Chapter 6.

2952 Words
Zyrus and Habagat were both personalities in i********:, too. Zyrus is like the resident heartthrob of Isabela. He got the looks, brains and bank account. He’s the usual Prince Charming type. He’s also not a playboy, which is another plus that makes the girls melt. Habagat on the other hand, is a model. And then he likes to share his adventures and trips in his i********:. He started just a few years pa lang but his account easily got a lot of love from his adoring fans. So yeah, I got myself free advertisement. I took a shot of them wearing RaiRen clothing to be posted on RaiRen’s official account, and then I also took photos of them that they would upload on their respective accounts. “I feel so used.” Kunwari ay inis na sabi ni Habagat. “This is an ex deal. I’ll post abot your resort on my account, too.” Natatawa na sagot ko. Naglalakad na kami pabalik sa loob ng hotel coming from the beach pagkatapos ko sila kuhaan. “Whatever,” He rolled his eyeballs. Tumawa si Zyrus. “This will be the scene every time we’ll meet in the future. We’ll be all about our businesses.” “Hay nako, nandito ako para mag unwind. Tapos na ang business ko sa inyo.” I chuckled. Napatigil kami sa paglalakad when ate Via, Habagat’s brother’s wife, called us to pose as he was holding her cellphone to take a photo of us. Mabilis kaming nag pose. Pare-pareho kaming nakasuot ng RaiRen shirts and the wind is in our favor dahil siguradong may dramatic effect and pag hangin ng mga buhok naming tatlo sa picture. Ate Via took a few shots, patakbo akong lumapit sa kanya para tingnan ang kuha nya. Humingi na rin ako ng copy habang nauna na sa bar sila Habagat at Zyrus. Gabi na dumating ang iba. Family and friends ang invited for tonight. Even Zy’s parents came. Zy’s older brother, Kuya Ethan also came with his wife, Ate Toni. Sa side naman ni Habagat, Kuya Argos and his wife Ate Via and their two kids came earlier. Habagat’s sister, Ate Amihan also came with her husband, Ashton Roswell and their twins. Their father and youngest brother, Miko, came too. Each family had the suites. I have my own room, pati rin sila Tito Ram, Tita Bee and the two kids. I occasionally post i********: stories, pero piling pili lang ang pictures and videos na pinopost ko. Pinost ko ‘yung picture na kuha ni Ate Via sa aming tatlo at nagwawala na ang ibang followers ko kasi gwapong gwapo sa mga kasama ko. It’s been a while since I posted any photo with them. Alam naman ng mga long time followers ko na sila Habagat at Zyrus ay mga close friends ko. We partied all night and as usual ay ako, si Habagat at si Zyrus ang natirang matibay. “You know what? I missed this. Tayo talaga matitibay.” Natatawa na sabi ko. Hindi ko na alam kung gaano na karami ang nainom ko. I feel tipsy pero malapit lang naman ang room ko. “Let’s see kung kayanin mo pa bukas,” Sabi ni Habagat. “Of course! Ang problema, kaya nyo ba? Sino maghahatid sa akin sa airport?” Taas kilay na tanong ko sa kanila. Itinaas ni Zyrus ang kamay nya. Nakakainis. Bakit parang wala pa silang tama? “I need to go to Cauayan the next day so I can drive you.” “Good!” We continued drinking and catching up until two in the morning. Hapon na ako nagising. Nagpadala ako ng super late brunch sa room ko. Kita ko na busy na sila sa labas. Naliligo na sa beach ang mga bata habang may tent na nilabas sa beach at nandoon ang mga pagkain. I checked my phone while waiting for the food. I was expecting na may message man lang si Raius pero wala. I looked for his username in the people who viewed my instagra stories and I saw him there. Nag like rin sya sa latest picture ko. Pero walang DM. Should I message him first? Ah! Nakakainis na. Bakit miss na miss ko na sya agad? Umiling iling ako. Pinigilan ko ang sarili ko na maunang mag-message. Kahit man lang sa ganito ay maibalik ko ang pride ko. Although hindi naman ako nagsisisi sa pagiging aggressive ko, I