Natasha's POV
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo kagabi at narinig kong sinabi niyang miss niya ako , pero mas pinili ko ang magtulog tulugan dahil parang pinipiga sa selos ang puso ko sa kaalamang ilang araw silang magkasama ng kanyang sekretarya sa Pangasinan at nadiskubre kong may relasyon pala silang dalawa.
Napakasakit ng nadiscover kong ito parang ginutay gutay ang puso ko . Sa ngayon kailangan kong magpanggap na walang alam dahil saan ako pupunta kung magmamatigas ako? Napakalayo ng pamilya ko ,nag iisa ako sa lugar na 'to, kailangan kong paghandaan ang magiging paghihiwalay namin , lalo na at matagal na pala ang relasyon nila tiyak mas pipiliin niya si Melissa kumpara sa akin.
Buti na lang at sinikreto ko sa school na meron akong asawa kapag nagkahiwalay kami di ko na kailangang baguhin ulit ang status ko. Napakahirap nitong kalagayan ko, pero kailangan kong maging handa . Tutal medyo malaki na rin ang savings ko sa pagtatrabaho ko sa kumpanya ng asawa ko magpapatulong ako kay Eva maghanap ng maski maliit na condo lang para may titirhan ako kapag nagkahiwalay kami ni Albert , iba na yung handa. Saka ko na lang ipapaalam sa magulang ko ang lahat kapag kailangan ko na ng financial
help nila.
" Buti ka pa magkakaroon ng sarili mong condo ,pinayagan ka ng magulang mo?", si Eva, palagi na lang akong nagsisinungaling sa kanya. Marami akong gustong ihinga ng sama ng loob pero ayokong mag iba ang tingin nito sa akin.
" Magpapaalam pa lang ako, saka may savings pa naman ako dahil may sweldo naman ako sa Lee Appliance Center ,baka bigla akong paalisin sa bahay ng boss ko , mabuti na yung handa dahil meron akong sariling bahay" , di ko masabing asawa ko at baka magkahiwalay kami mapapahiya lang ako sa kaibigan ko.
" Ang swerte mo naman dahil nag aaral ka pa lang pero nag oopisina ka na, may sarili ka ng income habang nag aaral wala ka pang gastos sa bahay dahil libre tira, pero tama ka naman mas maganda yung may sarili kang bahay na investment ", sabi ni Eva sa akin ,na sinang ayunan ko naman.
" Kaya nga eh, mahirap pala ang nakikitira kasi maski may mali kang nakikita di ka makapag reklamo kailangan mong makisama maski masama ang loob mo, para na akong magkakasakit sa puso sa sobrang paki kipagplastikan ", paliwanag ko sa kanya.
" Bakit masama ba ang ugali ng boss
mo?", nang iintrigang tanong nito.
"Di naman, mabait naman sa akin pero mas gusto ko ang maging independent at handa specially wala rito ang pamilya ko nasa probinsya at magulang ko naman ay nasa Hongkong kumbaga nag iisa ako rito ", nagpapaawa na paliwanag ko.
" Mayaman ka na masipag pa at masikap , ikaw na ang maging si Natasha Chan, bagay talaga kayo ni Luke na mayaman rin at napaka gwapo , pansinin mo na kasi yung tao di yung ako ang kinukulit para iset up ng date sa yo ", pangungumbinsi nito sa akin.
. " Di ko priority yan ngayon , ang gusto ko lang ay magkaroon ng sarili kong place na masasabi kong akin ", hinila ko na siya sa kamay para makaatend na kami sa susunod na subject.
" Bakit di ka na lang mag apartment? kasi yung katabi naming unit eh , ilang buwan ng available , pwede ka roon one bedroom nga lang yun good for one person lang talaga ,, safe naman maski low cost subdivision lang dahil 24 hours din naman ang guards at malaki ang garahe , saka sa condo mas mapapamahal ka dahil sa mga added amenities na di mo naman kailangan lahat ", suhestyon nito sa akin.
" Talaga? paano ko naman makakausap ang may ari non ?", interesado kong tanong sa kanya.
" Don't worry tita ko may ari ng apartment pati tinitirhan namin ni mama ko , si mama ang nag aasikaso sa mga nangungupahan dahil nasa abroad ang tita ko, sama ka sa akin mamaya pag uwian para makita mo, kaya lang medyo malayo rito sa school pero keri lang naman ,kasi mabuti nga yun dahil may kasama akong papasok sa school sa umaga at makikihitch ride na rin ako pag uwi ", nakangising sabi nito.
." Sige ! buti nga yun para neighbor tayo , basta turo mo sa akin ang way., alam mo namang stranger rin ako rito sa Metro", sabi ko sa kanya.
" Sure ! ikaw pa ! eh malakas ka sa akin ", sabi nito sa akin. Nang hapon ngang iyon ay sumama ako kay Eva para puntahan ang naturang apartment at maganda nga naman pati pintura ng buong unit ay kulay puti na gusto ko dahil malinis at maliwanag tingnan pati mga tiles sa sahig ay maaliwalas sa mata. Nalaman kong lumipat ang dating nangungupahan bago manganak ang asawa nito dahll nakabili na ng sariling bahay ,para na rin daw for their new beginning. Nag downpayment ako for six months rent at agad ibinigay sa akin ni tita Madel mother ni Eva, ang susi ng bahay para any time ay makalipat ako.
Nang sumunod na araw ay namili ako ng bed at aircon para sa kwarto , kailangan kong maging handa saka ko huhulihin silang dalawa para may rason na makipaghiwalay ako kay Albert, maski mahal ko siya ayaw ko na niloloko niya ako ng ganito ang sama sa pakiramdam lagi na lang kumakalabog ang dibdib ko pati ang panaginip ko ay masyadong disturb dahil palagi ko silang napapanaginipan na magkaulayaw..
Isang linggo na akong di nakakapunta sa kumpanya kaya siguradong marami na akong tambak na trabaho. Nalaman kong naroon ang asawa ko ng dumating ako dahil naroon ang kanyang sasakyan kaya dumaan ako sa kanyang opisina ngunit napansin kong wala si Melissa sa table nito sa labas ng opisina ng asawa ko at sarado ang opisina ng asawa ko pero alam kong narito ito pati sekretarya nito dahil sa sasakyan ng mga itong nakaparking sa labas.
Ang lakas ng kaba ko, wife intuition ika nila dali dali kong sinubukan kong pihitin ang lock ng pinto ng opisina nito at voila.... bukas ! sumilip ako sa loob at kitang kita ko na nagsi s*x ang dalawa nakaupo sa lap ng asawa ko ang sekretarya nito at nagtataas baba , at dahil sa kabisihan nilang dalawa wala man lang nakapansin sa akin. Agad akong tahimik na tumalikod na wari bang ako pa ang nahiya sa kanilang ginagawa.
Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko sa mata , nagdesisyon akong umuwi ng bahay. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita , sa isipan ko pa lang wala pang proof sobrang sakit na, pero mas masakit pala ang makita sa personal para kang pinatay ng harap harapan. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at nagdedisyong umalis ng bahay ni Albert. Dala ang kotseng bigay ng asawa ko ay tinunton ko ang daan papunta sa apartment na inupahan ko.
Buti na lang pala at parang blessing na meron agad available na unit kina Eva, siguro paraan ito ng Diyos dahil alam niyang nasasaktan ako sa panlolokong ginagawa ng asawa ko.
Gulat na gulat si Eva ng dumating ako bitbit ang maleta ko na umiiyak. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay napilitan akong ipagtapat sa kanya ang katotohanan. Naunawaan naman ako ng kaibigan ko kung ginusto kong maki paghiwalay sa asawa ko. Labis itong nag alala sa akin kaya sinamahan niya ako ng gabing iyon ,dahil sa sobrang hinagpis ay nakatulog ako ng mahimbing
nong nahiga ako sa bagong kama. Nang magising ako ay di na ako nakapag handa ng aking hapunan, binigyan na lang ako ng kaibigan ko para di na raw ako magluto. Ini off ko ang celfone ko kaya wala akong natatanggap ni isang tawag, ayaw kong may makausap na sino man magulang ko o lalung lalo na si Albert, galit ako sa kanila dahil sila ang naglagay sa akin sa napakasamang sitwasyon na ito kung di nila ako sapilitang ipinakasal kay Albert di ko mararanasan ang sobrang sakit na 'to sa puso ko. Masisisi ba ako sa nararamdaman kong ito? di ko sinasadyang minahal ang asawa ko , malay ko bang may karelasyon pala ito, di ko naman gustong makasira ng relasyon pero ba't ganon lahat ng kasinungalingan ginawa ni Albert para makasal kami , pati ate ko nasaktan ng sobra ,maski anong explain ko sa magulang ko na walang nangyari sa amin ng lalaking iyon di nila ako pinaniwalaan pero ngayon ba't solo akong nasasaktan? I hate them all !
" Lalo ka na Albert di kita mapapa tawad kailanman!... niloko mo ako !", galit na galit na histerya ko.
" Please, tama na friend ! nasasaktan rin ako sa nakikita kong pagdadalamhati mo ! kung ayaw niya sa 'yo eh ano andyan si Papa Luke , na handa kang mahalin ng totoo ", ngumiti ako sa sinabi ni Eva , naalala ko si Luke na tuwing nagkikita kami ay parang stalker na sumusunod sa akin saan man ako pumunta. Anumang pambabalewala ko rito ay di nito pansin at bigay ng kung anu ano.