DANAYA Dahil nakuha ko na ang sagot sa mga katanungan ko, nagpaalam na ako kay Trixie na aalis na. “I have to go, Trixie. Thank you for accommodating me even though I came here without informing you first.” “Welcome kang pumunta dito, Danaya,” nakangiting sagot ni Trixie. “Since nandito ka na rin lang, pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?” Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko matapos marinig ang sinabi ni Trixie. Baka dahil guilty lang talaga ako kasi alam kong may ginagawa akong kasalanan sa kanya, kaya ganito ang nararamdaman ko kapag kaharap ko siya. “Alam kong malapit kayong dalawa ni JC sa isa't isa, Danaya. Ikaw ang una niyang pinakilala sa akin at hindi ang kanyang kakambal, kaya alam kong mahalaga ka sa kanya,” sabi ni Trixie. Hindi ko alam kung ano ba ang g