still don’t want him to think I am easy or I am obsessed. After eating, I joined the fun. Nang hindi na masyadong mainit ay naligo na rin ako sa dagat while Habagat and Zyrus became busy in entertaining their guests. Local media, bloggers, influencers and a few celebs na kakilala nila at ilang kakilala ko rin ang pumunta. It was a tiring day kahit na tanghali na ako nagising. Kaunti lang ang ininom ko dahil maaga akong bumalik sa room ko at humilata. Pasado alas nueve pa lang ay naka kain na ako at nasa kwarto ko na. Nakipaglaro ako saglit sa mga pinsan ko at sa mga bata bago ako mabilis na tumakas.     Raius: I miss you.     Pakiramdam ko ay biglang nalaglag ang puso ko nang sumulpot ang message na iyon ni Raius. Napabalikwas ako ng bangon at tumitig sa cellphone screen ko. Ah! Minsan lang sya magmessage kaya sobra ako kung mag-anticipate.     Me: Bakit ngayon ka lang nagtext?     Ayan. Para hindi naman masyadong halata na marupok ako.     Raius: Hinihintay mo ba text ko? Hindi ba at nasa party ka kagabi?     Me: Nasa Isabela ako, opening ng business ng mga kaibigan ko. I am with family, too.     Raius: Hindi mo ako na miss? J     Para akong tanga na nagpaikot ikot sa kama, nag-iisip kung ano ang irereply. Syempre, miss ko sya! Pero nakakainis na ngayon lang sya nagtext.     Me: I miss you, too.     Yep. Bumigay rin ako. Hashtag marupok.     Raius: Nood tayo sine sa Saturday. Free ka?     Uy. Level up. Bago ako sumagot ay nagbrowse ako ng thriller or horror movie na pinapalabas ngayon. I wanted to be intimate with Raius. Malandi na kung malandi but I love being with him. Iniisip ko pa lang na magkikiss kami ulit ay kinikilig na ako.     Me: Sure! What time? J     Raius: Lunch tayo tapos nood movie sa SM Megamall. Around eleven kita sunduin.     Me: See you!     Okay, maikli na naman ang usapan namin like usual but still, magkikita kami this Saturday! I know everything is just so sudden but I don’t want this feeling to be gone. Ninanamnam ko ang pakiramdam na para akong teenager na pinansin ng crush nya sa wakas.           Nag lunch kami sa isang Italian Restaurant that Saturday. It’s a bit fancy, and I actually liked it. Bumili na sya ng ticket ng papanuorin namin and ‘yung binili nya ay pang alas dos pa para may oras pa kami kumain at mag libot. By this time ay nag-e-expect na ako na baka naman mainvite nya na ako sa upcoming gig nya? Kahit hindi agaran basta alam ko or may date na. Eager akong marinig sya kumanta. Nakakainggit ‘yung ibang fangirls nya na narinig na sya kumanta at nakita pa sya ng live! I could search about him on youtube, pero hindi ko ginawa kasi gusto ko maririnig ko sya ng live the first time. “Nagustuhan mo ba ang pagkain dito?” Tumango ako. “O-oo. Thank you for taking me here,” Nakangiti na sabi ko. Nang matapos na kami kumain, we decided to walk around the mall. Syempre pa ay parang tuko na ako na naka kapit sa kanya. He doesn’t seem to mind. Parang gusto nya nga rin kasi mas pinapalapit nya pa ako sa kanya. Sarap lang sa pakiramdam. Feeling ko kami na talaga. Nag ice cream sundae kami sa Mcdo as a dessert tapos we continued going around. Tumingin tingin kami sa mga stores. I wanted to buy him something as a gift pero naisip ko na sa susunod na lang, ako na lang mag-isa ang bibili. Pero naging attentive ako sa kung ano ang bagay na tinitingnan nya. He has an old aquamarine wrist watch and I saw him looking at a few pieces too a while ago. Naisip ko na magandang regalo sa kanya ang wrist watch. Bumili kami ng popcorn at inumin bago pumasok sa sinehan. “Mahilig ka sa horror?” Maya-maya ay tanong nya sa akin habang naghahanap kami ng mauupuan. “N-Not really. I just want to try right now kasi may kasama ako.” Amin ko. “Mag-isa ka lang ba nanuuod ng sine?” Gulat na tanong nya. “Madalas. Minsan lang ako manuod with friends.” Inalalayan nya ako para makaupo ako ng maayos. I reminded myself not to be too overacting. Gusto ko maka tsansing ng yakap kay Raius pero hindi naman ako dapat obvious. Nakakagulat ang mga eksena pero tumititli lang ako at kumakapit sa kanya. Tawa lang sya ng tawa sa reaction ko. The two hours inside the cinema is pure torture. Sure, Raius is nice enough to hug me, he even kissed me a few times on my forehead pero that would be the last horror movie for me. “That’s the last horror movie for me.” Nakasimangot na sabi ko nang makalabas na kami sa cinema. Naka akbay sa akin si Raius habang nakapamulsa ang isa nyang kamay. Tumawa sya dahil sa sinabi ko. “Action naman next time?” Tiningala ko sya. “Aba at may next time na talaga, ha?” Nginisian ko sya. Lumapad ang ngiti nya. “Kung hindi ka lang naman busy..” “I’ll never be busy for you,” Nagtitigan kami saglit bago sya nagsabi ng “Thank you, Raisa.” Tapos pinisil nya ang kaliwang pisngi ko. “Awwww!” Natatawa na hinimas ko ang pisngi ko. “Ihahatid na ba kita?” Mabilis akong umiling at yinakap sya. Holy hell. Wala na akong pake sa mga nakakakita. “Ayoko pa umuwi. Sabi mo you miss me tapos uuwi na tayo agad?” Parang bata na maktol ko. Naramdaman ko na humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. “Pwede naman akong mag stay ulit sa condo mo..” Napangiti ako. “Sige,” So iyon ang ginawa namin. Mas okay nga na nasa condo ko na lang kami, mas makakapag-usap kaming dalawa. I’m so clingy the whole time. I never knew I have this side of me. O baka kay Raius lang. Ang sarap singhot-singhutin ng amoy nya. I was all over him when we were already in the elevator going up to my place. Yinayakap nya rin ako. Nang makapasok na kami sa condo ko ay ako na ang nag initiate na halikan sya. I tiptoed para maabot ko sya at sinalubong nya naman ang mga labi ko. Ramdam ko ang pananabik sa way ng paghalik nya. Hinapit nya ako gamit ang isang braso nya para mas magkalapit kami. I put my arms into his nape and also pull him closer. Ah, heaven sa pakiramdam. The way he kisses me makes me hungry for more. Nang maghiwalay na kami ay sandali kaming nagtitigan tapos pareho kaming tumawa. He kissed me on my forehead once more before we finally let go of each other. Nanuod kami ng Netflix. Humiga sya sa sofa habang nakaunan sa mga hita ko. I was playing with his hair habang nagkekwentuhan kami. “Dapat pala nag take out na tayo ng dinner natin. Wala na ‘yata akong groceries..” Sabi ko nang mapansin ko na papadilim na. I want him to stay until dinner again. “Magpa deliver na lang tayo. Masyadong maraming tumitingin sayo kanina sa mall.” Sabi nya tapos sumimangot sya. I chuckled. “Kaya ba nag-aaya ka na?” Tumango sya. “Sorry. Nakakainis kasi,” Ako naman ang pumisil sa mga pisngi nya. “Hanggang tingin lang naman sila,” Sinamaan nya ako ng tingin. “Kahit na.” Tumawa ako ulit. “Hay nako. Will you stay until dinner? Hmm?” He got up tapos inayos nya ang pagkakaupo nya sa tabi ko. “Okay lang ba?” I rolled my eyeballs. “Of course!” He the grinned at me. “Sige. Ako na oorder. Anong gusto mo kainin?”               The next two Saturdays ay lumabas kami ulit. Ganoon ang routine, kakain sa labas, lilibot, manunuod ng sine tapos sa condo na. Habang tumatagal ay tumitindi ang attachment ko kay Raius. Hindi ko alam kung ano na ba talaga kami pero ayoko mag tanong. Baka nag a-assume lang pala ako. Mas okay nang ganito. Para rin naman na kami kahit walang verbal agreemement. We show it physically. The more na nagkakasama kami, the more na nakikilala ko sya. He’s the type na kahit ang gentle nya magsalita at kumilos eh lalaking lalaki pa rin syang tingnan. That Monday ay nakatanggap ako ng bulaklak. The small boquet is like a garden of small flowers.     Para sa Anghel sa Lupa.   