Chapter 4: Dinner o Disaster?

1045 Words
Xander's POV "IKAW/YOU!" sabay na sabi namin. Anong ginagawa ng masungit na babaeng ito dito? Kung nagtataka kayo kung sino ang dumating siya lang naman yung masungit na president, oo tama si Francheska nga. "Bakit ka nandito?" gulat na tanong ko. "Inimbita ko siya dito" sagot ni hime. Napaharap naman ako sa kaniya. Siya ang nag imbita? Bakit? "Bakit mo siya inimbita hime?" "Bakit hindi?" "Hime, dinner natin tong magkakaibigan" "She's my friend at kapatid na rin ang turing ko sa kanya" "But hime.." naputol ang sinabi ko ng magsalita si ms. Sungit. Ms. Sungit na ang itatawag ko kasi masungit naman siya. "Alam mo, kahit naman ako ayokong makasama ka. Kung hindi lang nakakahiya kina ate Alex at kuya Nix aalis ako dito dahil ayokong makita yang napakapangit mong mukha" sabi niya. "Abat..." naputol ulit ang sinasabi ko ng may sumigaw. "Tita Cheska!" sigaw ng kambal at tumakbo sila papunta kay ms. Sungit. Lumuhod si ms. Sungit at niyakap ang kambal. Teka seriously ang kambal yumakap sa kanya at ang nakakagulat pa si Hellion nakangiti sa kanya. Anong nangyayari? Mukhang pati ang mga kasama namin nagulat maliban kina Nix at Hime na nakangiti. "Alam mo ba Cheska hinahanap ka ng kambal na yan lalo na si Hellion" sabi ni hime. Hinahanap ng kambal si ms. Sungit? "Talaga po?" sagot niya kay hime tapos tumingin siya sa kambal. "Namiss niyo ba si tita Cheska?" tanong ni ms. Sungit sa twins. "Opo tita" sagot ng kambal. "Tita bakit ngayon ka lang pumunta dito? Ang boring kaya dito wala akong makausap tungkol sa hacking. Wala namang alam sila tito at tita doon eh si mommy naman busy kaya wala akong makausap tungkol doon" mahabang sabi ni Hellion naikinalaki ng mata namin. Really si Hell mahaba ang sinabi? "Sorry baby busy si tita eh graduating na kasi ako, don't worry kapag natapos ako babawi agad ako" sabi ni ms. Sungit. "Really?" tanong ni Hell. "Yes" sagot ni ms. Sungit. "Yehey!" masayang sabi ni Hell at niyakap niya si ms. Sungit. "Kuya wag mo naman solohin si tita" Anong nangyayari? Ngayon ko lang nakitang ganito si Hell. >FastforwardTo be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD