DANAYA
“I'm asking you, Danaya,” pormal ang ekspresyon na sabi ni Aidan sa akin.
“Nothing,” tipid na sagot ko. “Stop asking me, Aidan.”
Daig ko pa kasi ang batang may nagawang kasalanan at pinapagalitan ngayon ng tatay ko sa paraan kung paano ako kausapin ngayon ni Aidan.
Bakas ang disappointment sa ekspresyon sa mukha na napa-iling sa harap ko si Aidan. Pakiramdam ko ay hindi siya naniniwala sa naging sagot ko, kaya mas lalo akong kinabahan nang tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata.
“I know you are lying, Danaya,” matigas na sabi ni Aidan sa akin.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin ng pinsan ko. Nanatili akong tahimik habang pilit pinapakita kay Aidan na ayos lang ako kahit halos sumabog na ang dibdib ko dulot ng labis na kabang nararamdaman ko.
“Gusto mo na bang mamatay kapag naubusan ka ng dugo? Do you even know the consequences of your actions?” magkasunod na tanong ni Aidan sa akin.
“I'm fine, Aidan–”
“We both knew that that's not true, Danaya. Nagkakasakit ka na dahil sa ginagawa mo. Humihina na ang katawan mo. Kailan ka pa titigil? Kapag napahamak ka na at nagkagulo ang mga pamilya natin kapag nalaman nila kung ano ang ginagawa ng anak ni Tito Jared sa iyo?”
Napalunok ako. I was silently pleading with my cousin habang nakatingin ako kay Aidan at marahang umi-iling.
“I know what's happening, and believe me, Danaya, that's not the best idea if you continue doing this. You will create a war between our family and the Laxamana clan,” sabi ni Aidan.
Alam ko ang ibig sabihin ng pinsan ko dahil kilala ko ang mga magulang at kapatid ko. Sila ang unang masasaktan sa ginagawa ko, kaya nanghihina na napasandal ako sa sofa at malungkot na nakayuko sa harap ni Aidan.
“Can you please keep all of this between us, Aidan?” mahinang pakiusap ko sa pinsan ko.
“I can't promise, Danaya. Hindi ko kayang panoorin na unti-unting nauubos ang dugo mo dahil kay JC, tapos binabalewala ka niya.”
Sa harap ng pinsan ko, hindi ko nagawang pigilan ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. Masakit sa akin ang narinig ko, pero totoo naman ang sinabi ni Aidan, kaya walang dahilan para itanggi ko ito.
“I love him so much, Aidan,” emosyonal at garalgal ang tinig na sabi ko sa kaniya.
Tumayo ang pinsan ko at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at marahang hinaplos ang mahabang buhok sa likuran ko.
“But he loves someone else, Danaya,” mahinahon na bulong sa akin ni Aidan.
Parang may tumusok na karayom sa dibdib ko. Masakit talaga kapag totoo, pero ano bang magagawa ko?
“I know, hindi ko naman hinihingi na mahalin rin niya ako ngayon… ayos na ako, basta kasama ko siya,” garalgal ang tinig na sagot ko.
“You don't really love him, Danaya, because if you did, you wouldn't force him to be with you since he loves his girlfriend so much,” sagot ni Aidan.
“You're obsessed with him, and you are not willing to let him go because you have already set in your mind that he's yours, even though you know very well that he belongs to someone else.”
Mas lalo akong napa-iyak habang yakap ng mahigpit ni Aidan. Ito ang unang pagkakataon na may nakausap ako tungkol sa totoong estado ng relasyon namin ni JC, kaya sobrang apektado ako.
Ilang taon kong itinago sa lahat ang tungkol dito. Nagkunwari ako sa harap ng lahat na maayos ang relasyon naming dalawa, while in fact, we were together because we are bound by one contract.
Ang bigat ng dibdib ko, at aaminin ko, nahihirapan akong makawala sa sitwasyon ko dahil tama si Aidan; hindi ko kayang mawala si JC sa akin kahit alam kong una pa lang ay hindi naman talaga siya sa akin.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak sa dibdib ng pinsan ko. Hinayaan naman ako ni Aidan kahit nabasa na ng luha at sipon ko ang damit na suot niya.
“You better fix yourself, Danaya. Value your life before someone else. Minsan lang ang buhay at huwag mong sirain ang sarili mo dahil sa obsession mo kay Laxamana, because I'm telling you, it's not worth it.”
Kagat ang pang-ibabang labi ay dahan-dahang lumuwag ang nakayakap na braso ko sa katawan ni Aidan. Inabot naman niya ang tissue sa center table at ibinigay sa akin.
“Mabuti pa ay samahan mo ako sa party sa kampo, para naman may makita kang ibang lalaki at hindi ang gagong si Laxamana ang laging nakikita mo, Danaya.”
Tinanggihan ko agad ang suhestiyon ng pinsan ko, pero mapilit si Aidan.
“I'm not feeling well. Magpapahinga muna ako,” pilit na ngiti ang sabi ko sa pinsan ko, pero hindi niya tinanggap ang dahilan ko.
“Sasama ka sa akin, o sasabihin ko kay Tito Dexon ang lahat?”
Salubong ang kilay na tiningnan ko ng masama si Aidan.
“Are you threatening me?”
“Yes,” kibit-balikat na sagot agad ng pinsan ko. “And the choice is yours, Danaya.”
Mas lalong nalukot ang mukha ko. Kahit kailan talaga ay hindi mapagkakatiwalaan ang isang ito.
“Pumunta ka lang pala dito dahil may hidden agenda ka,” nakasimangot na sabi ko habang nag-aakusa ang mga matang nakatingin kay Aidan sa tabi ko.
“Bakit, may mga babae na naman ba ang naghahabol sa iyo, kaya isasama mo ako sa party?”
“Wala, concern lang ako sa iyo,” agad na pagkakaila ni Aidan.
Inirapan ko siya. Kilala ko ang pinsan kong ito. Hindi siya basta-basta pupunta dito kung walang kailangan. Naghanap pa talaga siya ng ebidensya para lang huwag ko siyang tanggihan.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Huwag mo na akong paikutin, Aidan. Matagal ko nang alam ang likaw ng bituka mo.”
Ngumisi sa akin si Aidan. “Well, my dear cousin, bukod kay Sofie na bantay-sarado ni Mondragon, ay ikaw kasi ang pinakamaganda sa lahi natin. Sayang naman kung mauubos lang ni Laxamana ang dugo mo, kaya mas mabuting isama kita sa party para naman hindi ka umiiyak dito sa bahay mo.”
Inis na nadampot ko ang unan at hinampas ko kay Aidan. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Siguradong may kailangan talaga siya sa akin, kaya biglang pumunta dito sa bahay ko.
“Sige, deal. Sasamahan kita sa party na ‘yan at ititikom mo ang bibig mo,” napipilitan kong sabi dahil alam kong hindi nananahimik si Aidan kung hindi ko siya pagbibigyan.
“Deal,” natutuwang sabi ng pinsan ko at kumindat pa sa akin.
“Don't worry, I will make sure na mag-eenjoy ka doon, Danaya, at makakalimutan mo ang hikain na si Laxamana kapag nakita mo ang mga gwapong kasamahan ko sa Armed Forces.”
Sinamaan ko ng tingin si Aidan. Bully talaga ang isang ito. Kahit noon pa man ay ganyan na siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago.
“Ano ba kasing nagustuhan mo sa lalaking iyon, Danaya, para mabaliw ka ng ganyan?” makulit na tanong na naman ni Aidan.
“Umuwi ka na,” masungit na taboy ko sa kaniya, pero nginisihan lang ako ni Aidan at sumandal pa ang likod at ulo sa sofa.
“Hindi mo man lang ba itatanong kung kailan ang party?”
“Send mo na lang ang details,” uninterested na sagot ko.
“No need,” agad na sagot ni Aidan. “Get ready tomorrow at six o'clock in the evening. Promise, I'll pick you up on time.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Bukas na agad?”
“Yes,” mabilis na sagot ng pinsan ko.
“Ang bilis naman, hindi ako handa–”
“Magsuot ka lang ng gown at ayos na iyan kahit wala kang makeup kasi maganda ka naman. The rest, ako na ang bahala,” sabi ng pinsan ko, at parang may-ari ng bahay na inutusan akong bigyan siya ng juice.
Tumayo naman agad ako at lumabas ng library para kumuha ng maiinom si Aidan. Nakita ko si Nurse Jecel sa sala at tinanong ako kung may kailangan ako, pero sinabi ko sa kanya na kaya ko nang gawin ito dahil maselan ang pinsan ko pagdating sa pagkain at inumin niya.
Dala ang isang baso ng juice at cookies, naglakad ako pabalik sa library, pero natigilan ako nang marinig kong may kausap sa cellphone ang pinsan ko.
“Basta dumating ka, Bok, bukas, para naman magkita na kayo ng pinsan ko nang hindi picture niya sa cellphone mo ang laging tinitignan mo.”
Nangunot ang noo ko habang nakikinig sa usapan ng pinsan ko at nang taong kausap nito sa cellphone.
Walang-hiya talaga ang pasaway na lalaking ito. Mukhang may binabalak siyang hindi maganda at sangkot ako, kaya gusto akong isama sa party bukas.
Mula sa likod ng pintuan na pinagkukublihan ko, ay malinaw na naririnig ko ang mga naging sagot ni Aidan sa tanong ng kausap niya sa kabilang linya.
“Pagkakataon mo na ‘yan, Bok, kaya maligo ka lang ng mabuti para naman magmukhang tao ka at magustuhan ka ni Danaya,” nakangiting sabi ni Aidan sa kausap.