Sampung taon ang nakalipas, ipinagpatuloy ng tatlo ang kani-kanilang mga buhay. Kinalimutan nila ang mapait at nakakahindik na karanasan sa bahay na kulay rosas. Pilit nilang inilayo ang kanilang mga sarili sa lugar kung saan sana ay magkakasama pa rin silang limang magkakaibigan.
Para kay Akihiro, ang pagkakaibigan nila ay hindi kailanman mabubuwag. Mananatili itong alaala hanggang sa huling sandali ng kaniyang hininga.
Para naman kay Purple, mapait man ang karanasang iyon ay hindi niya kalilimutan ang araw na nakalabas sila sa mansiyon. Nagpapasalamat siya araw-araw sa panibagong buhay na ibinigay sa kaniya ng Diyos.
Para naman kay Nora, magiging isang marka na lamang ang nangyaring iyon sa kaniyang isipan pero ang pagkakaibigan nilang lima ay mananatili at hinding-hindi niya iwawaglit sa kaniyang puso at isipan.
Sa loob ng sampung taong iyon, nagkatuluyan sina Akihiro at Purple. Si Nora ang tumayong bride's maid sa kanilang kasal. Isang tanda na kahit kalian ay hindi nila kinalimutan ang isa't isa. Naging masaya ang tatlo dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin sila.
Samantala, sa labas ng bahay na kulay rosas ay may napadaang isang batang paslit na lalaki. Titig na titig ito sa kagandahang taglay ng pink house. At sa kakatitig niya palang iyon ay hindi niya naramdamang may isang nilalang nakatingin pala sa kaniya. Ipagpapatuloy na sana ng batang iyon ang paglalakad palayo sa mansiyon nang may maulinigan siyang isang tinig.
"Gusto mo bang pumasok sa bahay ko? Halika at samahan mo akong maglaro." nakaramdam ng pananayo ng balahibo ang batang lalaki at sa isang iglap ay nakapasok na siya sa loob ng bahay na kulay rosas.
A/N
At dito na po nagtatapos ang kuwentong tinangkilik ninyo. Maraming, maraming, maraming salamat po.
Hanggang sa susunod ko pong muling mga kuwento.
Paalam na sa inyo, mahal kong mambabasa.