DANAYA Hindi ako sigurado sa gagawin ko, pero isang pasya ang nabuo sa isipan ko. Dala ang pregnancy test strip, lumabas ako ng banyo at lumapit kay JC na nakahiga pa rin sa kama para ipaalam sa kanya ang tungkol sa batang nasa sinapupunan ko. Walang pagdadalawang-isip na inabot ko kay JC ang pregnancy test strip na hawak ko. Kunot ang noo na inabot naman niya ito at tiningnan kung ano ang bagay na binigay ko sa kanya. “What's this, Danaya?” salubong ang mga kilay na tanong ni JC sa akin habang nakatingin sa pregnancy test strip. Hindi ko alam kung may ideya na siya tungkol sa bagay na hawak niya. Hindi naman siya inosente sa mundo, kaya posibleng katulad ko, alam ni JC na pregnancy test strip ang binigay ko sa kanya. Hindi agad ako nakasagot dahil tinatalo ako ng matinding kabang na