Natasha's POV
" Tindi ng nerbyos ko friend ng kausapin ako ng asawa mo , sobrang gwapo pala sa personal kaya habulin ng tsiks , grabe ! na star struck ako friend marami ka talagang magiging karibal doon kasi complete package , imagine tall, rich and handsome ,wag na yung dark kasi sobrang puti kung di nga lang chickboy parang mapagkakamalang bading sa sobrang kinis. Swerte ng bff ko ah, mukhang natuturete pa sa kahahanap sa yo !", ilang beses ng paulit ulit na sabi ni Eva.
" Baka nasabi mo kung nasaan ako? di pa ako handang kausapin siya ngayon !" , may pagdududang tanong ko sa kanya.
" Of course di niya ako mapapaamin kung nakita mo lang pang best actress ang acting ko doon, alam mo ba pati si Luke pinuntahan sa engineering building kanina !, pero syempre di ko alam ang usapan nila ", kwento pa nito sa akin.
" Ano daw ba ang kailangan niya sa inyo?", usisa ko sa kanya.
" Wala namang sinabi basta hinanap ka lang at nagpakilala sa akin na asawa mo raw siya , syempre nagkunwari akong nagulat na meron ka palang asawa, pero sabi ko nga di kita makontak dahil naka off ang cp mo ", natatawang kwento nito sa akin.
" Buti naman at di ka umamin ninerbyos din ako dahil baka sa sobrang pressure mapaamin ka niya kung nasaan ako ", sabi ko sa kanya.
" Ba't di mo na lang kausapin para magkaalaman kayo kung di kayo
magkasundo eh di magdivorce kayong dalawa eh di ba madali lang ang divorce doon?", tanong nito sa akin.
" Please naman wag muna ngayon kasi palagi pa namang masama ang pakiramdam ko nitong huling mga araw , baka mamaya meron na akong cancer dagdag stress pa yan sa akon.", sabi ko sa kanya.
" Ha?! cancer? may cancer ka? ano ka ba ba't di mo sinabi sa akin ! ba't andami mong itinatagong sekreto! palagi na lang akong nagugulat sa mga revelations na biglang lumalabas eh, kung di ka pa nakokorner di pa kita mabibisto ", sumbat nito sa akin.
" Naisip ko lang yun , dahil palagi na lang masama pakiramdam ko ", turan ko sa kanya.
" Magpakonsulta ka na kasi para masigurado mo kung ano sakit mo ", pamimilit nito sa akin.
" Oo na, bukas magpapacheck up na ako !", promisa ko sa kanya.
" Sasamahan kita ! para alam ko rin ang kondisyon mo ", sabi nito, yun nga ang nangyari kinabukasan , di naman ako nasamahan ni Eva magpakonsulta sa doktor na kilala ng mama niya at dito rin lang mismo sa loob ng subdivision ang clinic nito kaya di naman masyadong hassle, kaso tanghali pa pala ang doctor darating dahil merong scheduled operation ito sa ospital kung saan ito resident doctor ,. inihatid ko na lang ang kaibigan ko sa school di na mapagdesisyunan ko na di pa rin pumasok dahil naroon na naman ang sasakyan ni Albert sa labas ng gate ,at sabi ni Eva ng mag usap kami sa phone naghihintay daw ito sa principal's office at ipinatatawag na ako ng principal kanina .Naku ,nakakainis itong taong ito ,masisira ang pag aaral ko , nasa top ten pa naman ako sa klase namin tapos sisirain nya lang ng ganon ganon lang. Tumawag na naman ako ulit sa mga teachers ko para iexcuse ako sa klase wala naman akong planong tumigil sa pag aaral dahil studying is one of my passion ,gusto kong maging successful in any field that I will choose , first time ko pa lang namang umabsent at saka talagang magpapa check up ako kaso di pa dumarating si doktor, pero nagpasked
na ako para pupunta na lang ako sa scheduled time ko at mamayang 1pm pa yun anyway di naman ako nagmamadali at ayaw ko rin sa labas ng subdivision eh kailangan ko mag ingat dahil may pinagtataguan ako di pwedeng pakalat kalat kung saan , sayang ang lahat ng effort ko sa pagtatago kung matutunton rin lang ako agad. Kusa naman akong lalabas kung kaya ko na sila harapin and I will be the one that will choose the right time and place kunswelo ko yun sa sarili ko but now pahihirapan ko sila sa paghahanap sa akin , parusa ko yon sa kanila. Matapos sirain ni Albert ang buhay at kinabukasan ko divorcing me will not be as easy as he assume, their legal union will not be as easy as they thought.Let them suffer the consequences and hardship of finding me, you both made me feel like an idiot and stupid for allowing you to break my heart, I hate you both !!!
" Ho?! ", para akong nabingi sa narinig ko mula sa doktor na nagtsek up sa akin.
" Do you have a boyfriend ?", unang tanong sa akin ni dok after niya akong
icheck meron daw syang nakapang fetal heartbeat kaya pinagamit ako nito ng PT at itinuro sa akin paano iyong gamitin and advice a transvaginal ultrasound for further confirmation which I did.
" Actually I'm married ",nahihiya man ay pag amin ko.
" Because ,you're six weeks pregnant as of now !", deklara ni Dr. Morales na isang GP , pagkatapos ko mag undergo ng check up .
" You mean to say I am not sick? I don't have cancer?", paniniguro ko sa kaharap.parang di pa ako makapaniwala sa findings nito.
"Yes ! the symtoms you experience is due to the early sign of pregnancy ", paliwanag nito.
" But I don't experience nausea and vomiting ?", sansala ko sa sinabi nito. Ano ba naman 'tong reaksyon ko mas tanggap ko ba ang may kanser ako kesa pagiging buntis?
"Good for you, but the discomfort and headaches you experience is also a sign of pregnancy ", esplika nito sa akin. Tahimik na akong nakinig sa lahat ng explainations nito at binigyan ako ng referral for an OB to see for my prenatal check ups. Nang tumalikod na ako para puntahan ang nirefer nitong OB ay kusang tumulo ang kuha ko, napakaiyakin ko nitong huling mga araw masyado akong sensitive pero wala naman akong food preference lahat ng maamoy kong pagkain ay gusto kong tikman , parang ang takaw ko ba ! Ba't ngayon pa nangyari ito kung kailan meron akong hinaharap na problema.
Agad ko ring iwinaksi ang naturang isipin , bakit ba eh blessing ito sa akin at kailangang malaman na ng magulang ko ang lahat dahil baka di ko kayanin ang responsibilidad na 'to ayokong maging kawawa ang anak ko. Tutal magulang ko ang naglagay sa akin sa problemang ito kaya dapat lang tulungan nila ako ,kasi di ko kakayanin ang gastos sa pagpapatsek up ,nag aaral pa ako, may binabayaran pang monthly rent sa bahay ,electricity and water . Hay naku ! sumasakit na naman ang uio ko sa pag iisip ng mabuting gawin. Nang sumunod na araw eh, ayon kay Eva di na niya nakikita na pumupunta si Albert sa school. Laking pasalamat ko at baka nagsawa na rin sa wakas , kaya after four days of absence ko sa school ay muli na akong pumasok.. Nong una akong pumasok ay napansin kong aloof sa akin si Luke na dati eh palagi akong sinasalubong sa bandang gate with flowers and chocolates ngunit di rin nito nalaligtaang isumbat sa akin kung bakit ko inilihim na may asawa na ako ,nang nginitian ko ito ay agad ding bumalik ang closeness namin yun nga lang natigil na ang flowers and chocolates friendship na nga lang siguro kaya namin ibigay sa isa't isa pero muli na naman itong sumasama kung saan kami gumagala ni Eva ,we become much more closer when we cleared things up. Nasabi ko na ring
buntis ako kaya sobrang ingat nila sa akin.
Albert's POV
Dalawang magkasunod na araw na sinubukan kong puntahan ang asawa ko sa University at nag abang humingi pa ng tulong sa dean at prof niya , pero wala akong napala dahil di ito nagpapakita di ko rin siya nakausap. Naisip kong baka dahil nakikita niyang naka park ang car ko malapit sa gate ng school kaya nagkakaroon ito ng pagkakataong takasan ako. Di ko na magawa at maharap ng maayos ang trabaho ko o negosyo dahil sa kahahanap sa kanya , mabuti na lang at isa sa mga kaibigan ko nagbigay ng advice na ipaubaya sa kaibigan naming secret agent ang paghahanap sa kanya at yun nga hinihintay ko ang report niya sa akin. After four days ayon dito ay pumasok na sa skwela ang asawa ko at alam narin niya kung saan ito nakatira , ang bilis ng action ng loko kong kaibigan ,iba talaga 'to pagdating sa mga nawawalang tao kaya di nakapanghihinayang maski may kamahalan itong maningil sa akin. confirm daw na roon nga ito nakatira sa katabing apartment ng kaibigan nito , safe aman daw ang lugar dahil nakita niya mismo nong magkunwari siyang nagkamali ng address na paghahatiran ng grab order at may idiniliber sa kapitbahay nito. Ang mahalaga sa akin eh nakita na siya..