Chapter 12

1564 Words

DANAYA Matapos humupa ang init ng aming mga katawan, bumaba sa kama si JC. Nakita kong pinulot niya ang pantalon sa sahig at kinuha ang cellphone. Kahit walang suot na saplot, lumabas siya sa veranda para tawagan si Trixie. Ganito ang ginagawa ni JC dahil lagi siyang umaalis sa harap ko kapag tinatawagan ang kanyang girlfriend para magkaroon siya ng privacy. Tahimik na nakatitig ang mga mata ko sa kisame. Nakakaramdam kasi ako ng kaunting kirot sa puso ko, pero pilit ko itong binalewala dahil alam ko naman na wala akong karapatang masaktan dahil ginusto ko ang ganitong setup naming dalawa ni JC. Bumangon ako at bumaba sa kama. Mabagal ang bawat hakbang habang naglalakad ako papasok sa banyo at muling naligo para maglinis ng katawan. Quick shower lang ang ginawa ko dahil katatapos ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD