Chapter 3: Dinner

1043 Words
Xander's POV Nandito ako ngayon sa bahay nina hime dahil gusto kong makita ang mga pamangkin ko at makausap na rin si hime tungkol doon sa paboritong estudyante niya. Tsk. Pagpasok ko nakita ko ang mga pamangkin ko na naglalaro. Si Akuma at Clara naglalaro ng barbie at si Hell naman hawak ang tablet niya siguradong hindi laro ang pinagkakaabalahan, siguro nag ha-hack na naman yan. Kahit nasa murang edad pa lang yan napakatalino minana ang talino ni hime kahit si Nix ang kamukha niya. "Tito!" sigaw ni Akuma ng makita ako tsaka tumakbo para yakapin ako. "Hello princess how are you" tanong ko. "I'm okey tito" sagot niya. "Nasaan ang mommy mo?" "Nasa kusina, she's preparing our meryenda" sagot niya. "Okey, go back to your sister and play okey" sabi ko at ginulo ang buhok niya. "Okey" sabi niya at bumalik sa kapatid niya. Matalino din si Akuma pero mas matalino nga lang ang kuya niya. Naglakad na ako papunta sa kusina pagkarating ko nakita ko si hime na naghahanda ng meryenda. "Hi hime" bati ko. "Hello, bakit ka na pa rito?" tanong niya. "Binisita ang mga pamangkin ko at swempre para makausap ka tungkol doon sa paboritong mong estudyante" sabi ko. "Nakausap mo na ba?" tanong niya kaya tumango ako. "Oh really? She's adorable right?" "Adorable? Tinawag mong adorable ang masungit, mataray at supladang babaeng yun?" "Totoo naman eh napakabait kaya niya, tapos masipag at magalang" "Really hime? Alam mo ba kung anong ipinakitang ugali ng babaeng yun sa harap ko? Nakakainis siya kung di lang yun babae sinaktan ko na yun" nanggagalaiting sabi ko pero imbes na sagutin ako tinawanan niya lang ako. "Whats funny?" inis na sabi ko. "Wala lang, ngayon lang ulit kita nakitang ganyan" sabi niya tsaka tumawa. "So, nahanap mo na ngayon ang katapat mo sa pagiging suplado mo" nang iinis na sabi niya. "Hime, hindi yun nakakatuwa" naiinis na ako kay Hime. "But for me, nakakatuwa yun, tsaka alam mo bagay kayo" halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What?!" gulat na sabi ko. Yung malditang babaeng yun bagay kami? No way. Wala pa nga yun sa kalingkingan ni Jessica eh. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo hime? Yung malditang babaeng yun bagay kami? Tsaka napakalayo ng agwat namin sa isa't isa, I'm 32 years old and she's only 22 makakasuhan pa akong child a***e" reklamo ko. "Age doesn't matter Xander tsaka hindi na bata si Francheka kaya hindi ka makakasuhan ng child a***e" sabi ni hime. Francheska pala ang pangalan niya? Hindi bagay sa ugali niya ang pangalan niya. Tsaka anong age doesn't matter na sinasabi ni hime? "Hime, ano bang gusto mong iparating hime ah? Na ligawan ko yung babaeng yun?" "Wala akong sinasabing ganyan, ang gusto ko lang namang iparating sayo ay kailangan mo ng mag move on sa naraan. Kaya wala kang nililigawan dahil nakakulong ka parin sa nakaraan na matagal ng lumipas, Xander 13 years is enough para mag move on pero hindi ka parin naka move on, lahat kami naka move on na at may sarili ng pamilya. Oo masakit din sa amin ang mawalan ng kaibigan pero hindi yun dahilan para hindi ipagpatuloy ang buhay. Habang may buhay may pag asa Xander tandaan mo yan. Buksan mo lang ang isip at puso mo sa ibang tao hindi yung kinukulong mo ang sarili mo sa nakaraang alam nating hindi na maibabalik kailanman" sabi niya at iniwan akong nakatulala sa kusina. She's right, hime's right kinulong ko nga ang sarili ko sa nakaraan lahat sila may kanya kanya ng pamilya at masaya na, habang ako heto at nag iisa parin. Cheska's POV "Ms. Pres hindi ka ba uuwi?" tanong ni Dawn. (Sc Secretary) "Mamaya na, kailangan ko pang tapusin ito dahil bukas na ang welcome party para kay mr. Roswell" arrrgg ayoko talagang binabangit ang pangalan nung suplado at mayabang na lalaking yun, porque ba kakambal siya ni ate Alex pwede na niya akong ganunin. Nagtataka talaga ako kung kakambal nga ba talaga ni ate Alex yun eh dahil magkaiba ang ugali nila pero nakita ko mismo na kamukhang kamukha siya ni ate Alex kaya hindi ko maikakaila iyon. "Okey ms. Pres una na ako" sabi niya kaya tumango ako. Narinig kong nag bukas sara yung pinto kaya finocus ko na ang sarili ko sa ginagawa ko dahil focus ako sa ginagawa ko at tahimik sa office medyo nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan ang tawag, nang makita kong sinate Alex iyon agad kong sinagot. "Hello po ate Alex" sabi ko. [Hello Cheska]  "Bakit po kayo na patawag ate?" tanong ko. [May dinner mamayang 8 dito iimbitahan sana kita dito para mag dinner okey lang ba sayo? Hindi ka ba busy?] tanong niya. "Ah hindi naman po sige po pupunta po ako" sabi ko. [Thank you, hihintayin kita] sabi niya at binaba na niya ang tawag. Nakailang beses na akong pumunta sa mansion nina ate, sobrang bait nilang mag asawa tapos ang cute pa ng mga anak nila lalo na ang twins. Naeexcite na tuloy akong pumunta ulit sa mansion nina ate Alex at kuya Nix. Xander's POV ~8pm, dinner time~ Nakarating na ako sa bahay nina hime para sa dinner namin one in month ginagawa namin ito para magkaroon kami ng closure ng mga kaibigan namin. Sobrang busy na namin sa kaniya kanya naming mga buhay kaya wala na kaming time mag bonding kaya naisip ni hime ito. Pagkapark ko pumasok agad ako at nakitang ang mga anak ni hime kasama ang mga anak ng mga kaibigan namin. Si Yana Isabell 5 years old panganay at Set Ethan 3 years old bunsong anak nina Kyla at Jerome. Si Silver 4 years old nag iisang anak nina Lianne at Timothy. At si Eugene Dave 1 years old anak nina Barbie at Mark. Sina Em at Bryan magkakababy pa lang 3 weeks na ang tiyan ni Em. "Hey kids" bati ko sa kanila. "Hello tito" bati sakin nina Clara, Yana, Set at Eugene tsaka ako niyakap pero sina Hell at Silver walang pake. Magkavibes yung dalawang yan eh. Kung si Hell cold at masungit, si Silver naman suplado at di namamansin. Parehas silang adik sa gadget pero hindi tulad ni Hell games yung pinagkakaabalahan ni Silver. "Buti nakarating ka na, umupo kana muna dahil meron pa tayong isang bisita" sabi ni hime. Sino naman yung bisita eh kumpleto na kami. "Sino?" tanong ko. "You'll see" sabi ni hime at saktong may nagdoorbell. Mayamaya bumukas ang pinto at pumasok yung nagdoorbell ng makilala ko kung sino nanlaki ang mata ko. "IKAW/YOU!" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD