Natasha's POV
Malayo pa ay nakita ko na sa malapit sa gate ang sasakyan ni Albert kaya nagdecide akong aabsent na lang muna sa araw na 'to at tztawagan ko na lang si Prof Saison upabmng i excuse ako ngayong araw
" Ha?! aabsent ka ngayong araw? himala ! first time yata 'to ", takang sabi ni Eva. Itinuro ko ang sasakyang nasa malayong parte pero tanaw sa bandang gate.
" Nariyan sa loob ang manloloko kong asawa ,hayan yung sasakyan nya, wag kang umaming nakita o nakausap mo ako ha, di pa ako handang kausapin siya ngayon ",naintindihan naman ako ni Eva.
" Oo ba, ako pa ! artistahin yata 'to oy kaya magaling ako sa parteng yan. Ipagpapaalam na rin kita kay sir na di ka makakapasok magdadahilan na lang ako na masama ang pakiramdam mo ", nakakaunawa namang sabi ng kaibigan ko.
" Oo, thanks , at tatawag rin ako sa kanya mamaya para mas pormal , di pa kasi ako handang kausapin 'yang lalaking yan baka maglupasay pa ako sa sama ng loob sa harap niya maisip ko pa lang ang natuklasan ko ,sunduin na lang kita mamayang uwian", para na naman akong maiiyak habang sinasabi iyon.
" Wag mo na lang akong sunduin mamaya, magba bus na lang ako pahinga ka na lang doon sa bahay , wag masyadong magsenti ha ! o kaya mag shopping ka para stress reliever mo at mabawasan yang sama ng loob mo ",
sabi nito sa akin.
" Di na ,sa bahay na lang ako at magpapahinga, kasi wala ako sa mood gumala ngayin", sagot ko sa kanya, nakikita ko namang nag aalala sila ng kanyang ina sa akin., para na rin akong may pamilya rito na nag aalaga at may concern sa akin. Actually di man niya kilala ng personal si Albert ay galit din siya rito dahl sa mga kwento ko. Siguro maski puro kasinungalingan ang sabihin ko maniniwala pa rin sila sa akin.
Pero dahil rin siguro sa nakikita nilang sama ng loob at paghihinagpis ko na para bang namatayan ako, kunsabagay para na nga rin pumanaw ang pag asa ko na magkaroon ng masayang pamilya sa hinaharap , di pa ako handang harapin ang asawa ko at isampal niya sa akin ang katotohanan na mas mahal niya ang babaeng yun at di niya kayang mawala o hiwalayan", nanlalambot ako sa isiping yun , muli na namang sumama ang pakiramdam ko dahil doon. Ewan ko ba, palagi na lang masama ang pakiramdam ko nitong huling mga araw baka may malubha na akong sakit? di ko naman ito narara.daman dati kung kailan naman ako nagkaasawa saka naman ako naging sakitin. Nasa ganon akong pag iisip ng nag ingay ang celfone ko at ng makita kong si Albert ang caller ay agad ko itong nireject at tuluyang ini off ang cp ko, mamaya na lang ako tatawag sa Prof ko kapag nasa bahay na ako.
Albert's POV
Hinintay ko ang oras ng pasok ng asawa ko pero di raw ito pumadok sabi ni Prof Saison , kaya tinanong ko na lang kung pumasok ang kaibigan nitong si Eva yata ang pangalan?", ngunit wala rin naman akong positive na natanggap na sagot.
" Sorry po , di ko po alam kung nasaan si Natasha kasi absent ho yata sya ngayon di ko siya nakitang pumasok sa klase", nakakadismayang sagot nito.
" Di ba kayo nag usap o wala ba siyang sinabi kung nasaan siya nag istay ngayon?", usisa ko rito.
" Hindi ho eh saka di ko siya makontak since friday naka off ang cp niya ba't nyo ho sya hinahanap magkamag anak ho ba kayo?", tanong nito sa akin.
" You mean to say maski sa yo na friend niya eh di niya sinabing may asawa siya?", nagtatakang tanong ko sa kanya di ko malaman ang dahilan ba't inilihim nito ang relasyon namin, kinahihiya niya ba ako? sa gwapo kong ito na maski masalubong ko lang ay sumusunod ang paningin sa akin?
" Ho?! asawa ,may asawa si Natasha?
masyadong malihim ang babaeng yun eh
ang alam ko lang kasi eh may nanliligaw sa kanya si Luke kasi yun ang nakikita kong todo effort sa panliligaw " ,sabi nito
" Narito ba yang si Luke ngayon? gusto ko lang siyang makausap." narinig ko na ang pangalang yun kay Prof Saison ngayon naman eh sa kaibigan niya mismo , baka sumama si Natasha sa kanya ! di ako papayag ! maghahalo ang balat sa tinalupan kapag nagkatotoo tong iniisip ko, makakapatay ako ng tao kapag nagkaganoon.
" Ay sori po kasi isang subject lang namin siya classmate kasi iba ang course niya tomorrow pa ang subject na klasmeyt namin siya " , nadismaya ako a narinig. Pinuntahan ko ang Engineering department naitinuro sa information kung nasaan itong Luke na ito.
" Bakit po sir? gusto nyo raw po akong kausapin?" , nakangiting tanong nito sa akin ,gwapo rin ito at maputi halos tatlong inches ang tangkad ko sa kanya at mukhang bata pa at mabait.
Di talaga malayong magkagusto si Natasha sa kanya.
" Gusto lang sana kitang kausapin kung alam mo ba kung nasaan ang asawa ko ?", diretsahang tanong ko sa kanya.
" Ho?! sino hong asawa nyo? di ko ho alam ang sinasabi nyo ", takang tanong nito.
" May mga narinig kasi ako na pinupormahan mo ang asawa ko si Natasha Chan , ilang araw na kasi siyang di umuuwi sa bahay, kaya hinahanap ko siya " , pinasadahan ako nito nagulat na tingin.
" Ho?! asawa kayo ni Natasha? eh,may asawa na pala siya?di ko ho talaga alam ", depensa naman nito.
" Sana tigilan mo na ang panliligaw sa asawa ko pwede ba? dahil may asawa na siya at di ako papayag na agawin siya sa akin makakapatay ako ng tao ", pananakot ko rito na animo'y bigla naman sinigilahan ng takot ayon sa facial expression nito. Ngunit saglit lang iyon dahil nakita kong napatiimbagang ito at direktang tumitig sa mga mata ko.
" Sir unang una po di ko ho alam na may asawa na si Natasha , pero kung sakali man at magkahiwalay kayo pwede na ho sigurong ipagpatuloy ko ang panliligaw ko sa kanya dahil desidido naman po ako sa kanya ", matapang din na sambit nito.
" Hindi ! hindi ako papayag ! akin lang ang asawa ko !", agad tumaas ang boses ko dahil sa narinig, lokong to! parang matutuwa pa kung totoo ngang magkahiwalay kami ng asawa ko! pero hahanapin ko siya no matter what ! mawala na sa akin ang iba wag lang ang asawa ko. Aba eh laking hirap ko doon bago napasaakin ng tuluyan tapos mawawala sa akin ng ganon lang kadali? no way ! hihiwalayan ko na ng tuluyan si Melissa, ba't pa kasi di ko na tinanggal agad sa trabaho ang babaeng yun di na sana kami umabot sa problemang ito.
Melissa's POV
Di ako makapaniwala na kaya akong paalisin sa kumpanya ni Albert akala ko pa naman pananakot lang ang lahat ng kanyang sinasabi ,pero seryoso
pala siya!
Di maampat ang pagtulo ng luha sa aking mata habang inaalala kung ano ba talaga ang nangyari at biglang naging ganito kaharsh ang turn of event.
Kahapon ng hapon ay nagenjoy pa kami sa sexcapade naming dalawa sa kanyang office chair , tapos kinagabihan ay pinaaalis na niya ako dahil nabisto daw ng asawa niya ang relasyon namin?
Eh ano ba ? mas nauna naman ako sa kanya and we get back to each other because he couldn't resist me physically I know that , tapos parang isang gamit lang ako na itatapon niya just to please his wife ?
Plano ko talagang agawin siya sa kanyang asawa dahil akin naman talaga siya noon pa man, yun nga lang aminado naman ako na naging unfaithful ako sa kanya pero that's no big deal dahil siya ganon din naman eh ! naging unfaithful din naman siya sa akin so ano ba ang problema don wala naman kaming usapan na di kami pwedeng magkaroon ng ibang karelasyon that we're exclusive
to each other. Ang sakit talaga nitong ginawa niya sa akin.
" Ano ba ? ba't kailangan mo pa akong bantayan?", mataray na sita ko sa gwardya ng kumpanya.
" Sorry po ma'am, utos po ni sir Albert na tiyakin na liligpitin ninyo ang gamit ninyo ngayon dahil ayaw na niyang babalik pa kayo rito ", sagot ng gwardya sa akin.
" Nasaan ba 'yang amo mo at sabihin mong gusto ko syang makausap !", galit na sigaw ko sa gwardya.
" Sa totoo lang ma'am di ko alam kung nasaan si sir dahil di pa siya pumupunta rito ", sabi nito.
" P--a naman oh, g----g 'yun , bigla na lang akong itatapon na parang basura pagkatapos niya akong pakinabangan ng ilang taon !", galit na sambit ko wala akong pakialam kung naririnig ng gwardya ang sentimyento ko sa oras na ito dahil di naman lihim sa mga ito kung sino talaga ako sa buhay ni Albert Lee..