R     Of course, nagpakuha ako ng vase kay Jea at inilagay ang mga bulaklak sa vase para naka display sa table ko. It will last a few days and gusto ko sulitin ang time na iyon. I decided to take a photo of my desk. Syempre pa ay kitang kita ang mga bulaklak. I posted it in my i********: story with the caption: Nakakainspire magtrabaho. J Pumunta ako sa i********: ni Raius. After ng picture ko ay tatlong pictures ko pa ang inupload nya. I mean mga bahagi ng katawan ko. The first picture is just my hand on his leg. May caption na: Hooked. Syempre pa ay nagwala na naman ang puso ko. The next photo is my nape and left shoulder. Medyo magulo ang buhok ko but it looks classy, lalo na at black and white ang filter na gamit nya. The caption is: Exquisite.The latest photo naman ay pictures ng mga paa naming dalawa. Naka rubber shoes sya tapos naka sandals naman ako. Ang caption naman: To more places with you. I like the way he’s making everyone know na may babaeng espesyal sa kanya without really revealing who I am. I am not posting anything about him kasi natatakot ako na maraming makakilala sa kanya. I can’t share him to the world right now. Not yet. Selfish na kung selfish but I want an assurance muna. I sent him a DM with my picture holding the bouquet before I put the flowers in the vase.   raisareginacojuanco: Thank you. I love it! J     I continued working dahil hindi ko naman ini-expect na magrereply sya agad. After lunch na nang magreply sya.     teraius_conte: You are very much welcome. J     Friday night ay nag-aya ang mga kaibigan ko mag club. It’s been a few weeks since the last time na nakipagkita ako sa kanila at nag night out. Adelaine and my other friends decided na sa The Fort kami pumunta. Umuwi ako sandali para iwan ang sasakyan ko at magbihis. Doon na rin kami nag dinner. “Are you seeing someone? Jamilla told me na parang nakita ka nya sa Sm Mega with someone a few weeks ago.” Marahan akong siniko ni Vicky nang itanong iyon. “I am. Baka ako nga iyon.” Proud na sabi ko. Agad na nag react ang iba. Bukod kay Adelaine at Vicky ay kasama rin namin si Esme at Xai. They’re my close friends. Lahat sila nakilala ko in Ateneo. We’re not particularly classmates but nakilala ko lang rin sila around campus when we were all still there. “So you’re finally jumping in into the dating scene!” Enthusiastic na sabi ni Xai. She’s the resident party girl.. next to Esme. Sila ang pinaka mahilig mag clubbing sa aming lima. “Inspired na inspired nga ‘yan these past few weeks.” Gatong ni Adelaine. “Who’s the guy? Where did you met?” Tanong naman ni Esme. I told them the story about Ariel. They all knew Madison although si Adelaine at Esme lang ang talagang medyo close lang rin kay Madison. “He’s crazy. Buti na rin nandoon ang knight in shining armor mo. May nangyaring maganda kahit papano.” Sabi ni Xai. “So what did Madison said? Nag-usap na kayo?” Tanong naman ni Esme. Umiling iling ako. “I reached out to her twice. I mean, what the hell, right? Maniniwala ba sya sa Ariel na ‘yon? Imagine, susulutin ko ‘yung boyfriend nya?” This time, with a few shots of tequila ay nagawa kong ilabas ang inis ko kay Madison for not talking to me. This is frustrating! “But she’s not talking to me. She even blocked my number and social media accounts on hers.” Reklamo ko pa. “You know Madi, she’s a nice girl but she’s a little gullible rin. She’s the girlfriend. She should know kung may ginagawang kalokohan boyfriend nya.. tapos with you pa? I mean.. with that Ariel guy?” Esme rolled her eyeballs before taking a sip at her jackcoke. Tumawa kaming lahat. “Anyway, when are you going to introduce to us the guy you’re dating?” Biglang pagbabalik ni Vicky sa topic. I grinned. “I am not yet sure. I’ll ask him. You’ll like him for sure. Sobrang nice nya and gentle.” I can almost see my eyes sparkling from talking about Raius. I was having a good time. Too much good time that night. Panatag naman ako because I am with my friends and Adelaine’s also with me. But the next morning, hindi ko alam kung paano pa ako haharap kay Raius nang makita ko ang mga messages at picture na sinend ko sa kanya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD