Chapter 13 ALLYSA Nagising ako na may humahaplos sa aking buhok. Minulat ko ang namamaga kong mata dahil sa kakaiyak. Iniisip ko na sana panaginip na lang ang pagkawala ni Mommy. Hindi man lang ako hinintay nito na makahingi ng sorry sa pagsagot ko sa kaniya ng pabalang. Nakita ko si Gabriel sa tabi ko at hinahaplos ang aking buhok. "Gabriel?'' tawag ko sa kaniya sa mahinang boses. "Hon, bumangon ka na para makakain. Kanina hindi pa tayo nakapangtanghalian," wika nito sa akin. "Nasaan si Daddy?'' tanong ko. "Nasa dining area na, Hon. Hinihintay na tayo para sabay tayong kumain," mahinahon nitong sagot sa akin. Bumangon ako at nagtungo sa banyo sa loob ng aking silid. Naghilamos ako at nag-toothbrush. Pagkatapos ay nagtungo na kami ni Gabriel sa dining area. Naabutan kong nakaupo