Chapter 14 ALLYSA Ito ang araw na libing ni Mommy, nasa harapan kami ng puntod niya. Nakahawak ako sa bisig ni Daddy habang umiiyak kasama ko rin si Gabriel. Nasa tabi ko siya at inalalayan niya ako. Napahagulgol ako ng iyan nang iniligay na si Mommy sa himlayan nito umiiyak din si Daddy. Dumalo rin ang mga malalapit na kaibigan ni Mommy at Daddy. At gano'n rin ang malalapit naming kamag-anak. Naroon rin ang kaibigan kong si Crystal. "Condolence, Besty!" pakikiramay ni Crystal sa akin habang hinahagod ang aking likod. Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit. “Salamat, Crystal.” Kahit paano ay naibsan ang sakit ng aking kalooban dahil narito ang kaibigan ko na handa akong damayan. "Isipin mo na lang na nagbakasyon si Tita," pagpapalakas ng loob ko na sabi ni Crystal, habang ako iyak pa rin