DANAYA Hindi ko alam kung gaano katagal ang bawat minutong lumipas dahil kanina pa ako nakaupo sa swivel chair ko at hindi man lang kumilos kahit nakarinig ako ng sunod-sunod na katok kanina. Hindi ko pinagbuksan ang assistant ko, at nanatili akong nakakulong dito sa loob ng opisina ko. Tanging ang tawag niya ang sinagot ko, pero mukhang nagkamali ako dahil mas lalo lamang nagulo ang isipan ko. “Ma'am, may lalaki pong makulit at naghahanap sa iyo sa labas,” sabi ni Sashie sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag sa extension. “Sino?” walang ganang tanong ko kay Sashie. “Nakuha mo ba ang pangalan ng lalaking naghahanap sa akin?” “Yes, ma'am. JC Laxamana daw po.” Biglang pumitlag ng malakas ang puso ko. Nanlaki rin ang mga mata ko, at pakiramdam ko ay sumakit ang lalamunan ko ng