“Bakit hindi mo ako pinigilan? Look at these...” Naiiyak na tanong ko kay Adelaine at ipinakita ko ang mga messages at pictures na sinend ko kay Raius through i********: DM.
Adelaine scrolled through our conversation exchange tapos malakas syang tumawa nang ibalik nya na ang cellphone ko sa akin. Hindi ako makaalis sa kama ko sa sobrang kahihiyan. My god! Why do I have to send him messages and pictures like that?
“Pagtawanan mo pa ako!” Inis na binato ko ng unan si Adelaine na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.
Nakailag sya sa unang unan pero natamaan ko na sya sa pangalawa. “I didn’t know you have this in you, Raisa.” Patango tango at nang-aasar pa na sabi nya.
I groan in annoyance! Nagtakip ako ng unan. Hindi ko talaga maisip ‘yung ginawa ko. Damn it! Nakakahiya!
I sent Raius a message saying that I wish he was there with me last night tapos may picture ako na nakahiga na sa kama ko wearing a nightie. The picture isn’t too revealing per se, but the thought of that message is what the problem is. I look drunk, my cheeks are flushed kahit na naghilamos na ako. Hindi ko matandaan ang part na iyon kagabi. All I remember is that Adelaine booked us a car tapos sumakay kami sa sasakyan. That’s the last thing I remember.
Raius responded immediately.
teraius_conte:
Lasing ka ba?
Tapos may angry emoticon.
raisareginacojuanco:
Medyo.
May wink emoticon pa ako!
teraius_conte:
Sinong kasama mo?
raisareginacojuanco:
Friends. Thy wnt to meet u nga eh
teraius_conte:
Next time. Matulog ka na.
Thank God hindi na ako nagreply!
I was sulking the whole day. Pakiramdam ko ay ‘malandi’ na masyado ang image ko kay Raius tapos parang galit sya sa last message nya. How can I start a conversation with him again?
“Stop it, Rai! So what? You’re drunk. You can just use that as an excuse. Mag apologize ka.” Parang napuno na si Adelaine sa buong araw na wala ako sa sarili ko dahil di ko makalimutan ang mga nangari.
“Eh paano kung galit pa rin sya? Tapos na turn off na sya sa akin?”
“Turn off? He probably liked the fact that you think of him kahit na lasing ka. And you look too good for a drunken girl in the picture you sent. Huwag syang maarte!” She hissed.
I still made a crying sound. “This is insane. Next time you take my phone kapag lasing na ako. I can’t believe I drunk-DM Raius!”
“Get over it, Rai! Besides, that guy seems to like you too much para matapos lang ang lahat sa pagka turn-off nya. C’mon, send him a message, apologize and tell him na lasing ka lang. Let’s see kung ano ang sasabihin nya.”
Tumingin lang ako sa screen ng cellphone ko.
Gabi na nang magkalakas ako ng loob mag-message sa kanya.
raisareginacojuanco:
I’m sorry about my last messages. I didn’t know what I was doing. L
Kinabukasan ko na nabasa ang response nya dahil pasado ala una ng madaling araw sya nakapag reply, his usual time to reply.
teraius_conte:
Usap tayo.
Sandali akong napatigil nang mabasa ang response nya. Bahagya akong kinabahan. Ayaw nya na bang makipagkita sa akin? Is this the time when he’ll tell me that we should stop seeing each other?
Amidst my fear, I still responded, asking him when.
Nagreply sya na bukas raw, Sunday. Dinner. Susunduin nya raw ako ng alas sais.
This is the sixth week na lumalabas labas kami. Six weeks pa lang pero pakiramdam ko ay lunod na lunod na ako kay Raius. Hindi ko alam ang gagawin ko kung bigla nyang sasabihin na ayaw nya na. Na turn off sya sa akin. God. Why do I have to do that?!
Dalawang oras lang ang tulog ko, mabuti at hindi naman halata na haggard ako. Ang bagal ng oras bago mag alas sais. Alas singko pa lang ay ayos na ayos na ako. Nakasuot ako ng skinny jeans na puti tapos naka tuck in ang Gucci shirt na regalo sa akin ni Habby.
Nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa marinig ko na tumunog ang cellphone ko.
It’s a message from Raius na nasa baba na sya.
Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya, pero hindi nya iyon sinuklian. Seryosong seryoso lang ang gwapo nuang mukha tapos tumango lang sya sa akin. He gave the helmet and helped me rode his motorcycle. Wala kaming imikan na dalawa hanggang sa makaalis na kami.
Linakasan ko ang loob ko na yakapin pa rin sya. Nakasanayan ko na rin kasi.
Hindi kami sa EDSA dumaan kaya hindi ko alam kung saan ang punta namin. Bahala na. Kung ayaw nya na, iiyak na lang ako at magmamakaawa sa kanya. At this point, tingin ko ay kaya kong gawin iyon huwag lang syang mawala.
Mahigpit ang yakap ko sa kanya na parang anytime ay mawawala sya.
Itinigil nya sa harap ng isang gate sa isang residential area ang motor nya. Mabilis akong bumaba. The gate is painted yellow at halatang bagong pintura. May maliit na gate sa gilid tapos halatang may mga puno sa loob.
“N-Nasaan tayo?” Tanong ko sa kanya nang kunin nya na ang helmet mula sa akin. I was looking around. Wala masyadong dumadaan sa kalye tapos puro de-gate ang mga bahay.
“Sa bahay,” Sagot nya bago nya ako hilahin. Itinulak nya ang maliit na gate at bumukas iyon agad.
Sa bahay? Sa bahay nya?! Nanlaki ang mga mata ko. Before I knew it ay nakapasok na kami. Maluwag ang space sa loob. Puno ng halaman at puno ang paligid. May dalawang bahay na magkatabi sa loob. Pareho may second floor pero ‘yung bahay sa kaliwa ay may hagdan sa labas ang papunta sa second floor.
Marahan akong hinila ni Raius papunta sa kaliwang pinto when I stopped him.
“T-Teka.. sinong nandyan? Bakit mo ako dinala sa bahay mo?” Kabado na tanong ko. Hindi ko alam na dito nya ako isasama! I don’t know what’s going to happened, too.
Bago pa sya makasagot ay bumukas ang pinto at may iniluwa na babae. Naka duster sya at nakatali ang buhok nya. She looks decent. Nakangiti sya habang nakatingin sa amin ni Raius.
“Rai! Nandyan na pala kayo. Hala, pasok!” Linuwagan ng babae ang pagkakabukas ng pinto.
I saw Raius smiled at the woman. Napansin ko ang pagkaka hawig nila. Is she his mother?
Para akong papel na sumama na lang kay Raius. When we went in, the place isn’t that big pero maayos at malinis. Colorful ang mga gamit, floral ang sofa at accentuated ang wooden walls. Agad kong naamoy ang mabangong amoy ng binibake na pastry.
Hindi pa rin ako binibitawan ni Raius. Confused pa rin ako sa nangyayari. Nagmano si Raius at ganoon rin ang ginawa ko.
“Tita, si Raisa. Rai, ang Tita Lorna ko.” Pagpapakilala nya.
“Hello, Raisa. Sa wakas nakilala na rin kita.” Magiliw na sabi ni Tita Lorna.
Ngumiti ako. “Hello po. Nice meeting you,”
“Ay, upo ka. Hala, malapit na ma-bake ang mga cupcake na binibake ko. Ang sabi ni Raius ay nagustuhan mo raw ‘yung pinadala ko sayo.”
“Opo! I really like it. I have never tasted any other cupcake that good!” Nag thumbs up pa ako sa kanya.
Tumawa si Tita Lorna. “Salamat, hija! Maupo muna kayo at ihahanda ko ang merienda. Siguradong paparating na rin si Mara. Pinabili ko lang sa palengke ng mga nakalimutan ko kanina.” Umalis si Tita Lorna.
Iginiya ako ni Raius sa cute na living room at sabay kaming naupo sa sofa. Binuksan nya ang electric fan sa tabi at ihinarap sa aming dalawa.
“H-Hindi mo naman sinabi na isasama mo ako dito..” Nahihiyang sabi ko.
“Gusto kitang ipakilala na ng formal kila Tita at Mara. Seryoso ako sayo, Raisa.” Bigla ay seryosong sabi nya. Kitang kita ko ang intensity at sincerity sa mga mata nya na nakatitig sa akin.
Napaawang ang labi ko. I don’t know what to say. I was expecting him to drop me because he seemed angry at my messages.
“A-Akala ko ayaw mo na sa akin..” Yumuko ako.
“Ha? Bakit mo naman nasabi?” Gulat na tanong nya.
Inangat nya ang mukha ko using his finger under my chin at ihinarap sa kanya. “You seemed mad when I sent you the messages I sent when I was drunk. I swear, hindi ko na alam ang ginagawa ko that time. Maybe I just miss you so much.” Amin ko sa kanya.
Unti unti ay ngumiti sya. “Hindi ako galit.”
“Naka angry emoticon ka pa nga eh!”
Umiling sya. “Sorry. ‘Yung picture kasi na sinend mo at ‘yung message medyo.. provocative. Hindi ko sinasadya maapektuhan. Pakiramdam ko nabastos kita kasi kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko.” This time ay sya naman ang nahiya.
Naramdaman ko na uminit ang mga pisngi ko. “It’s okay,” Mahinang sabi ko.
He shakes his head. “Hindi ‘yon okay. Nirerespeto kita, Raisa. Ayokong.. s**t. Sorry. Kasi ‘yung picture mo.” Tumingala sya na parang apektadong apektado sya.
I giggled. Ikinulong ko sa dalawang kamay ko ang mukha nya at pinaharap sa akin. “It’s okay. Hindi ako magagalit.” Then I kissed him.
It was just supposed to be a smack, pero ibinuka nya ang mga labi nya and I obliged without question. Nawala sa isip ko na hindi kami nag-iisa dito. I miss Raius. May kakaibang saya na dinala nya ako dito sa kanila.
Agad akong humiwalay nang marinig ko na tumunog ang pinto. Agad kong nakita ang isang babae na may hawak na ecobag at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa amin.
Shit! Ano ba?
Agad akong napatayo sa gulat. Tumayo rin si Raius.
“Oh my gosh! Hala! Ikaw ba si Raisa? Hala! Teka lang!” nag panic ang babae nang makapasok. Inilapag nya sa sofa ang ecobag na dala nya at lumapit sa akin. Titig na titig sya na parang hindi makapaniwala.
“Mara, totoo sya. Si Raisa nga ‘yan.” Mula sa likod ko ay natatawa na sabi ni Raius.
Lalong nanlaki ang mga mata nya.
Muntik na akong mawala sa balance nang bigla nya akong yakapin. Mabuti at nasali kami ni Raius na natatawa pa rin sa reaction ng babae.
“Hala. Totoo ka nga.” Maya maya ay sumisinghot na sya na parang naiiyak.
I caressed his hair. “Nice meeting you, Mara.”
Tiningala nya ako. “Hello po.” Bumitiw sya sa akin pero nakatitig pa rin sya.
“Mara! Halika na at tulungan mo ako dito. Huwag mo na muna silang istorbohin dyan.” Mula sa kusina ay sumilip si Tita Lorna.
Kinuha ni Mara ang ecobag pero hindi nya pa rin inaalis ang tingin nya sa akin.
“Rai, sya ‘yung pinsan ko na sinasabi ko sayo. Idol na idol ka nyan,”
Ngumiti ako ulit kay Mara. Ngumiti rin sya sa akin.
“Mara!” tawag ulit ni Tita Lorna.
“Opo!” Gulat na sagot ni Mara at tsaka lang pumunta sa kusina.
Umupo kami ulit ni Raius. Yinakap nya ako at hinalikan sa pisngi.
“Dito tayo mag didinner tapos pupunta tayo sa kabila. Doon ‘yung bahay ko.” Malambing na sabi nya.
“Mag-isa ka lang sa bahay mo?” Kunot noo na tanong ko. Akala ko ay dito rin sya nakatira.
Tumango sya. “Yung sa taas, pinapaupahan ko. Kaya ginawan ko ng hagdan para doon na direkta aakyat ‘yung tenants.”
“Okay.”
Nauna ang dessert dahil pinakain na kami ni Tita Lorna ng cupcakes nya habang nagkukwentuhan kami nila Mara at nagluluto naman ng tinolang manok si Tita Lorna. Sumasali-Sali sya sa usapan kahit nasa kusina sya.
Startstruck pa rin si Mara sa akin. Kumain kami ng sabay sabay.
“Nagtataka ako dahil palagi nang lumalabas labas itong si Raius. Dati kasi, ako pa ang nagsasabi dyan na lumabas labas naman. Aba’y palaging nasa bahay lang. Kako paano sya makakahanap ng magiging girlfriend. Iyon naman pala ay naka hanap na.” Kwento ni Tita Lorna.
“Tita naman..” Nahihiyang sabi ni Raius.
“Aba bakit? Totoo naman.” Sa akin naman bumaling si Tita Lorna. “Hindi ‘yan babaero si Raius. Nako sya pa nga ang hinahabol. Lalo dumami dahil sa pagbanda banda nya. May mga dumadalaw pa nga rito at dinadalhan sya ng mga kung anu-ano.”
“Tita! Huwag mo na po ‘yan banggitin..” Raius is on the shy guy mode again.
I chuckled. “Dami mo pala chix, ha?” Asar ko sa kanya.
“Wala akong chix!” Defensive na sabi nya.
“Don’t worry, Ate Raisa. Wala naman inientertain ‘yan si Kuya. Palagi nya pa nga pinapasabi na wala sya dito para hindi na bumalik.” Sabi naman ni Mara.
“Isa ka pa!” Kinurot ni Raius ang pisngi ni Mara.
“Aray! Si Kuya, ang gaganda na nga ng sinasabi naming dalawa ni mama, nagagalit pa rin. Gusto mo ba ikwento na lang namin ‘yung may nahuli kang nagnanakaw tapos hinabol mo ‘yung magnanakaw na naka brief ka lang?”
Ang lakas ng tawa ko sa sinabi ni Mara. Lalong sumimangot si Raius.
Nagkwentuhan kami ulit bago nagpaalam si Raius na pupunta na kami sa kabila. Tuwang tuwa si Mara dahil nag follow back ako sa kanya sa i********:. Ilang ulit rin kaming nag selfie at nangako ako sa kanya na magphophotoshoot kami next time.
Pareho lang ng structure ang bahay sa kabila at sa bahay ni Raius. Mas maluwag lang dahil kaunti ang gamit ni Raius at wala na ang hagdan. Pagpasok ay agad na sasalubong ang maliit na sala at tv set. Sa gilid ay bilog na dining table na pang apat na tao. Kusina at banyo. ‘Yung pinto sa left side ay malamang na kwarto nya.
Malinis rin at mabango ang bahay nya. Luma pero maintained. He opened the lamps instead of the fluorescent light. Yinakap nya ako nang makapasok na kami.
I hugged him back.
“Tayo na ba?” Eager na tanong ko.
Isinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko. Tumawa sya. “Tayo na ba?” Balik tanong nya.
“Raius!”
Inangat nya ang mukha nya. “Sinasagot mo na ba ako?”
Imbes na sagutin sya ay hinalikan ko sya. “Kuha mo na ba ‘yung sagot ko?” Nakangisi na tanong ko.
Tumango tango sya. “Thank you, Raisa. Thank you for the opportunity.” Malamlam ang mga mata na sabi nya habang nakatingin sa akin.
“Hay nako. Huwag ka ngang magdrama dyan. You know I already liked you the first time we met nang ipagtanggol mo ako kay Ariel. Hindi ka na mawala sa isip ko. I was always thinking of you, kung ano kaya ginagawa mo, kung gusto mo rin ba ako or kung na-turn off ka ba sa mga sinasabi o ginagawa ko.” I caressed his hair while saying it.
“Ako rin..”
“I am always worried kapag hindi ka nagchachat or nagtetext. I am paranoid na baka hindi mo naman ako masyadong gusto, or kung anu-ano.” I sighed. “Will you text me or send me messages more now? Hmmm?”
Tumawa sya. “Ayoko naman kasi na maiistorbo kita.”
Umiling iling ako. “Hindi mo ako maiistorbo. I just want to talk to you, okay?”
Inaya nya ako sa kwarto nya. May aircon daw kasi doon. Maluwag ang kwarto nya. Halos kalahati kasi ng space ay sa kwarto nya. Malinis rin.
Humiga ako sa kama nya habang may kung ano syang ginagawa sa labas.
Tinawag ko sya at mabilis naman syang pumasok. “Do you have a beer? I want to drink,”
Napakurap sya. “Gusto mo uminom ng beer? Paano kapag nalasing ka?”
“Then I can sleep here. Pwede ba?” Nakangiti na tanong ko.
Kita ko na natigilan sya. Sandali syang nag-isip.
“Rai, hindi ako r****t. Promise, ikikiss lang kita. Tapos yayakapin. Ganoon.” Natatawa na sabi ko.
He sighed. “Hindi sa ganoon. Okay lang ba sayo dito? Wala namang problema sa akin. Gusto rin kita.. uhm.. m-makatabi matulog.” Nahihiyang sabi nya.
Tumawa ako. “It’s settled then! Pahiram na lang ako ng extra clothes mo so I can change.”
Pumunta sya sa cabinet nya kumuha ng medyo maliit na t-shirt at boxer shorts.
“Bibili ako ng beer at pwede natin makain. Magbihis ka na.” He kissed me before he left.