“Anong oras po kayo uuwi mamaya tito?” tanong ko kay tito Dame, pagkatapos ko mag luto ng umagahan. “Before eight, why Ame?” nag tatakhang tanong ni tito sa'kin. “Ako po kasi ang mag luluto mamaya, ano po bang gusto niyong ulam?” tanong ko, na tanong ko na ang kambal kanina, wala raw silang alam o gustong kainin mamaya, kaya si tito Dame nalang ang tinatanong ko ngayon “Chicken adobo, and kare kare nak” nakangiting sambit ni tito Dame, nakangiti akong tumango sakanya. “Sure tito” nakangiting sambit ko at nag paalam na dahil tapos na akong kumain, sakto namang pa baba na si Killian kaya may kasabay na siyang kumain. Napangiti ako nang mapait dahil alam ko kung bakit iyon ang hiniling sa'kin ni tito Dame, iyon ang paborito niyang ulam na palaging niluluto ni tita Vis, pero simula