Chapter 5: Chocolate Cake

1223 Words
Xander's POV "Teka, anong amoy yun? Ang bango" sabi ni Tim at inamoy amoy pa kaya napaamoy narin ako. Tama siya ang bango nga, amoy chocolate cake bigla tuloy akong natakam. "Mukhang alam ko na kung sino ang may dahilan ng mabangong amoy na yan, tara puntahan natin" pagyaya ni hime. Sumang ayon naman sila kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod na din. Pagpasok ko nakita ko si ms. Sungit na naka apron at nilapag sa mesa ang isang chocolate cake. "Sabi na at ikaw ang may gawa ng masarap na amoy na naamoy namin" sabi ni hime kay ms. Sungit. "Nagugutom na po kasi ang mga bata ate kaya pinagbake ko sila at dinagdagan ko ba rin para makakain din po kayo" sagot ni ms. Singit. So, siya ang nagbake? "Ikaw ang nagbake?" tanong ko. "Oo" masungit na sagot niya. "Tss kung ikaw ang gumawa siguradong hindi masarap" nakangising sabi ko. "Kung hindi masarap wag kang kumain hindi ko naman ginawa ito para sayo tsaka hindi naman sumagi sa isip ko na kasali ka sa kakain eh" sabi niya na ikinainis ko. Pst, akala ba niya kakainin ko yun? Baka mamaya masira lang ang tiyan ko kapag kinain ko yan. Nakaupo lang ako dito habang nilalaro si Eugene habang sila kumuha na ng cake ni ms. Sungit at kinain. "Wow, ang sarap" manghang sabi ni Em. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nasarapan siya? Sa pagkakaalam ko mapili sa pagkain si Em ng mabuntis siya lahat inaayawan niya pero ngayon. "Oo nga parang professional ang gumawa" puri ni Kyla. "Isang culinary student si Cheska at sobrang sarap magluto dinaig pa ako" sabi ni hime. "Pwede ka ng mag asawa" -James. "Oo nga lalo na at ang sarap mong magbake" sang ayon ni Mark. "Xander tikman mo masarap" sabi sa akin ni Nix at nilapag ang slice cake sa kaharap ko. Bigla akong natakam sa itsura nito. "Sige na" sabi naman ni hime. Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko kasi sinabi ko pa naman kay ms. Sungit hindi masarap ang binake niya. "Pabayaan niyo na nga yan ate, kung ayaw niya edi wag napakaarte parang di lalake" sabi niya na ikinainis ko. Anong gusto niyang iparating bakla ako. Tss. "Hindi ako maarte, papatunayan kong hindi ako maarte" sabi ko at sinubo ang cake na nasa kutyara ko. Nang matikman ko ang cake hindi ko maipaliwanag ang sarap na natitikman ko at dahil nasarapan ako hindi ko namalayang subo ako ng subo at ng maubos ko kumuha ulit ako. Grabe ang sarap. "Hindi pala masarap ah" pang aasar na sabi sa akin ni ms. Sungit at nakangisi pa. Kaya natigilan ako sa pagsubo. "A-Ayoko na hindi masarap" pagsisinungaling ko kahit masarap talaga ayoko lang maapakan ng ms. Sungit na yan ang pride ko. "Hindi masarap? Eh nakadalawang kuha ka na nga and take note malalaki yun" -ms. Sungit. Arrrggg bakit ba kasi ang sarap wala tuloy ang masabing pang lalait sa kanya. "Fine! Masarap na masaya ka na?" inis na pagsuko ko tsaka nagwalk out. Cheska's POV Hmmp hindi daw masarap eh halos maubos na niya ang kalahati ng cake tapos hindi masarap? Yan tuloy pahiya, ang taas kasi ng pride ng lalaking yun. "Hahaha grabe Cheska ang galing mo" tumatawang sabi ni ate Lianne. "Oo nga, ngayon ko lang ulit siya nakitang mainis" sang ayon naman ni kuya Jerome. Ngayon lang ulit nila nakitang ganun si mr. Suplado? Bakit dati ba iba ang ugali niya? "Ngayon niyo lang po ulit nakitang ganun yun? Dati po ba hindi siya ganun?" takang tanong ko. "Oo ibang iba ang Xander na nakilala namin noon, kesa sa Xander na nakikita natin ngayon" sagot ni ate Emerald. "Ano po ba ang dating ugali nun?" tanong ko. "Wala kami sa lugar para sabihin yun kung gusto mo talagang malaman sa kanya mo itanong" sagot naman ni kuya Nix. Tsk tatanungin ko yung lalaking yun? No way kahit hindi ko na malaman ang nakaraan niya tsaka hindi naman ako interesado na malaman ang mala mmk niyang buhay. Kung mala mmk nga. ~ Pagkatapos namin magkwentuhan umuwi na ako dahil 11pm na at may gagawin pa ako dahil pupunta si mr. Suplado. Psss makikita ko na naman ang kasuklam suklam na mukha ni mr. Suplado. Dahil sobrang gabi na pinahatid ako sa driver nilang si tatang Jerry dahil nga madalas ako dati dito naging kaclose ko na siya dahil siya ang naghahatid sa akin sa bahay. "Salamat tatang Jerry ingat po kayo" sabi ko ng makarating kami sa bahay. "Ikaw din anak" sabi niya at umalis na. Naglakad na ako papunta sa bahay at nakita kong madilim na siguro natutulog na si mama at papa, alam naman kasi nilang gagabihin ako at pupunta kay ate Alex. Kilala na nila si ate minsan na kasing nagtrabaho doon si mama bilang katulong ang kaso hindi siya nagtagal kasi nagkasakit siya. Kinuha  ko ang duplicate key ko at binuksan ang pinto. Pumasok ako at nilock ng mabuti ang pinto. Nang masiguro kong nakalock na pumunta na ako sa kwarto ko at inilagay na sa study table ko ang gamit pagkatapos punta sa banyo ko para maghalf bath. Nang matapos ako nagbihis ba ako at natulog dahil maaga pa ako bukas at kailangan ko ng i-finalized ang event. Importanteng tao ang pupunta kung importante nga. Mas maganda kung pa-importante. >KinabukasanTo be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD