DANAYA
Katatapos ko lang magsuklay ng mahabang buhok ko nang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ng pinsan ko na si Aidan sa caller ID.
Inabot ko ito at sinagot ang tawag ni Aidan.
“Are you ready now, Danaya?” tanong agad ni Aidan sa akin mula sa kabilang linya.
“Yes, nakabihis na ako,” tipid na sagot ko habang nakatingin ang mga mata ko sa salamin at sinusuri ang kabuuan ko.
“Great, I'm close now. Get ready para hindi tayo ma-late,” sabi ni Aidan.
Nagpaalam agad siya at pinutol ang tawag. Obviously, nagmamaneho ngayon ang pinsan ko, dahil naririnig ko ang ingay sa kalsada.
Ayaw ko sanang pumunta sa party, pero alam ko na hindi mananahimik si Aidan kung hindi ko siya pagbibigyan. Masyadong madaldal ang pinsan kong ito, at kapag hindi ko siya sasamahan, ay siguradong mag-iingay ang lalaking iyon. Kaya minabuti kong sumama na lang kahit tinatamad ako ngayon at walang gana.
Kahit ayaw kong pumunta sa party at makihalubilo sa mga taong hindi ko naman kilala, ay minabuti kong magbihis pa rin ng maayos at magmukhang presentable sa harap ng lahat.
Exactly five minutes later, narinig kong tumunog ang doorbell sa labas. Dahil akala ko ay si Aidan ang nasa labas, walang pagdadalawang-isip na lumapit ako sa pintuan at binuksan ito.
Nagulat ako nang bumungad sa harap ko si JC. I didn't expect to see him here tonight dahil wala naman siyang sinabi sa akin na pupunta dito sa penthouse ko ngayon.
Hindi agad ako nakapag-salita. Napalunok rin ako dahil pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko habang harapan na sinusuyod ng mga mata ni JC ang kabuuan ko at bahagya itong tumigil sa tapat ng mga dibdib ko.
“Are you leaving?” malamig ang tinig na tanong ni JC sa akin.
“Y-yes,” nauutal na sagot ko.
“Where are you going?”
“She's coming with me,” bigla ay sabat ni Aidan na siyang sumagot sa tanong ni JC.
“May problema ba?”
Mula sa akin ay bumaling ang paningin ni JC kay Aidan. “What are you doing here?”
“Why? Bawal bang pumunta ako dito sa penthouse ng pinsan ko, Laxamana?” pormal ang ekspresyon na tanong ni Aidan kay JC.
Gumalaw ang kilay ni JC at bumaling ang mga mata sa akin. “Hindi kasi sinabi sa akin ni Danaya na may bisita pala siya ngayon.”
“Normal lang na may makita kang ibang tao dito, dahil may pamilya pa si Danaya,” matigas na sagot ni Aidan.
Nakaramdam ako ng tensyon sa paligid ko. Ramdam ko ang pagsikip ng atmosphere dahil sa matalim na titigan ng dalawang lalaking kasama ko na para bang gusto nilang lamunin ng buo ang isa't isa.
Alam kong hindi magpapatalo si Aidan, lalo na at nalaman na niya kung ano ba talaga ang kaugnayan ko kay JC.
He won't surely hesitate to beat him to death kung hindi ko siya pipigilan dahil gigil ang pinsan ko na masaktan ang kinakapatid ko dahil nakikita niyang dehado ako sa kasunduan naming dalawa ni JC.
“Both of you, please stop!” malakas ang tinig na utos ko sa mga kasama ko.
Bumaling ako kay JC. “I'm sorry, but I didn't know that you were coming, kaya pumayag akong sumama sa party with Aidan,” kinakabahan na paliwanag ko.
“Fine,” walang emosyon na sagot ni JC.
Walang paalam na tinalikuran na niya kami ni Aidan at mabilis na pumasok sa loob ng elevator. Naiwan kaming nagkatinginan ng pinsan ko at walang nakapag-salita hanggang sa tuluyang nawala sa paningin namin si JC.
“Bastard!” Bakas ang inis at iritasyon sa tinig na sabi ni Aidan habang nakatingin sa nakasarang pintuan ng elevator.
“Ang init ng ulo mo,” nakasimangot na sagot ko.
“Ano ba kasing nagustuhan mo sa hikain na lalaking ‘yon, Danaya?” naka-ngising tanong sa akin ni Aidan.
Inirapan ko siya, “Mananahimik ka ba, o baka gusto mong huwag na lang tayong tumuloy?” nakataas ang kilay na tanong ko kay Aidan.
“Aba, bawal ang mag-backout, Danaya,” agad na sagot ng pinsan ko. “May usapan na tayo, remember that.”
“Oo na!” naka-irap na sagot ko.
Hinawakan ko sa braso si Aidan at hinatak palapit sa elevator.
“Halika na, bago pa magbago ang isip ko!”
Tumawa lang si Aidan at makulit na umakbay ang kanang braso sa balikat ko.
“You know what, sayang naman ang ganda mo, Danaya,” naka-ngiting sabi nito habang pababa ang elevator na sinasakyan naming dalawa sa ground floor.
“Naisip ko na magpanggap ka na lang na girlfriend ko ngayong gabi para naman hindi masayang ang magandang bihis mo. Kaya lang, siguradong pag-aagawan ka ng mga kabaro ko. Malay mo, may ma-take home kang gwapo at makalimutan mo si JC.”
Inikutan ko siya ng mga mata. “Tigilan mo ako, Aidan,” mahaba ang nguso na sabi ko sa aking pinsan.
Tinawanan lang ako ni Aidan. Mabuti at hindi na niya ako kinulit hanggang sa nakarating kami sa venue ng party na sinabi niya sa akin.
Nakilala agad si Aidan ng mga gwardya nang pumasok kami sa lobby ng hotel, kaya pinapasok na nila kami sa loob.
“Good evening, sir!”
Ngumiti sa akin ang pinsan ko at tinanguan ang mga lalaking bumati sa kanya.
“Nandiyan na ba sa loob si General Madrid?” tanong ni Aidan sa kausap na sundalo.
Palihim kong iginala ang aking paningin sa paligid at hindi na nakinig sa usapan ni Aidan at ng lalaking kausap niya.
Maganda naman ang hotel. Mukhang pinaghandaan ito at hindi rin pahuhuli sa malaking event.
Hindi ko alam kung anong event ang pinuntahan namin dahil sumama lang naman ako kay Aidan. Hindi rin niya sinabi sa akin kung anong gagawin namin dito dahil niyaya lang niya akong sumama.
Basta na lang ako sinama ni Aidan dito sa party. Daig ko pa tuloy at gatecrasher, dahil wala naman akong ibang kilala maliban sa aking pinsan.
“Hey, batiin muna natin si General Madrid,” sabi sa akin ni Aidan.
Hindi na ako nakapagtanong pa. Hinatak na ako ng pinsan ko palapit sa isang table at pinakilala sa mga taong kaharap ko.
“Mabuti naman at may girlfriend ka nang pinakilala sa amin, Lieutenant,” nakangiting bati ng may edad na lalaki.
Ngumiti si Aidan at sumulyap sa akin. “Pinsan ko po, sir,” magalang na sagot ng pinsan ko.
Ngumiti naman sa akin ang lalaking kausap ni Aidan at nagtanong, “Single ka pa ba, hija?”
“Bantay-sarado ng buong angkan namin itong pinsan ko, sir. Mahirap na, maganda po kasi,” pabirong sagot at sabat ni Aidan.
Kinurot ko siya sa tagiliran at lihim na pinanliitan ng mga mata, pero ang pasaway na pinsan ko ay pinangalandakan pa sa mga kaharap na wala pa akong nagiging boyfriend.
