DANAYA Magulo ang takbo ng aking isipan. Kanina, masakit ang dibdib ko at sobrang lungkot ang nararamdaman ko nang malaman kong ikakasal na sina Trixie at JC. Tapos, heto, malaki ang posibilidad na buntis ako ngayon at siya ang ama. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa bahay. Bumili na rin ako ng pregnancy test kit kanina nang dumaan ako sa kalapit na drugstore dahil gusto kong makasiguro kung tama nga ang hinala naming dalawa ni Sashie kanina. Nagulat ako nang abutan kong nasa labas ng pintuan ng penthouse ko si JC at naghihintay pala sa akin. “Where have you been, Danaya?” tanong agad ni JC sa akin nang makita akong lumabas sa elevator. “Why?” formal ang ekspresyon na tanong ko sa kanya. “I've been looking for you throughout the day. Naka-off rin ang cellphone mo at hin