"BOSS." Napalingon si Zale sa butler na si Mauro nang tawagin siya nito. Pasado alas dos na ng madaling araw noon. "Hindi ka pa rin po makatulog?" "Hmm," aniya sabay lagok ng alak. "Inihanda ko na ho ang entertainment room. Baka gusto niyo pong manood." Tumango ako sa kanya. "Thank you." Simula nang magkaroon siya ng amnesia, nahihirapan siyang matulog sa gabi. Pero dahil nasa tabi niya si Ella, nakakatulog siya nang maayos. Pero ngayon, hirap ulit. Marahas na buntonghininga ang pinakawalan niya nang maalala ang dalaga. May oras nga na gising siya sa gabi at sa umaga naman tulog. Hindi niya alam kung bakit bumalik nang magkaroon siya nang amnesia. Sa unang buwan niya lang iyon noon naransan nang mamatay ang ina. Ngayon, bumalik ito at nagtagal pa nga. "Bukas din pala ang dating ni N