DANAYA
Dito sa penthouse ko nagpalipas ng gabi si JC kasama ko magdamag. Madaling araw na siya umalis para bumalik sa ospital para puntahan si Trixie dahil nalaman niya na hindi maganda ang pakiramdam nito at hinahanap siya.
Nakatanggap kasi si JC ng tawag mula sa ospital na nagising daw si Trixie at nagsusuka, kaya kahit madilim pa at umuulan, umalis siya at iniwan ako para balikan ang girlfriend niya sa ospital.
Normal na sa akin ang ganitong senaryo dahil laging nangyayari ito sa loob ng ilang taon na kasama ko si JC.
Siguro nasanay na ako, pero hindi ako manhid para huwag makaramdam ng lungkot kapag mag-isa na lang ako dito sa silid ko.
Maraming beses na hinahanap ko ang presensya ni JC sa tabi ko. Katulad ngayon, inabot ko ang unan na ginamit niya at nakapikit na niyakap ito ng mahigpit na para bang siya pa rin ang yakap ko.
How I wish that everything were normal between JC and me. There have been many times I have asked the Lord that I wish I were the one he loved and not Trixie.
I know I'm selfish for asking this. I have everything in life that any woman or person desires, but how can I be happy if the man I love is in love with someone else?
Unlike Trixie, who doesn't have anything—no family, career, or luxurious life like I have—she has my man who is willing to give her the whole world.
Iniwasan kong malungkot, pero may mga pagkakataon, tulad ngayon, na nababalot ako ng selos at inggit.
Mabait naman si Trixie, kaya nakakaramdam rin ako ng guilt sa tuwing nagpasalamat siya sa akin, dahil alam ko kung ano ang kapalit noon para masalinan siya ng dugo.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagmukmok dito sa loob ng silid ko. Nagising na lang ako nang makarinig ako ng malakas na tunog ng doorbell mula sa labas. Tinatamad na inabot ko ang roba at agad itong sinuot, at pagkatapos ay mabigat ang bawat hakbang na tinungo ang pintuan para tingnan kung sino ang dumating.
Si Nurse Jecel ang bumungad sa mga mata ko nang pagbuksan ko siya ng pinto.
“Good morning,” nakangiting bati niya sa akin.
I didn't expect to see her again dahil sa tingin ko ay maayos naman na ang kondisyon ko, kaya nagulat ako nang makita ko siyang dumating.
“Why are you here, Jecel? I mean, okay na naman ako,” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Pero kailangan mo pa rin ng proper care, Miss Danaya, kahit sa tingin mo ay malakas ka na, kasi hindi ka naman agad gagaling overnight,” masiglang sagot at paliwanag ni Nurse Jecel.
Tama naman siya. Mukha lang akong malakas, pero hindi pa talaga ako fully recovered, kaya hindi na ako nagtanong pa.
Nilakihan ko ang siwang ng pintuan at pinapasok si Nurse Jecel.
“Hindi ka ba papasok sa ospital?”
“One week po ang binigay sa akin ni boss na task para alagaan ka, Miss Danaya,” agad na sagot ni Nurse Jecel.
Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na nagtanong pa. Alam kong inutos ito ni JC para gumanda ang kalusugan ko, kaya walang dahilan para magreklamo ako kahit alam ko kung bakit kailangan niyang papuntahin dito sa penthouse si Nurse Jecel.
Maghapon akong nagkulong sa loob ng silid ko dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Nakatulong din ito sa akin, kaya maganda na ang pakiramdam ko nang magising ako.
Dahil maganda na ang mood ko, nagawa kong balikan ang trabaho ko. Sinimulan ko ang pagguhit at disenyo ng gown para sa isa sa mga kliyente ko.
Hiniling niya na ako ang personal na gumawa at magdisenyo ng gown na isusuot niya sa kaniyang kasal.
Tinanggap ko naman ang request niya dahil bukod sa maganda ang settlement at walang isyu sa presyo, ay mabilis kausap ang bride.
Nagustuhan kasi ng bride ang wedding gown ng isa sa mga kliyente ko na nag-recommend sa kaniya ng bridal boutique ko.
Kahit mayaman ang pamilya ko ay hindi ko ginamit ang koneksyon nila sa negosyong ito. Dugo at pawis ko ang puhunan, kasama na rin ang sipag at tiyaga, kaya napalago ko ang bridal boutique na itinayo ko.
Lumipas ang gabi na hindi dumating o tumawag man lang si JC para kumustahin ako. I'm sure busy siya kay Trixie, kaya nakalimutan na naman niya ako, lalo na at mukhang mas lalong nagiging malubha ang kondisyon ng babaeng iyon.
Kahit gusto ko si JC, naawa rin ako kay Trixie dahil nakikita ko ang paghihirap niya. Mahal ko ang boyfriend niya, pero kahit minsan ay hindi ko hiniling na mawala siya dahil alam kong kasalanan iyon sa Diyos, lalo na’t nakikita ko naman na lumalaban siya para mabuhay.
Abala ako sa ginagawa ko dito sa loob ng library nang lumapit si Nurse Jecel sa akin.
“Miss Danaya, may bisita ka po.”
“Who?” gulat na tanong ko dahil wala naman akong inaasahang bisita.
“Pinsan mo daw po,” sagot ni Nurse Jecel.
Hindi na ako nagtanong sa kaniya dahil hindi naman kilala ni Nurse Jecel ang mga pinsan ko. Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng library para tingnan kung sino sa mga pinsan ko ang dumating.
“Aidan, what brings you here?” nakangiting tanong ko sa pinsan ko.
Hindi siya sumagot, bagkus, pinasadahan ng kanyang mga mata ang katawan ko at sinuri ang kabuuan ko. Nakaramdam tuloy ako ng kaba sa paraan kung paano niya ako tingnan, na para bang sinusuri niya ang buong pagkatao ko.
“Let's talk in private, Danaya,” pormal na sabi sa akin ni Aidan, pero kay Nurse Jecel siya nakatingin.
“About what?” malakas ang t***k ng dibdib na tanong ko kay Aidan.
“Something important.”
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil kilala ko ang pinsan ko. Hindi siya katulad ng mga anak ni Tito Declan na seryoso. Sa kanilang lahat, si Aidan ang pinaka-makulit at maingay, pero hindi ganoon ang nakikita kong kilos niya ngayon sa harap ko.
Kahit kinakabahan, nagawa kong ngumiti kay Aidan.
“Halika, sa library tayo mag-usap,” mahina ang tinig na yaya ko sa pinsan ko.
Tumayo naman agad si Aidan at walang imik na sumama sa akin sa loob ng library. Siya mismo ang nagsara ng pintuan at hindi nakaligtas sa mga mata ko na ni-lock niya ito bago humakbang palapit sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at hindi pinakita na kinakabahan ako sa bigla niyang pagpunta dito sa bahay ko.
“Sit down.”
Umupo naman sa bakanteng sofa si Aidan. Nakita ko kung paano sinuyod ng mga mata niya ang kabuuan ng library bago ako hinarap.
“I thought you weren't feeling well, but it seems you're busy,” sabi ni Aidan habang nakatingin sa sketch pad sa ibabaw ng sofa sa tabi ko.
“I'm fine, Aidan,” tipid na sabi ko sa kaniya.
“Really?” nag-aarok ang mga matang tanong sa akin ng pinsan ko.
Marahan akong tumango at ngumiti sa kaniya.
“Yes.”
“I don't think so, Danaya,” walang paligoy-ligoy na sagot ng pinsan ko.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay nagbara ang laway na nilingon ko sa lalamunan ko matapos marinig ang sinabi ni Aidan.
“What do you mean?”
“You know what I mean, Danaya,” pormal ang ekspresyon na sagot ni Aidan habang nakatitig ngayon sa mukha ko.
Nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa ng pinsan ko. Para bang may ibig siyang sabihin, at natatakot ako na baka may kinalaman ito sa aming dalawa ni JC.
“Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng mga kapatid mo at hindi man lang nila nalaman kung ano na ang nangyayari sa iyo, Danaya,” seryoso at sa tingin ko ay galit na sabi ni Aidan.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay para itong malakas na tambol at ngayon ay dumadagundong, kaya mabilis akong napabuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko.
Sa nakikita kong ekspresyon ni Aidan ngayon sa harap ko, para bang may nalaman siyang hindi niya nagustuhan, kaya nagalit ang pinsan ko at pinuntahan agad ako dito sa penthouse.
Sandali akong pumikit at nagpakawala ng magkasunod na buntong-hininga bago nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong sa pinsan ko.
“Tell me, ano ba talaga ang pinunta mo dito, Aidan?”
Hindi sumagot ang pinsan ko. Dinukot niya ang cellphone at pagkatapos ng ilang segundo, ay inabot ito sa akin.
“This!”
Kinuha ko ang cellphone na inabot ni Aidan sa akin at tiningnan kung ano ang gusto niyang ipakita.
Base sa mga larawan na bumungad sa mga mata ko, kuha ito sa loob ng ospital noong isang araw na nawalan ako ng malay.
“Tell me, what is going on between you and JC Laxamana, Danaya?” matigas ang tinig na tanong ni Aidan.
Inabot ko sa kaniya ang cellphone at taas-noo na tiningnan siya nang diretso sa mga mata.
“It's none of your business—”
“It is, Danaya, lalo na kung tungkol na ito sa kaligtasan mo!” malakas na singhal sa akin ng pinsan ko. “Alam ba ng mga magulang mo kung ilang ulit kang nagbigay ng dugo sa girlfriend ni Laxamana? Are they even aware that they almost drained your blood and almost cost your life?”
Napalunok ako at hindi nakasagot sa tanong ni Aidan. Ginawa ko ang lahat para protektahan ang sikreto ko, pero heto at nalaman na ng pinsan ko.
Siguradong hindi lang siya ang magtatanong sa akin kapag hindi ko nakumbinsi si Aidan na paniwalaan ang sasabihin ko.
“I did that of my own will, Aidan,” seryoso at walang pagdadalawang-isip na sagot ko.
“Anong kapalit?” matigas na tanong sa akin ng pinsan ko, pero hindi ko ito kayang sagutin dahil ayaw kong malaman niya kung ano ang tunay na kasunduan naming dalawa ni JC.