Chapter 15 ALLYSA Madilim na ng nakarating kami sa mansion. Nang maka-park ang sasakyan agad akong bumaba. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Gabriel. Naiinis ako sa kaniya dahil sa pag-iwan niya sa akin. Si Shiena pa ang kinampihan niya kanina. Sabagay, ano ba ang kalaban-laban ko. Eh, ina ng mga anak niya iyon! Pagkapasok ko ay pumasok rin siya sa loob ng mansion. Nagtungo na ako sa kuwarto subalit bago ako umakyat hinulog ko ang jacket niya sa sahig alam ko naman na nakita niya iyon, dahil nararamdaman ko ang presensiya niya sa aking likuran. Hindi ako lumingon at pumanhik na lang sa itaas at nagtungo sa aking silid. Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Pakiramdam ko pagod na pagod ako pati ang puso ko. Lalo na ang utak ko na parang gusto ng sumabog. Nahiga