Albert's POV
Pumunta ako sa finance department dahil naikwento sa akin ni Melissa na halos isang linggo ng di pumupunta sa opisina si Natasha. Meron pa naman akong travel expenses na kailangan niyang iapprove at asikasuhin ang sweldo ng mga empleyado dahil malapit na ang payday.
." Narinig ko po sa gwardya sir nandito si ma'am kanina pero umalis din yata agad ", sabi ng accountant.
" Ha?! anong oras dumating?", agad akong kinabahan sa narinig,kaya di ko na hinintay ang sagot nito agad ko ng pinuntahan ang gwardya na nagbabantay sa pinto sa ibaba at siyang tinanong..
" Kanina pong 4:30 ng hapon sir, pero umalis din kaagad at parang umiiyak ", sabi ng gwardya. Agad akong napamura sa naisip, sa ganong oras kami nags--x ni Melissa sa office ko. di kaya? wag naman sana! naisip ko at agad kong pinuntahan ang kotse ko at pinaharurot pauwi ng bahay.
" Umuwi ba ang asawa ko Manang?", tanong kay Manang Asion ang katiwala ko rito sa bahay , matagal na siya na nagsisilbi sa amin ng magulang ko at kasa kasama ko kapag wala sina Amah at Angkong.
" Parang umuwi yata kanina sabi ng isa sa mga maids ,nag away ba kayo ?", sagot ni Manang na may kasunod na tanong.
" Hindi ho! di nga kami nagkita mula kaninang umaga " , depensa ko.
" Eh ba't umiiyak raw at may bitbit na maleta ", sabi nito.
" Ho ?! eh ba't ho di nyo pinigilan ?", naaasar na sisi ko rito at agad imakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto naming mag asawa , confirm marami nga itong mga nawawalang gamit.
" Ay aba Albert! wala ako rito ng umuwi ang asawa mo ! ikinuwento lang sa akin ng isa sa mga maids eh , alam mo naman yang mga yan ,di naman makikialam sa inyong mag asawa ! takot lang nila ! ", narinig kong sagot ni Manang Asion , mataas na rin ang boses nito, kaya minsan ayaw ko itong kausapin kasi parang mas matapang pa sa akin. Napasuklay ang daliri ko sa buhok ko , habang idinadayal ang numero ng asawa ko , ngunit walang sumasagot or naka off ang phone?.
Gusto ko itong puntahan sa university ngunit alam kong by this time sarado na ang school at tanging gwardya na lang ang natitira doon. Kung bakit kasi nakalimutan kong itanong ang bagong friend nitong si Eva ,kaya ni apelyido nito ay di ko alam.
" Namputsa naman oh ! asar na nasasabunutan ko ang maiksi kong buhok , tiyak nakita kami ni Melissa habang gumagawa ng kalokohan kanina.", ilang beses kong kinutusan ang sarili ko dahil sa pangyayaring ito. Kung tuluyan ko ng pinaalis si Melissa sa kumpanya di sana ako nate tempt gumawa ng kalokohan at nadadala sa pang aakit ng babaeng yun. Nang saglit kong tinigilan ang pagdayal sa para tawagan si Natasha ay tumunog ito at si Melissa ang tumatawag.
" Hello love ?! pwede mo ba akong puntahan rito sa bahay ngayon ?", malanding sabi nito sa kabilang linya.
" Pwede ba ?! tigilan na natin ito Melissa? namumrublema na nga ako dahil nawawala ang asawa ko di ko malaman kung saan ko hanapin dinidemonyo mo pa ako ", galit na sita ko rito.
" Ha?! kinidnap ba?", tanong nito.
" Putris namang mula ngayon you're no longer my secretary ,umalis ka na sa kumpanya ko at ayaw na kitang makita kailanman !!!", galit na sabi ko rito.
" Love naman ! wag naman ganyan please ! pag usapan muna natin 'to ", natatarantang sabi nito sa akin.
" Wala na akong magagawa Melissa kung ganitong may palagay akong alam na ng asawa ko ang lahat sa atin , kailangan na kitang hiwalayan,ayaw na kitang makita sa opisina ko simula bukas ", matigas na sabi ko rito.
" Love ba't naman ang lupit mo sa akin? kanina lang nagpakaligaya pa tayo sa opisina tapos ngayon para lang akong basahan kung tratuhin mo ? napaka walang awa mo naman !", histerikal na ito habang umiiyak sa kabilang panig.
" I told you I will end up this relationship if my wife found out something about us , sorry but I think I had given you everything through the duration of our relationship , so there's should no regret and I know you'll find another man to love you soon !", pagkasabi non ay agad ko ng ini off ang phone ko.
Hindi ako nakatulog through the night sa kaiisip kung nasaan ang asawa ko talagang di niya sinagot ang tawag ko
hanggang kusa ng napagod ang mga daliri ko sa kadudutdot sa celfone ko.
The first thing in the morning ay pinuntahan ko ang university kung saan nag aaral sng asawa ko upang malaman ang whereabout nito.Ayaw akong papasukin ng guard dahil wala raw sticker ng school ang sasakyan ko kaya napilitan akong i- park ito sa di kalayuan ng school at nagbigay na lang ako ng tip sa guard para tingnan rin nito ang kotse ko at medyo may kamahalan pa naman ang bili ko rito ,baka lang tanggal na ang goma paglabas ko ng school.
Pumasok ako at tiningnan sa parking space kung naroon ang kotse ng asawa ko at ng matiyak kung wala ay nagtanong na ako sa information ng school kung saan ang school room ni Natasha Lee, hinanap naman nito ngunit walang nakitang records na Natasha Lee na estudyante sa naturang school. Pero di pwedeng wala dahil uniform ng paaralang ito ang suot ng asawa ko tuwing umaalis ng bahay ! naisip kong pumunta sa principal's office upang kausapin ito para ito na rin ang magpahanap sa asawa ko sa Business Management building , di ako makapaniwalang wala siyang record dito.
" Mr. Lee pasensiya na po pero wala po talagang Natasha Lee na naka enroll dito sa school namin , baka po sa ibang university naka enroll ang asawa ninyo !", sabi ng principal matapos kausapin ng isang staff nito na nag check ng student info nila. Kalaunan naisip kong baka Chan ang dala nitong apelyido rito?
." Teka po ma'am baka ho Natasha Chan ,meron kayong student rito ", kaya muli nitong kinausap ang staff at di nga nagtagal ay bumalik ito.
" Meron nga po kaming Natasha Chan na estudyante rito Mr. Lee ,mamayang 10 A.m pa ang klase niya ,kaya kung gusto ninyo eh bumalik na lang ho kayo rito dahil pasado 8 a.m pa lang matatagalan kung hihintayin ninyo siya", suhestyon ng principal.
" Baka ho pwedeng hintayin ko na lang ang asawa ko at kailangan ko ho siyang makausap ma'am ", pakiusap ko sa principal , tinitigan ako nito at naawa yata sa akin kaya positive na sagot nito.
" Of course you can, ipinatawag ko na si Prof Saison , para siyang mag inform kay Natasha para makausap mo mamaya ", pagjibigay alam ng principal sa akin.
" Sure ! thanks ma'am ," di nga nagtagal ay dumating ang nasabing prof nito .
" Good morning sir," magalang kong bati rito.
" Isa ba sa student mo mamaya si Natasha Chan?", usisa ng principal.
" Yes ma'am !", kumpirma nito.
" Asawa ni Natasha Chan, " pagbibigay alam ng principal matapos akong itinuro. Nakipagkamay ako rito at nagpakilala " Albert Lee po sir !",..
" Really ? but what I know is she's single , akala ko nga boyfriend niya si Luke Montesa ng Engineering department dahil palagi silang magkasamang tatlo ni Eva Cornel ", sabi ni prof Saison. Nakakasama rin ng loob na malamang nagkukunwari pala na single ang asawa ko sa paaralang ito. Kung di pa ako pumunta rito ay di ko malalamang apelyido pa pala ng dalaga ito ang gamit niya sa school.
." Actually I have no idea that she's using her maiden name here in your university I had been calling her since last night pero di niya sinasagot ang tawag ko" sabi ko rito.
" Ibig sabihin di umuwi si Natasha kagabi?", tanong ni Prof Saison.
" Medyo nagkaroon po kami ng konting misunderstanding ng asawa ko at kaya po ako narito ay para maayos namin ang aming gusot saka nag aalala po ako dahil wala siyang kaanak rito sa Metro kasi nasa Hongkong ang magulang niya kaya wala siyang mapupuntahan rito.", sabi ko sa Prof nito na tumango naman at sinang ayunan ang sinabi ko.
" Ang alam ko , she's working at Lee appliance center , maybe you can check her whereabout sa working place niya ", suhestyon ni Prof Saison.
" I own Lee Appliance sir , that's why I'm sure she's not there !", pagbibigay alam ko sa Professor na 'to.
" Oh sorry for that , I thought she's just a simple employee at Lee's I had no idea that she's part owner of that company and sorry for my big mouth dahil inakala kong boyfriend niya si Luke , kasi alam kong halos stalker na niya si Luke , araw araw may regalo sa kanya dahil classmate sila sa subject na hawak ko kaya I know how much Luke like her ", paliwanag ni Prof Saison.