DANAYA “Which movie do you want us to watch?” tanong sa akin ni JC habang naglalakad kami papuntang second floor ng mall kung saan naroon ang sinehan. “I don't have anything in mind,” agad na sagot ko. “Tingin na lang tayo doon kung ano ang naka-post na showing ngayon.” “Okay,” tipid na sagot ni JC. Wala sa plano ko ang manood ng movie ngayon. Wala rin kasi akong hilig sa mga local movies dahil music video ang karaniwang pinapanood ko kapag may free time ako. Kasama si JC, hawak-kamay na tumingin kami ng mga bagong pelikula, pero wala akong nagustuhan. Siya na lang ang pinapili ko, dahil siya naman ang may gustong lumabas kami. “Are you sure you're okay with this movie?” tanong niya sa akin matapos bumili ng ticket. Ngumiti ako kay JC, “Don't worry, I'm fine,” maikling sagot ko. B