kanya. “Don’t touch me! f**k off, Ariel! Wala akong gusto sa’yo. You’re crazy!” Malakas na sigaw ko sa kanya. Nanginginig na ako sa kaba. Wala bang tutulong sa akin? Ariel’s crazy! I just want to get away from here! From him! Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang inis at galit. Umupo si Ariel para hawakan ako, iiwas na sana ako when someone block Ariel from touching me. Tumingala ako at nakita ko na bulto iyon ng isang lalaki na nakatalikod sa akin. “Brad, kapag ayaw ng babae, huwag nating pilitin.” Rinig ko na swabeng pagkakasabi ng lalaki. Lumingon sya sa akin at inalalayan ako tumayp. Hindi na ako nag inarte at kinuha ko ang kamay ng lalaki para makatayo na ako. Pinatayo nya ako sa likod nya na parang pinoprotektahan nya ako against Ariel. “Who the hell are you? Huwag kang makealam dito. I am talking to my girlfriend.” Matigas at pagalit na sabi ni Ariel. Gusto ko syang sugurin at sampalin sa pinagsasasabi nya. “f**k off! Hindi mo ako girlfriend!” Inis sa sigaw ko. “Brad, hindi mo raw girlfriend.” Malumanay ang boses ng lalaki. Tiningala ko sya dahil matangkad sya sa akin. Side features nya pa lang ay naimpressed na ako bigla. I know this isn’t the right time to admire someone but I can’t help it. “Raisa, baby, let’s go. Mag-usap tayo.” Lalo akong kinilabutan sa tinawag nya sa akin. “Pwede ba, Ariel, leave me alone! Isaksak mo sa kukote mo na wala akong gusto sayo. We’re not dating at hindi mo ako girlfriend. Linawin mo kay Madison ang lahat!” Akmang lalapit si Ariel sa akin pero naharang sya ng lalaki. Godammit! Nasa amin na ang atensyon ng lahat ng tao doon. “Sir, ano pong nangyayari dito?” May unipormadong guard na ang lumapit sa amin. “Boss, ito po kasi, eh. Kanina pa hinaharrass si Ma’am.” Magalang na sabi ng lalaki sa guard. Mas umusog pa sya para mas matakpan ako kay Ariel. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari. First time ko makaranas ng ganito sa public place pa! Tiningnan ng guard si Ariel. “Boss, totoo ba? Ano po bang problema?” “Girlfriend ko sya, and this guy, bigla na lang syang sumingit sa amin.” Ariel insisted. Mabilis akong umiling. “No, kuya! Hinaharrass nya ako. Hindi ko sya boyfriend. Please paalisin mo na sya. Sasaktan nya ako!” Oa na kung oa pero mas mabuti nang mapaalis na si Ariel. Gusto ko na rin umalis dahil nakakahiya na. Malapit lang sa office itong coffee shop at baka may makakita pa sa akin. Ipinilit pa rin ni Ariel na boyfriend ko sya at mayroon lang kaming LQ. Pinagtulungan ng dalawang guards na mapalabas si Ariel dahil nagwawala na. I stayed inside on a corner with the guy na mas natingnan ko na ng maayos ang itsura. He’s not just tall, he’s also physically fit. Tama lang, may muscles sa right places but not bulky. He’s on the lean side. Hapit sa bandang dibdib nya at braso ang suot nyang white t-shirt. Naka denim pants sya at rubber shoes. Simple lang ang porma nya pero bumawi sya sa ganda ng katawan at gwapong mukha. His hair’s a bit long. Nakatali iyon sa likod. Matangos ang ilong, katamtamang laki ng mga labi tapos hooded eyes. Makapal ang kanyang kilay at may itim na bilog na hikaw sya sa magkabilang tenga nya. It’s quite appealing. “Ma’am, okay ka lang?” Maya-maya ay tanong nya. Nagsimula nang bumalik sa kanya kanya nilang ginagawa ang mga tao sa coffee shop. Tumango ako. Mukhang concern na concern talaga sya at kinikilig ako na ewan. “Yes, I’m okay. Thank you so much. Hindi ko alam na magiging ganito ang meeting namin. I owe you one.” Magiliw na sabi ko sa kanya. May kaba pa rin ako. “Walang anuman, Ma’am. Nakita ko kasi na natumba ka na, baka kako saktan ka nung lalaki. Akala ko rin kasi boyfriend mo sya.” He gave me a small shy smile. Pinigil ko ang ngumiti. s**t. Ang cute cute nya. “Nope. He was just a friend.” Sumilip ako sa labas dahil baka nandoon pa rin si Ariel at hinihintay ako. “Umalis na ‘yata Ma’am.” Sabi nya na tumingin rin sa labas. “Can you just call me Raisa? Ang awkward ng Ma’am. Parang ang tanda ko na. I’m just twenty four.” Natawa ako. Talagang sinabi ko ang edad ko? Malandi! Mas lumawak na ang ngiti na ibinigay nya. “Sige Ma- Este Raisa.” “Ikaw, what’s your name?” “Raius.” Inilahad ako ang kamay ko. I am really grateful na tinulungan nya ako kanina. “Nice meeting you.” Sabi ko tanggapin nya iyon. “Ikaw rin, Raisa.” I looked at my wrist watch. Pasado alas onse na pala. Tamang tama. I feel like knowing Raius more at para mapasalamatan ko na rin sya. “May gagawin ka ba? Treat sana kita ng lunch. Hindi pa rin ako kumakain.” Nahihiyang sabi ko. First time ko mag-aya ng lunch sa opposite s*x na stranger! s**t. Paano kung may gagawin sya or kung busy sya? Walang indication sa suot nya kung bakit sya nasa area. Napakurap sya at parang nag-isip. Unti unti akong nawalan ng pag-asa. Maybe it’s just supposed to be this way. “Wala naman akong gagawin.” Nahihiyang sagot nya. I giggled. “Good. Halika, I’ll take you to my favorite resto.” Aya ko sa kanya. “Sure ka ba?” Parang nag-aalinlangan na tanong nya pa. Natawa ako. “Yup. Let’s go.” Nauna akong naglakad pero inunahan nya akong lumabas. Tumitingin tingin sya sa paligid na parang tinitingnan kung nandoon pa si Ariel. Itinuro ko sa kanya ang sasakyan ko na nasa parking lot at sabay kaming sumakay sa sasakyan ko. “Seatbelt please.” Nakangiti na sabi ko bago ko paandarin ang sasakyan ko. Sumunod naman sya. He’s looking around na parang hindi sya sanay or naninibago sya. My car’s an old model of Porsche. Imbes na bumili ako ng bago ay hiningi ko na lang kay Daddy itong lumang sasakyan nya. It still looks good. Alaga rin kasi ever since, tapos nang mapasa na sa akin ay syempre alaga ko rin. “So, uhm, do you work nearby?” The silence is killing me. Kating kati rin ako na tanungin sya ng kung anu-ano. I dismissed the idea that he can be a bad person kasi nagkakilala kami sa isang circumstances na masasabi ko na ‘good samaritan’ sya in a way. “Parang,” I chuckled. “Paanong parang?” Palingon lingon ako sa kanya habang nagda drive. Medyo traffic rin kasi may pedestrian ahead. “Nag deliver ako ng sample ng bagong cupcake na gawa ng Tita ko. Sya kasi supplier ng mga cupcake sa coffee shop na ‘yon. Homemade. Ako taga deliver kapag wala naman akong ginagawa.” I nod. “Ah, okay. So, what do you do? I mean, trabaho mo?” “May banda ako.” “Wow. Really? Ano ka sa banda nyo?” Kita ko na bahagya syang napangiti nang tanungin ko sya. “Ako vocalist,” “Naks. Pwede bang sample?” Biro ko sa kanya. Tumawa sya. It was a hearty laugh at napahigpit ang hawak ko sa steering wheel kasi may kung ano sa tawa nya na naapektuhan ako. “Ano nga? Sample.” I grinned at him. “Hindi ako