DANAYA “Papasok ka na ba sa office?” hindi nakatiis na tanong ko kay JC matapos silang mag-usap ni Trixie. “No,” tipid na sagot ni JC. Tanging ito lang ang narinig ko mula sa kanya. Muli niya akong niyakap, but this time, mas mahigpit at halos hindi ako makahinga. Sumiksik pa ang mukha niya sa leeg ko at sensual na hinalikan ako. Natulala ako sa ginawa ni JC. Ngayon ko lang kasi ito naranasan dahil kahit may pagkakataon na nakikita ko ang sweet side niya ay ramdam ko pa rin na distant siya sa akin. Lumunok muna ako para magkaroon ng sapat na lakas ng loob na magtanong sa kanya. “Ang akala ko ba'y may gagawin ka ngayong araw?” “Stop asking, Danaya,” mahinang bulong sa akin ni JC sa akin. Yakap pa rin niya ako at nanatiling nakabaon ang mukha niya sa leeg ko. Napakagat-labi ako ng