“Tamang-tama, maraming binata dito, hija. Aba, sayang naman kung wala kang mapipili sa kanila,” nakangiting sabi sa akin ni General Madrid at pagkatapos ay makahulugang ngumiti sa mga kasama.
Abot-tenga naman ang ngiti ng pinsan ko. Pakiramdam ko tuloy ay nabenta ako habang isa-isang nakikipagkamay at nakikipagkilala sa akin ang mga lalaking tinawag ni General Madrid para ipakilala ako.
Pinaupo na rin kami ni General Madrid sa table kasama niya at ng iba pang opisyal ng Armed Forces.
“Sandali lang, gagamit muna ako ng comfort room,” paalam ko kay Aidan para sandaling makalayo sa kanya at sa grupo ni General Madrid.
“Samahan na kita,” sabi ng pinsan ko, pero tumanggi agad ako.
“Don't worry, I'm fine.”
Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na makapag-reklamo pa ang pinsan ko. Tumayo agad ako at malaki ang hakbang na naglakad para maghanap ng comfort room.
Hindi naman sumunod sa akin si Aidan, kaya nakahinga ako ng maluwag dahil nakalayo ako sa kaniya, pati na rin sa panunukso ni General Madrid.
Birthday pala ni General Madrid at silver wedding anniversary rin nila ng kaniyang asawa, kaya nagkaroon ng malaking selebrasyon ngayon.
Walang tao dito sa banyo nang pumasok ako, kaya tumayo ako sa tapat ng salamin at tiningnan ko ang sarili ko. Nang masiguro kong maayos pa rin ang makeup ko, binuksan ko ang bag ko, only to find out na marami pala akong natanggap na missed calls mula kay JC.
Mukhang importante ang tawag niya dahil habang hawak ko ang cellphone ko at hindi pa nababasa ang kahit isa sa mga text messages na pinadala niya, muli itong nag-ring.
Nanginginig ang kamay ko nang sinagot ko ang tawag ni JC. Mabilis kong tinapat ang cellphone na gamit ko sa aking kanang tenga at tahimik na pinakinggan ang sasabihin ni JC.
“Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko, Danaya!” galit na sabi ni JC sa akin mula sa kabilang linya.
“Mukhang nag-eenjoy ka na d'yan, kaya hindi mo man lang magawang sagutin ang tawag ko!”
Bakas ang iritasyon sa tinig ni JC ngayon, kaya kahit nakaramdam ako ng inis sa tono ng kaniyang pananalita, ay naging mahinahon pa rin ako.
“I'm sorry, naka-silent mode kasi ang phone ko, kaya hindi ko agad napansin na tumatawag ka sa akin.”
Ang akala ko ay sapat na ang paliwanag ko, pero tila ba’y naging dahilan ito para lalo lamang mag-init ang ulo ni JC.
“Dammit, Danaya! Kailan ka pa natutong mag-set ng silent sa ringtone mo?”
Huminga ako ng malalim at pilit pinigilan ang inis na nararamdaman ko.
“Nagseselos ka ba na lumabas ako ngayong gabi?”
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para magtanong ng ganito kay JC. Siguro ay dahil naiinis ako dahil sinigawan niya ako at galit na galit ngayong lumabas ako, gayong ngayon ko lang naman ito ginawa at pinsan ko rin ang kasama ko at hindi ang kung sino-sino lang.
Narinig kong natawa sa kabilang linya si JC bago muling nagsalita.
“You may have forgotten na hindi kasama sa listahan sa kontrata natin ang selos na sinasabi mo, Danaya, kaya don’t expect na may ganyan tayong drama,” malamig ang tinig na sagot ni JC sa tanong ko.
He's right, wala nga iyon sa usapan namin, kaya bakit ko pa naisip ang tungkol doon, gayong alam ko naman simula pa na imposibleng mangyari iyon…