Chapter 2: Meet

1000 Words
Cheska's POV Nang makarating ako sa principal's office agad akong kumatok. "Come in" sabi niya. Binuksan ko na ang pinto tsaka pumasok. Nang maisara ko ang pinto umupo ako sa upuan sa harap ng table niya. "Ms. Alvarez pinapunta kita dito dahil gusto kang ma meet ni mr. Roswell" sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Bakit gusto akong ma meet ni mr. Roswell, I know mr. Roswell hindi ito basta basta makikipag meet sa mga hindi importanteng tao. "Bakit gusto akong i meet ni mr. Roswell?" tanong ko. "Dahil gusto niyang makilala ang president ng school na ito, alam mo naman na ikaw lang ang president na nagpasunod sa mag estudyante dito" sagot niya. Madami na kasing naging president ng school na ito pero lahat sila hindi nagtagal dahil binubuli sila ng mga gangsters. Kaya lahat sila ng ki-quit. "Ganun ba ka-big deal iyon para i meet ako ni mr. Roswell? Take note kakambal niya ang may ari ng school" sabi ko. "Oo big deal iyon, hindi birong maging president ng school lalo na at gangster school ito. May mga normal student nga pero mas madami ang nga gangster dito" sabi niya. "Fine, kelan ko siya ma me-meet?" tanong ko. "Ngayon na" "Ngayon na?" gulat na tanong ko. Eh kasi naman kasasabi lang niya tapos i me-meet ko agad siya. "Yes, ngayon" "Eh paano kung hindi ako pumayag" "Sigurado naman akong papayag ka" Arrrggg suko na ako. "Sige kuya alis na ako" sabi ko kay principal. Hindi ko kapatid ang principal pero kapatid na ang turing niya sa akin. Mas matanda siya ng tatlong taon sa akin. ~ "What?! i me-meet mo si mr. Roswell?!" sigaw ni Jinri. Tsk, sana pala hindi ko na sinabi sa kaniya maingay kasi yan kapag magugulat at kinikilig. "Oo" walang buhay na sagot ko. "Grabe, ang swerte mo makakausap mo ng harap harapan si mr. Roswell" kinikilig na sabi ni Jinri. "Tsk, Jinri hindi big deal ang pakikipag usap kay mr. Roswell, makikipag meet lang siya para makilala as a PRESIDENT hindi kami magde-DATE" sabi ko at diniinan pa ang President at date. "Kahit na, makikita mo siya harap harapan"  "Tss ewan ko sayo, wala akong time sa ganyang walang kuwentang bagay" sabi ko at iniligpit na ang mga gamit ko, kailangan ko na kasing i meet si mr. Roswell. "Walang kuwenta?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Tinawag mo ng walang kuwenta si mr. Roswell? My gosh Cheska tao ka ba? Isang greek god si mr. Roswell tapos tatawagin mo lang siyang walang kuwenta? Manhid ka ba?" sigaw niya. Tsk. Nagiging OA na naman si Jinri. Napa roll eyes na lang ako dahil sa pag ka OA niya. "Hindi ako manhid at tao ako okey ayoko lang sa mga lalaki, alam mo naman mas priority ko ngayon ang pag aaral ko, hindi ako katulad niyo na laki sa layaw ok, kailangan kong mag sikap para umahon sa hirap" sabi ko tsaka lumabas na ng office. Hindi ako mayaman gaya ng mga nag aaral dito. Isa ako sa mga scholar dito sa school maswerte na nga lang ako dahil naging president ako dahil may dagdag allowance ako. Mayamaya nakarating na ako sa office ng may ari ng school. Kumatok ako para malaman ni mr. Roswell na nandito na ako. "Come in" sabi niya. Nakakakilabot ang boses niya kung matatakutin siguro ako nangatog na ang tuhod ko. Binuksan ko na ang pinto at pumasok. "Magandang umaga mr. Roswell, gusto niyo daw po akong makausap?" pormal na bati ko. "Hindi ba obvious kaya nga kita pinapunta dito" napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Aba porque ba kakambal siya ng may ari ng school, babarahin ako? Tsk tama nga sila suplado nga siya. "Obvious naman pero nagtataka lang ako kung bakit mo ako pinatawag" masungit na sabi ko at nakapamewang pa sa harap niya. Napataas din ang kilay nito sa sinabi ko. Anong akala nito hindi ko siya kaya? "Kaya gusto kitang makausap dahil gusto kong malaman kung paano malaman kong paano mo napasunod ang nga estudyante dito, alam mo naman na gangsters ang mga nag aaral dito. Imposibleng mapasunod ng normal na estudyante ito lalo na sa kagaya mong babae" aba't iniinsulto ba ako ng lalaking ito? How dare he! "Porque ba babae hindi na kayang magpasunod ng mga estudyante, tsaka hindi porque ba gangsters ang nag aaral dito hindi ko na sila mapapasunod?" inis na sabi ko. Tsk, minamaliit niya ba ang kakayahan ko bilang isang president? Kahit hindi ako gangster alam ko pa din kung paano putulin ang mga sungay nila. "Hindi naman sa ganoon ms. Alvarez nagtatanong lang ako" "Tsk, wag mong husgahan ang pagiging president ko mr. Roswell, hindi porque kakambal ka ng may ari ng school eh mamaliitin mo na ako" "Hindi naman iyon ang pinupunto ko nagtataka lang ako kung paano na pa tino ng isang babae ang mga gangster" "See, minamaliit mo ako, kung ganyan lang din ang sasabihin mo aalis na ako" sabi at tumalikod na sa kanya para lumabas. "Wag mo akong tatalikuran ms. Alvarez kinakausap pa kita" naiinis na sabi niya. "Tapos na tayong mag usap mr. Roswell" sabi ko ng nakatalikod parin. "Alam mo bang sa inasal mong yan pwede kong ipatanggal ang scholarship mo" Humarap ako sa kanya at nagpamewang tsaka siya tinaasan ng kilay. "For your information mr. Roswell hindi ikaw ang may ari nito kaya wala kang karapatang tanggalin ang scholar ship ko" "Pero kakambal ko ang may ari nito kaya ko siyang kausapin" "Hindi porque kakambal mo ang may ari pwede mo nang pakialaman ang mga estudyante dito at tsaka kilala ko si ate Alex hindi siya basta basta magpapaalis ng scholarship sa isang estudyante ng walang dahilan, so now excuse me mr. Roswell may kailangan pa akong gawin" Xander's POV Sh*t. Naisahan ako bakit ba kasi niya nakila si hime at ang malala tinawag pa siyang ate Alex nalaman tuloy niya na hindi basta basta mag aalis ng scholarship si hime sa mga estudyante lalo na sa kanya. Binibida kasi siya sa akin ni hime dahil napasunod niya ang mga estudyante sa school niya kaya nga siya gustong makilala sabi daw kasi ni hime mabait daw siya, masipag, magalang at mapagkumbaba pero ibang iba siya sa sinasabi ni hime, napakataray niya, masungit at bastos. Tsk mali yata ang pagkakakilala sa kanya ni hime. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD