I tried reaching out to Madison for the second time, pero naka block na ako sa mga social media accounts nya. When I tried to call her, pati number ko ay blocked na rin. Inis na inis ako kay Ariel. I didn’t really know na ganoon ang iniisip nya.
On the contrary, nakilala ko si Raius dahil sa nangyari. Kailangan ko na lang ayusin ang sa amin ni Madison. One of these days ay dadaan ako ulit sa kanila. Kailangan ko lang sya makausap at magexplain.
Kapag wala ako magawa ay nakatingin lang ako sa picture ko na pinost ni Raius. Hindi ko iyon linalike. Nakatingin lang ako at minomonitor ko ang mga comments. May dalawa pang nadagdag na nagtatanong kung girlfriend daw ba iyon ni Raius at kung may girlfriend na raw ba sya.
I giggle every time I remember. Hindi naman ako girlfriend pero pakiramdam ko ay papunta na doon dahil sa tanong nila. Ako pa lang ang solong babae na kinuhaan nya at nakapost sa i********: nya and I feel so freaking proud. Kahit na ako lang at sya ang may alam kung sino iyon.
Ni like ko iyon after three days.
The week went in quick. Araw-araw kami magkausap sa dm sa i********: pero hindi matagal. Simpleng kamustahan lang. Gusto ko mainis kasi gusto ko sya kausapin ng matagal pero wala, busy ‘yata sya. Naalala ko bigla na nagdedeliver pala sya ng cupcakes na gawa ng tita nya. Hindi ko alam schedules nya kaya I have to understand. Madalas ay after lunch or dinner time sya nagtetext, usually magtatanong kung kumain na ako.
I honestly hate this kind of convo. I want a more meaningful ones kagaya ng kapag nagkikita kami. Well, twice pa lang naman ang official ‘paglabas’ namin but it’s special kasi kahit sandali lang, marami kami napag-uusapan.
Friday ay umasa ako na kahit papaano ay maioopen nya kung kailan nya ako maiimbitahan sa gig nya. Pero wala. I know I am being impatient. Patience isn’t my virtue. I’ve never been this crazy on someone.
Kahit kay Noah, I don’t remember missing him this much.
Raius:
Hi! Nasa bahay ka?
Nangunot ang noo ko. It’s Saturday afternoon. Nakabihis na ako at paalis na sana nang mabasa ko ang message ni Raius.
Me:
Yes. Why?
Raius:
May iaabot sana ako. Pwede ka bang bumaba sa lobby?
Kumabog ang dibdib ko. Heto na naman ang excitement na hindi ko mapigilan. Bukod sa kinakabahan ako sa kung ano ang iaabot nya ay makikita ko na naman sya! Twice this week and twice last week from the first time we met!
Alam kong naka ayos na ako, pero sinigurado ko ulit kung ayos ba talaga ang itsura ko bago ako magreply.
Me:
Okay lang ba kung umakyat ka na lang? I’m on the 16th floor. 16H. J
Sana okay lang. I will invite him in at sana wala na syang ibang gagawin. Mabuti at kakapalinis ko pa lang kaninang umaga. May on call cleaners kaming pwedeng i-hire every time kailangan malinis ang units namin ng mga nakatira dito sa building.
Raius:
Okay lang ba? Ayoko maka intrude.
Me:
Okay lang. Hintayin kita. Malapit ka na ba?
Raius:
More or less in ten minutes. Sana hindi ka busy.
Me:
Baka ikaw nga ang busy. Nandito lang naman ako sa bahay.
At that moment ay nagpapalit na ako into ‘pambahay clothes’ para mapatunayan ko na nandito lang ako sa bahay. Tinanggal ko rin ang make-up ko at nag pulbo at liptint lang. I checked the stock on my fridge tapos naghintay ako habang nanunuod ng Netflix sa tv ko sa living room.
Sobra ang kaba ko nang may kumatok na sa pinto.
Dahan dahan ko iyon na binuksan at nalaglag na naman ang puso ko sa kagwapuhan ni Raius. The usual shy guy smile welcomed me.
“Hi. Sorry sa istorbo.” Nahihiyang sabi nya.
Naka gray na pullover sya at naka itim na baseball cap. He smells of his usual cologne mixed with sun and his natural smell. Something inside me boiled.
“It’s okay. Pasok ka.” Linuwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.
“O-Okay lang ba? May ibibigay lang sana ako sa’yo. Nakakahiya kasi biglaan. Baka may ginagawa ka-” Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at hinila ko na sya papasok.
Nang makapasok na sya ay isinara ko na ang pinto. Tsaka ko lang napansin na may dala syang paperbag.
“Raisa..” Confused na tanong nya.
“Huwag ka na nga mahiya!” Natatawa na sabi ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang paper bag.
Itinaas nya iyon nang mapansin nya na tumingin ako. He cleared his throat. “P-Pinapabigay ng tita ko. S-Special assorted cupcake na gawa nya.”
Hala! Kilala ako ng tita nya? “K-Kilala ako ng tita mo?” Kunot ang noo na tanong ko habang kinukuha sa kamay nya ang paper bag. Naeexcite na akong tingnan ang mga cupcakes!
“A-akala nya kasi may girlfriend na ako.. Umaalis alis na raw kasi ako. Sabi ko may nakilala akong ka-kaibigan.” Pahina nang pahina ang boses nya.
Kahit mukha syang hiyang hiya ay kinikilig pa rin ako.
“Hindi ka ba umaalis sa inyo? Girlfriend agad?” Natatawa na sabi ko. I went to the dining table and took out what’s inside the paper bag. Agad akong naglaway nang makita ko pa lang sa plastic container ang anim na piraso ng iba’t ibang cucpakes.
“Sa bahay lang talaga ako madalas.” Lumapit rin sya sa akin. “Masarap ‘yan.” Proud na sabi nya.
“Wow..” nakanganga akong tumingin sa kanya. “Grabe! Tingin ko pa lang sobrang sarap na! Pakisabi sa tita mo, thank you ha!” May red velvet cupcake, may cheesecake, may parang peanut butter at tatlo pa na iba ibang flavor!
Tumawa sya. “Sasabihin ko.”
“Teka, hahandaan kita ng merienda. Kumain ka na ba ng lunch?” Tanong ko sa kanya. Sinara ko ulit ang plastic container. “Hindi na kita bibigyan nito, ha? Gusto ko akin lahat.” I grinned at him.
Lumakas ang tawa nya. “Kumain na ako ng lunch. Oo naman, para sayo talaga ‘yan.”
“Good! Upo ka.” Nguso ko sa sofa. “I’ll prepare some snacks.”
Luminga linga sya sa paligid. “Mag-isa ka lang dito?” Imbes ay tanong nya.
“Oo.”
“Gaano ka na katagal dito?”
“Pagka graduate ko lumipat na ako dito. Although when I was in college, my parents bought a different unit near Ateneo where I was studying. Doon ako before. Kaya nasanay ako sa condo type living. Heto, sa condo ako nakatira!” Nakangiti na kwento ko.
Tumango lang sya.
“Sige na, upo ka na muna doon.”
“Sure ka ba na okay lang talaga na dito muna ako?” Tanong nya ulit.
Kunwari ay sinamaan ko sya ng tingin. “May pagka makulit ka rin pala?”
Ngumiti sya at sa wakas ay pumunta na sa living room at umupo.
“Ilipat mo na lang kung saan mo gusto manuod. I have Netflix, by the way.” Sabi ko habang busy na ako kumuha ng pwede makain sa fridge. Itinabi ko na ang cupcakes. Siguradong lalantakan ko na iyon mamaya.
Sira ang diet! But dang it. Nakakapanglaway tingnan pa lang ang mga cupcakes!
I prepared grilled cheese sandwiches, slices of apples and grapes. Tapos naglabas rin ako ng isang bote ng coke. For someone who wants to maintain her diet, I have a lot of food in my fridge na pangpataba. Binabawi ko na lang sa exercise ang being active.
Nang ilapag ko na ang tray ay halatang nagulat si Raius. “Hindi ka na sana naghanda ng marami.”
“Of course not. Minsan ka lang maligaw rito, baka hindi ka na makabalik.”
Kumurap sya. “G-Gusto mo ba na bumalik ako?” There’s a glint of hope in his eyes.
“Oo naman.” Walang kaabog-abog na sagot ko.
Malapad syang ngumiti. “Talaga?”
Hinawakan ko ang braso nya. “I even kissed you and let you kiss me.” Hindi ko alam kung bakit kailangan ko I brought iyon but it seems like a good time.
Bumuntong hininga si Raius. “B-Bakit mo nga pala ‘yon ginawa?”Gosh. I don’t know if I should love or hate his innocence! Hindi ko nga alam kung palabas lang ba ito o hindi!
“Bakit mo rin ako hinalikan?” I teased.
“A-ayokong isipin mo na hindi ko nagustuhan ang paghalik mo. At gusto ko rin..” Pahina ng pahina ang boses nya.
“Gusto ko rin gawin kaya ginawa ko. May magagalit ba?” Of course I still wanted to hear him say na wala syang girlfriend. Na single sya.
Mabilis syang umiling. “Wala! Wala, no!”
Natawa ako sa pagka defensive nya.
“Eh ikaw? M-May boyfriend..” Lumunok sya tapos hindi nya na natapos ang sasabihin nya.
“Wala akong boyfriend, if that’s what you want to know.” Nakangiti na sabi ko.
Tipid syang ngumiti. Tapos awkward na kumuha sya ng grilled chees sandwich at agad na kumagat.
Naglagay na rin ako ng coke sa mga baso naming dalawa. Kumuha rin ako ng grilled cheese at kumain. Pareho kaming nakasandal sa sofa at nakatingin sa TV. Hindi ko alam kung naiintindihan nya baa ng pinapanuod naming dalawa dahil ako, hindi. Magulo ang utak ko. Tahimik lang kaming pareho.
Uminom sya ng coke tapos kumuha sya ulit ng grilled cheese sandwich.
Tiningnan ko sya. His side profile is really really good. The way his jaw moves as he chews the food… Grabe, sobrang detailed ng description ko sa kanya sa utak ko.
Bigla syang lumingon sa akin at nagulat nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nginitian ko sya tapos medyo mukhang nakapag relax na sya.
I don’t know what I was thinking pero ginagap ko ang kamay nya. I felt him flinched, pero hindi nya inalis ang kamay ko. Tumingin sya sa akin ulit but this time ay malamlam na ang mga mata nya.
Parang may magnet na humila sa akin na lumapit pa sa kanya. Nakita ko na lumapit rin ang mukha nya sa akin. It was as if the time stopped when our lips finally touched once again. The electricity flowed through my body and awakened all my veins.
Nang maramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko ay automatic na binuksan ko ang mga labi ko. It seems like he was just waiting for the moment. He started to kiss me with hunger. Ipinasok nya ang dila nya sa loob ng bibig ko at kahit hindi ako marunong ay nagawa kong gayahin ang nais nyang mangyari.
I put my arms into his neck and pulled him closer. Malakas ang tunog ng TV pero para akong bingi na ang tanging naririnig lang ay ang pagtunog ng mga labi naming dalawa. He was kissing me deep; ramdam ko ang gigil pero at the same time ay may pag-iingat. He sucked my lower lip.
Kapwa kami humihingal nang maghiwalay ang mga labi namin, pero magkadikit ang mga noo naming dalawa. Our hot breathes warms our faces.
Bigla ko syang yinakap. I put my head on his chest. I felt like it’s the next thing to do. Ayoko nang humiwalay kay Raius. Nakaramdam ako ng saya ng iikot nya rin ang mga braso nya sa akin at yinakap ako.
“Pwede ba kitang ligawan?” Tanong ko sa kanya. Ah, it feels heaven to be enveloped in his arms. I don’t even know kung pabiro pagkakatanong ko.
He laughed. “Sinasagot ka kita, huwag ka nang manligaw.” He gently caressed my hair.
Tiningala ko sya. “Seryoso nga ako,”
“Seryoso rin naman ako.” Yumuko sya at sinalubong ang tingin ko.
“Kiss me again, then.” I said grinning.
Tinanggal nya ang pagkaka yakap nya sa akin at hinawakan ang mukha ko bago nya ako muling hinalikan.
Hindi ko alam ang totoong status naming dalawa ni Raius nang umuwi sya that night. I asked him to stay until dinner time. Ipinagluto nya ako ng chicken adobo dahil iyon ang nakita nyang pwede maluto sa stock ko sa fridge. Maaga kami kumain. Once again ay parang nagmamadali na naman syang umalis nang bandang alas siete na.
Hindi ko tuloy sya natanong kung seryosohan ba ‘yung pinag-usapan namin.
We kissed a lot during his stay, hanggang sa bago sya lumabas ng pinto ng condo ko. It’s my first time to kiss that way. Hindi si Raius ang first kiss ko but it felt like he was. Ang sarap sa pakiramdam.
But whenever I think about our situation, ewan. Nalulungkot ako. Ang bilis rin kasi namin eh. Lalo na ako. I feel so forward. In two weeks, we already kissed like there’s no tomorrow!
I feel my cheeks heat up whenever I think about it.
Sunday, I upload an image that I am blowing a kiss to the camera. I was at a beach party in that picture, isa iyon sa mga pictures na naka-save for future usage. I posted it with the caption: Catch!
After an hour, nakita ko na may message sa akin si Raius via DM.
He sent me a picture of him na naka flying kiss rin. Tapos may message rin na Catch!
I sent him a heart reaction.
Kating kati ako na itanong sa kanya kung ‘kami’ na ba pero s**t. Sobrang liberated ko na ba para gawin ‘yon? Para gawin ‘to? Why am I being so forward? Hindi ba ako nahihiya kay Raius na parang chill chill lang? Two weeks pa lang kaming magkakilala!
Siguradong hahabulin ako ng palo ni Maria Clara kung buhay pa sya!
I stopped myself from doing so.
I decided na joke lang ‘yung usapan naming dalawa, pareho kaming wala sa sarili naming dalawa dahil kakatapos lang naming maghalikan. Tama. Magulo utak naming dalawa!
Mas okay na mag getting to know each other muna kami.
Okay, cool. I calmed down. I need to pull myself up. Hindi porket first time na may nagparamdam sa akin ng ganito katindi ay susunggaban ko na.
Naubos ko ang tatlong cupcake that Sunday. Dinala ko sa office the next morning ang iba at naubos ko rin. Sobrang sarap! I mentally note myself to promote it soon. I’ll talk to Raius about it.
Wednesday that week, I flew to Isabela. Opening ng resort na pinagsosyohan nila Habagat at Zyrus, two of my closest friends na mga taga Isabela rin. I miss them, too. Bihira na lang kami magkasama-sama dahil unang una, Habagat, who’s the oldest from three of us, likes traveling so much. Si Zyrus naman, bihira lang umalis ng Isabela and here I am in Manila.
Dalawang araw ako doon as a support for the two.
Si Zyrus ang sumundo sa akin sa Cauayan airport at dumiretso na kami sa resort. Bukas ang ribbon cutting and all that jazz kaya a day before the busy schedule ay umuwi na ako. The resort isn’t that big. About twenty rooms lang ranging from normal rooms to suites.
Sa ameneties sila bumawi. Maraming instagrammable corners ang resort at may spa rin.
May naka reserve na akong room at mamaya lang daw ay pupunta na rin sila Tito Ram and his family. Miss ko na rin ang dalawang pinsan ko. May dalawang anak si Tito Ram. Ang panganay na si Brielle tapos ‘yung bunso na si Valerisse.
Of course, pupunta rin ang families nila Zyrus at Habagat. Kagaya ng family namin ay may hacienda rin ang family nila Zyrus sa Isabela and they are also one of the prominent families there. Habagat, on the other hand, were our family friends and they used to work in our land. May naka discover sa kuya nya na si Argos to be a model. Tapos nadiscover na rin si Amihan na ate nya tapos sya. Ngayon public figure na rin sila hindi lang sa Isabela kung hindi sa buong bansa na rin.
“Two days ka lang? Bakit? Bihira ka na nga umuwi, nagmamadali ka pa.” Pinanlakihan ako ng mga mata ni Zyrus nang malaman nya na sa susunod na araw ay babalik rin ako sa Manila.
“Hey, I also have a business that I run, no? Hindi lang ikaw ang businessman dito.”
“Oooh. Speaking of business, do you have any of your products with you? Sabi mo bibigyan mo kami ni Habby.”
I grinned. “Of course! Gagamitin ko na rin kayong model. User mode na muna ako.”
Humalakhak si Zyrus. “Si Habby ang model. Simpleng mamamayan lang ako.”
“Sus, you just want me to say that you’re good looking, eh.” Nguso ko sa kanya.
Nginisian nya ako. “Did you just say it?”
Inirapan ko sya tapos tinawanan nya lang ako.