Alas otso na ako nagising dahil wala naman kaming pasok ngayon, pero graduation ng kambal kaya tumayo na ako para mag luto ng almusal. Ako palagi ang nag luluto hindi dahil inutusan ako, kung hindi danil sa sariling kagustuhan ko. Gusto ko na kumakain sila ng lutong bahay dahil nasisigurado ko na healthy ang kinakain nila. Pagkatapos ko mag luto ay dumiretso na ako sa kwarto ni Savannah para gisingin siya, dahil sa dalawang kambal, si Savannah ang mahirap gisingin kaya siya ang inuuna ko palagi. “Sav? Savannah?” mahinang tawag ko habang kinakatok ko ang kwarto niya. “Yes ate?” inaantok pang sagot nito kaya napangiti ako. “Open the door please? Gigisingin pa natin ang ate mo” sambit ko, ilang sandali lang ay binuksan na niya ang pinto. “Ate is always awake na before we get her wak