Chapter 12 GABRIEL Pagkatapos namin magpa-spa ni Alllysa, ay tumawag sa akin ang personal assistant ko na si Benjor Baltazar. Bukod sa personal assistant ko ito ay isa ko rin itong private Attorney. Ito ang nakakaalam ng lahat kong plano. Pati ang paghihiganti ko sa ama ni Allysa na siyang dahilan ng pagkamatay ng daddy. Nagta-trabaho na ito kay Lolo noong nabubuhay pa ang Lolo ko. Matagal na rin itong nagta-trabaho sa aking kompanya. Habang naglalakad kami ni Allysa sa mall ay tumawag Si Mr. Baltazar. Sinabi nito na nailipat niya na sa pangalan ko ang Miracle Corporation. Ako na ang may karapatang humawak ng kompanyang iyon. At lingid sa kaalaman ni Mr. Herman Henderson ay inunti- unti kong ibininta ang mga share's niya sa mga gutom na lubo sa loob ng kompanya. At magugulat na lang