ready, Raisa. Sa susunod invite kita para live mong marinig habang nasa stage ako.” Natatawa na sabi nya. “Uy, may next time?” Biro ko. Ngayon pa lang ay bigla kong naimagine na nasa stage sya at kumakanta. Wow. What a view. I am sure na tinitilian sya hindi lang sa boses nya kung hindi sa itsura nya. Raius is stunning. Pinaghalong manly at soft ang features ng mukha nya. He has prominent jaws na mas nagpa intense ng dating nya. Moreno sya pero ang kinis. He’s the tall, dark and handsome personified. Parang nagulat sya sa sinabi ko at medyo nawala ang ngiti. “Ah, ang ibig kong sabihin, kung sakali lang naman.” Para syang na confused bigla. “Biro lang. Oo naman, why not? Invite mo ako at kapag pwede ako, bakit hindi?” “Talaga?” “Oo. Minsan pumupunta rin kami ng mga friends ko sa mga bar na may live bands, eh. Trip namin minsan mag chill sa mga ganoong lugar.” I told him. “Sige.” “Good. Ipapakilala rin kita sa friends ko.” Naiimagine ko na rin ang magiging reaction ni Adelaine kapag na kwento ko ang nangyari with Ariel at kung paano ko nakilala si Raius. Wow. At talagang nag plano na ako na ipakilala si Raius, ha? “Speaking of kaibigan, ‘yung kanina... pwede malaman kung anong nangyari?” I bit my lower lip to suppress my ‘kilig’ kasi pakiramdam ko interisado rin sya kahit na tungkol sa nangyari lang naman kanina ang tinanong nya. “Ah, si Ariel? I met him through Madison. Friend ko si Madison tapos boyfriend nya si Ariel. At first, he’s a bit awkward. Then nalaman ko na taga Isabela rin pala sya, so we bond a little. Ganoon. He’s a bit sweet to everyone so kapag sa akin, hinahayaan ko na lang. But lately sobrang clingy nya. Nang tawagan nya ako para makipag kita kanina, nakipag kita ako para sana kausapin sya na hindi na ako comfortable sa ginagawa nya. But instead, sinabi nya na nakipag break na sya kay Madison to be with me. Imagine?” Naiiling na sabi ko. “Pinipilit nya kanina na girlfriend ka nya...” “Yeah. Hindi ko alam na may ganoong tendency sya. He thinks na may gusto ako sa kanya and that we can be together now na nakipag break sya kay Madison. I have to talk to Madison later. We’ve been friends since college at ayokong magkasira kami because of Ariel.” “Maybe nakakita sya ng motibo sayo?” Liningon ko sya na nakakunot ang noo. “What do you mean?” “Ang ibig kong sabihin... may mga lalaki kasi na may ginawa lang na maganda sa kanila ang isang babae, akala nila ay sign na iyon na may gusto sa kanila ang babae. Hindi kita sinisisi, ha? May ganoon lang talaga.” “Ah. Well, he asked to meet twice, pumayag ako kasi it’s about Madison. Una, he wanted to surprise her so sinamahan ko sya mamili ng gift for their anniversary. Pangalawa naman, ganoon rin. For Madi’s birthday naman.” “Siguro akala nya kaya ka sumasama sa kanya kasi gusto mo sya.” Tumawa ako. “That’s insane.” “Baka lang naman.” Kibit balikat na sabi nya na focus na lang sa harap. “Hay nako. Let’s not talk about him na lang. Nakaka stress. Iniisip ko na baka nasaktan nya ako kung hindi mo ako tinulungan.” “Noong tumayo ka pa lang ay napansin ko na, na parang nag-aaway kayo. Akala ko nga kasi lover’s quarrel. Nang mapansin ko na napaupo ka na, tsaka ako nag decide na baka lumala pa.” Paliwanag nya. “Thank you, Raius.” Nakangiting sabi ko na lang.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD