Chapter 3: Annoyed

2210 Words
NAPANGITI si Zale nang matanaw ang kaibigan sa veranda. Pababa siya ngayon ng sasakyan. Dadalawin niya lang dahil matagal siyang mawawala. Depende kasi sa resulta ng lakad niya sa Bicol. Kaarawan kasi ni Lexxie sa susunod na linggo. Kaagad na pinapasok siya ng guard nang makilala siya. May bitbit pa siyang regalo. “Hi,” aniya na ikinaangat nang tingin ni Lexxie sa kanya. “Zale! Long time no see, huh!” Sinalubong siya nito. Pero napakunot din ng noo dahil sa bitbit niya. “Happy birthday, Ate!” “Hoy, next week pa! Pero thank you.” Kinuha ito ang dala niyang regalo at ipinatong sa mesa. Nag-angat ito nang tingin sa kanya. “Aalis ka na naman?” aniya. “Yeah. Mga ilang buwan siguro.” “Nagpaalam ka sa Daddy mo?” “There’s no need. Dadalhin ko naman ang trabaho ko kaya hindi ko mapapabayaan ang kompanya,” aniya. Alam kasi ni Ate Lexxie na hindi sila gaanong nag-uusap ng ama simula nang mamatay ang ina. Hindi rin siya sumasama kapag may salu-salo lalo na sa bahay ng mga Madrid. Mahigit isang oras pa siyang nakipagkuwentuhan kay Lexxie. Kung hindi pa siya nakatanggap nang tawag mula kay Ninong Matias ay hindi siya magpapaalam. Hindi pa siya nakakatayo sa kinauupuan nang matanaw ang papasok na si Ian. Napabuga siya nang hangin. Iniiwasan niyang magtagpo ang landas nila dahil hindi niya mapigilan ang sariling hindi kumulo ang dugo. Ilang taon na siyang umiiwas sa mga ito maliban kay Lexxie na naging mabuti sa kanya noon pa man. “Hey, bud! Where have you been these past few years?” “Condo? Opisina?” Hindi niya alam kung nahalata niyang medyo may pagkasarkastiko ang boses niya nang mga sandaling iyon. “O-okay,” ani ni Ian sabay tingin kay Lexxie na nakasimangot. Aso’t pusa ang dalawa noon pa man kaya nakasimangot ang kaibigan nang tumingin kay Ian. “So, mauna na ako,” aniya dito. Tinampal ni Ian ang braso niya na ikinapikit niya. Kasabay din niyon nag pagkuyom ng kamao niya. Kaya ayaw niya talagang nakakaharap ito. Biglang inalis ni Ian ang kamay sa braso niya nang tingnan niya iyon nang masama. Ngiting mapakla ang iginawad niya sa dating kaibigan saka iniwan ito. Ilang beses siyang nagmura nang makapasok sa sasakyan. Alam naman ni Mauro kung bakit kaya hinayaan lang siya nito na magsisigaw sa loob ng sasakyan. Hindi naman rinig sa labas kaya wala siyang pakialam. Inayos niya ang tuxedo nang kumalma na siya at saka naman pinaandar ni Mauro ang sasakyan papunta sa napag-usapan nila. Ngayon na ang alis niya papuntang Bicol gamit ang chopper. SAMANTALA… "TULUNGAN ko na po kayo," ani ni Cinderella sa isang matanda na may bitbit na timba. Mula kasi sa balon hanggang sa bahay nito ang lalakarin pa nito. Tapos kabilaan pang kamay ang may hawa. Sobrang bigat niyon sa edad nitong singkuwenta na. Dapat kasi mga anak nito ang mag-iigib hindi ang ina nito. Ang kaso, laging wala dahil parating nasa galaan daw. “Salamat,” nakangiting sabi ng ginang. Napatingin siya kay Madeleine na umiiling. Nasa kabilang bahay lang ito ng tinitirhan niya. Ayaw nitong malayo sa kanya kaya ang kinuha nitong bahay ay magkatabing bakante. Balak niya kasi, sa unang buwan, kikilalanin niya muna ang mga residente doon saka niya isasagawa ang programa sa barangay na napili. Pagkalapag niya ay nagpaalam na siya sa ginang dahil pupunta siya sa talipapa ng isla na iyon. Mag-stock lang siya ng karne at bibili ng isda at gulay para pang-ulam ngayong araw. Galing sila kahapon sa sentro ng bayang iyon, namili ng ibang pangangailangan nila gaya ng mga kaldero, kawali, utensils at iba pa. May pinabili din siyang ref dahil may kuryente naman sa isla na iyon. May pinalagay din siyang solar panel at generator para maging backup incase na mawalan ng kuryente. Napangiti siya nang makita ang mga residente sa talipapa na iyon. Masigla ang talipapa dahil maraming mabibili maliban sa mga isda. May kinuhang pwesto si Madeleine doon bago pa man siya dumating. Isang linggo ang pagdating niya ay kinuha nito ang pwestong iyon sa tulong ng kapitan ng barangay na iyon. Mga gulay, manukan at maliit na grocery-han naman ang tinitinda para hindi halatang tauhan niya ito. Ang ilang tauhan nito ay ilang mga security na nagbabantay sa kanya. Ang iba naman ay pakalat-kalat kung nasaan siya. Una niyang nilapitan ay ang tilapya. Pumili siya doon ng malaki. Balak niyang mag-ihaw mamayang gabi, yayayain niya si Madeleine sa kabila. Pumili din siya ng pusit at isang tulingang malaki. Para naman ‘yan bukas ng umaga. Ipapamigay naman niya sa mga kapitbahay ang ibang maluluto niya. Sunod niyang pinuntahan ang karne na ii-stock sa ref. May araw kasi ang pagtinda nila dito kaya bumili talaga siya ng pang-stock sa ref. Pero natigilan siya nang mapatingin sa customer ng stall na iyon. Pamilyar ito sa kanya. Hindi lang niya matandaan kung saan. Pinalis na lang niya ang nasa isipan at pumili ng karneng baboy. “Isang kilo nga po dito.” Tinuro niya ang pang-pork chop. “Saka isang kilo na pang-adobo cut lang po,” aniya. Kaagad namang tumalima ang katabi ng isang tindero na nagsusukli sa katabi niyang customer. Napatingin siya sa katabi niya nang malaglag ang susi sa lupa. Ang buong akala niya napansin at kukunin nito ang susi pero hindi. Mabilis ang mga naging hakbang nito. Pinulot niya ang susi kapagkuwan. “Mister!” tawag niya pero hindi man lang siya narinig. “Kuya pwede pong pakibilisan? Habulin ko lang po ‘yong lalaki dahil nahulog niya ang susi niya.” “Sige, Ma’am.” Tinulungan na na ng isang lalaki mag-chop ang kasama at nilagay sa plastic. Pagkabayad niya ay tiningnan niya ulit ang lalaking nakahulog ng susi, nakikita niya pa rin dahil deretso lang ang daang tinatahak nito. Mabilis ang mga naging hakbang niya na nilisan ang talipapa. Sinalubong siya ni Madeleine kaya inabot niya rito ang pinamili at sinabihang magpadala na lang ng gulay sa bahay na tinitirhan niya. Hingal na hingal na narating ni Cinderella ang kantong nilikuan ng lalaki. Napatingin siya sa malaking karatula na may arrow. Transient house ang tinuturo niyon. Sinundan niya ang arrow na lakad-takbo ang ginawa. “Mister!” “Yes?” anito nang lingunin siya. Papasok na ito sa gate nito “Naiwan mo sa talipapa.” Pinakita niya ang susi dito. “Oh.” Kinapa nito ang bulsa at hinanap pero wala kaya tumingin ito sa kanya. “That’s mine, Miss.” “Yeah. Nahulog mo nang bumili ka ng karneng baboy.” Ibinigay niya dito kaya “I see. Anyway, thank you.” Ngumiti ito sa kanya pero napatitig lang siya dito. “Um, have we met before?” aniyang may pagtataka. Tumitig din ito sa kanya. Walang kurap-kurap. “Hindi kita maalala, Miss. Are you one of my ex-girlfriends? Sinusundan mo ba ako dito?” “What? Of course not! Pamilyar ka lang sa akin pero hindi ako isa sa mga naging ex.” Sinuyod niya ito. Magandang lalaki siya– “Oh, naalala na kita. Ikaw ang lalaking pumasok sa banyo nang nasa airport ako.” Saglit ding nag-isip ito. “Oh. Ikaw ‘yong nagsabing bakla ako. I’m sorry, Miss. Akala ko isa ka sa mga naging ex ko.” Ang kapal, huh! Mahirap kaya kalimutan ang mukha niya dahil sa kagandahan niya. At napagkamalan pa siyang ex nito? Kaloka! “Hindi ka naman kaguwapuhan, Mister, para pagpilahan ng mga babae,” aniya sa inis na ikinalukot ng mukha nito. “Ouch!” anito. “Sana pala hinayaan ko na lang na mawala ang susi mo!” aniya sa mahina pero alam niyang narinig nito. Imbes na hintayin ito na magsalita ay tinalikuran niya na lang ito. Mali yata ang ginawa niyang pagsauli ng susi. Nainis pa siya. Pero ano kaya ang ginagawa niya dito? Hindi kaya dito nito napiling magtago? Pero bakit dito pa, e, madami namang lugar sa Pilipinas. Bumalik na lang siya sa tinutuluyang bahay at inayos ang mga pinamili. Saktong kakapasok lang ni Madeleine pala noon sa bahay niya. “Saan ka galing?” “Ibinalik ko lang ang susi nakita ko sa talipapa,” aniya. Hindi na niya sinabi ang buong detalye. Matanong si Madeleine. Baka maintriga ito kapag sinabi niyang nakita dito ang lalaking nakilala sa airport. Magkasama na inayos nila ang mga pinamili niya mayamaya. Nagyaya din si Madeleine na maligo kaya nagpalit siya ng panligo. Pinatungan lang muna niya ng puting damit dahil sa dulo banda sila maliligo. Marami kasing kabahayan sa tapat nila kaya hindi sila naliligo doon. Ang liit talaga ng isla, nakasabay nila ni Madeleine ang lalaking nagmamay-ari ng susi. Mukhang maliligo din may nakataklob na towel sa ulo. “Hi, I’m Zale,” pakilala niya nang harangin nito ang dinadaanan niya. Kanina pa kasi siya nito kinakausap pero hindi siya sumasagot, si Madeleine na lang. Hindi rin kasi binigay ni Madeleine ang pangalan niya kaya nangungulit ito. Gusto raw nitong humingi pasensya sa sinabi kanina. “Akala ko ba mabait sa turista ang mga tao dito,” parinig nito na ikinatigil niya. “Mababait naman mga tao dito, pero sa kagaya mong mahanging at feeling, hindi.” Iniwan niya ito at hinila si Madeleine. Pero hindi pa sila nakakalayo nang magsalita ito. “Ganyan na ganyan ‘yong ex ko nang mapasagot ko!” sigaw nito. “Masungit din!” “Sa tingin ko, may problema sa mata ‘yong ex mo, napasagot mo.” Hindi ko maiwasang patulan ang pagiging mahangin niya. “Ang guwapo niya, noh?” Si Madeleine na sinimangutan niya. Walang Ma’am kapag nasa labas sila, iyon kasi ang bilin niya. “Nakaraan ko pa siya nakita dito. Zale Salazar pala ang pangalan niya, bagay sa kanya.” Parang kinilig pa si Madeleine. “Ah, kaya pala kinausap mo kasi nakita mo na nitong nakaraan. Hindi mo pa nga kilala ng lubusan, nakikipag-usap ka na.” “Mukhang mabait naman. Saka turista ‘yan na nakatira doon sa bagong tayo na transient house.” Parang gusto niyang sabihin na alam niya, kaso, baka ano isipin ni Madeleine. Maingat na inilagay niya ang baon na backpack sa batuhan. Maliit lang iyon at ang laman ay telepono niya lang. Nasa balikat na niya kasi ang towel. Tinanaw niya ang lalaking mahangin, nakadipa pa. Mukhang naghihintay na yakapin ng hangin. May suot na sunglass kaya hindi niya alam kung nakapikit ito. Napagtanto niyang mag-isa lang pala ito. Wala kasi siyang makita na mga kasama nito. Naunang lumubog si Madeleine dahil biglang tumawag ang ama at nangumusta. Tinanggal na niya noon ang t-shirt. Nakaupo siya sa dalampasigan habang kausap ang ama. Nilalaro niya rin ang puting buhangin. “Bye, Dad,” paalam niya dito mayamaya. Walang araw talagang hindi ito tumatawag sa kanya. Normal na kasi sa ama ang mag-alala sa bunsong anak. Siya iyon. Apat silang magkakapatid. Ang dalawa niyang kapatid na sinundan niya ay parehas na nasa ibang bansa, may kani-kaniya ng buhay. Ang isa ay pamilyado na, at ang isa naman ay busy sa karera nito. At ang pinaka panganay naman nilang lalaki ay isa namang kongresista, may-asawa na pero hindi nila kasama dahil sa lugar ng napangasawa nito ito tumakbo. Kaya siya na lang ang natira sa tabi ng ama. Wala pang isang oras silang naliligo nang magpaalam si Madeleine sa kanya na kukuha ng makakain nila. May bantay naman daw siya sa paligid niya. Saglit niyang pinagsawa ang sarili sa dagat nang magpasyang maupo ulit sa dalampasigan. Wala siyang pakialam kahit na mainit. Nahiga pa siya at pumikit habang inaabot naman ng tubig ang kanyang mga paa. Dinig niya ang paglapag ng gamit sa gilid niya. Ang bilis namang makabalik ni Madeleine. “Ano ‘yon, tinakbo mo ang bahay?” aniyang nakapikit. Walang sumagot kaya napamulat siya. Napaupo siya bigla nang mabalingan ang lalaking nakahiga na rin. Walang damit pang itaas at tanging trunks lang ang suot nito. “Anong ginagawa mo dito?” Nagmulat ito ng mata at bumaling sa kanya. “Ginagaya kita,” nakangiting sagot nito. “Nag-su-sunbathing din.” Hindi sinasadyang napasulyap siya sa katawan nitong hantad. Ngayon lang niya napagtantong may tatoo pala ito. Sabagay, may damit ito nang makita niya. Pinakatitigan niyang maiigi ang tattoo nito. Kung hindi siya nagkakamali, mukha iyon. Pero kalahati lang ang nakikita niya dahil nasa likuran yata ang karugtong niyon. Wala siyang hilig sa totoo pero gustong-gusto niyang nakikita iyon. “My Mom,” malungkot na sabi niya sabay turo sa tattoo. “A-ang ganda,” wala sa sariling sambit niya. “She is,” seryosong sabi niya. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa ina nito. The fact na pinatattoo pa niya sa katawan nito. “So you like tattoos?” tanong niya mayamaya. “Yeah.” Totoo naman kasi. “How about the person with tattoos?” Kakaiba ang ngiti nito kaya napaiwas na siya nang tingin. Kahit saang paraan talaga, mahangin ito. Nang sabihin lang yata nito kanina sa kanya na mukha ng ina nito ang tattoo na iyon ang pinaka-sinsero niyang narinig mula dito. The rest, puro mahangin na. “Just the tattoo, stranger,” sagot niya at iniwan ito. Lumubog siya sa dagat at muling inenjoy ang dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD