Chapter 9

1704 Words
DANAYA “Are you okay, cuz?” pabulong na tanong sa akin ni Aidan nang maupo ako sa aking upuan at makabalik dito sa mesa. “Yes,” maikling sagot ko, pero mukhang ayaw maniwala ni Aidan. “You look stressed,” mahinang bulong sa akin ng pinsan ko. “Si Laxamana na naman ba?” Ngumiti ako sa kanya at umayos ng aking upo para hindi siya paulit-ulit na magtanong sa akin. “I'm fine,” nakangiting sagot ko. “Don't mind me, Aidan. Alam mo naman na hindi ako komportable kapag maraming tao sa paligid ko, tapos hindi ko sila kilala.” Minabuti kong mag-dahilan na lang sa kanya para hindi na humaba pa ang aming usapan. “Kaya nga dapat, lagi kang lumalabas at hindi nagkukulong sa bahay mo at naghihintay kay JC,” sabi ni Aidan. Ngumiti lang ako at hindi na nagbigay ng komento para hindi na humaba ang usapan. Alam kong kapag nagsimula si Aidan ay pag-uusapan na naman namin ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon ko kay JC. Inabot ko ang basong nasa harap ko at uminom ng tubig. Bahagya namang lumapit ang mukha ng pinsan ko sa akin at mahinang nagsalita. “Enjoy the night, cuz. Maraming gwapo dito, pero be careful dahil mga manloloko at babaero ang mga iyan.” Muntik akong matawa sa narinig ko. Kahit makulit si Aidan, lumalabas ang pagiging overprotective ng pinsan ko kapag tungkol sa ibang lalaki ang pinag-uusapan. Hindi nagtagal, nagsimula na ang party. Tumayo si General Madrid at nilapitan ang isang may edad na babae sa kabilang mesa at iginiya ito papunta sa entablado. Naging masaya ang simula ng party. Maraming tao sa paligid, karamihan ay mga sundalo, ilang kilalang pulitiko at socialite na sa tingin ko ay mga kaibigan ng asawa ni General Madrid. Si Aidan naman ay nilapitan ng ilang kaibigan at pinakilala rin ako ng pinsan ko sa kanila. Kahit paano, bahagyang nawala ang pagkailang na nararamdaman ko sa aking paligid, pati na rin sa mga taong narito sa party. Kahit umalis si Aidan sa tabi ko dahil may kumausap sa kaniya, naging komportable ang pakiramdam ko. Hindi ko na lang muna pinansin si JC. He's mad at me, at mainit ang ulo ng lalaking iyon ngayon, pero minabuti kong huwag makipagtalo sa kanya. I ended up crying in one of the cubicles kanina sa loob ng comfort room dahil nagalit sa akin si JC. Wala pa siyang ideya na alam na ni Aidan ang tungkol sa kasunduan namin, at hindi rin niya gustong sumama ako sa pinsan ko ng hindi siya kasama. Sometimes, he seems territorial with me. There are times when I am happy to see JC's reaction, but that feeling quickly fades when he reminds me of the contract, just like what happened earlier. “Hi, can we dance, Miss Miller?” I looked at the outstretched hand of a man who approached me at our table with Aidan. He is one of the men my cousin introduced to me earlier, so I recognized him right away. “Can we do it later?” I asked shyly. Ngumiti naman ito at tumango pa. “Sure, puwede naman kitang samahan dito habang busy pa si Lieutenant Kazimir.” Napatingin ako sa isang table kung saan kitang-kita ko na may kausap pa rin ang pinsan ko at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan ng mga kaharap. “I'm fine here,” tipid na sagot ko. “Thanks, but I don't think I'm fine with someone else's company around me.” Mukha man akong mataray, pero minabuti kong magsabi ng totoo. Okay na akong mag-isa dito, kaya hindi ko kailangang makipag-usap sa taong hindi ko naman kilala. “Don’t worry, hindi ako mangungulit, Miss Miller,” nakangiting sabi pa nito bago umupo sa upuan ni Aidan. Nakita kong napatingin dito sa direksyon namin ang pinsan ko at nag-thumbs up pa sa lalaking naupo sa tabi ko. Mukhang si Aidan na naman ang may kagagawan kung bakit lumapit sa akin ang lalaking katabi ko. Ang nakakainis pa, presko ito at feeling close sa akin. “Baka boring ka, we can go somewhere, Miss Miller,” nakangiting sabi na naman nito sa akin. Kung hindi lang masamang palayasin ito sa tabi ko, ay ginawa ko na. Napa-ngiwi ako nang kunin nito ang cellphone sa kanyang harapan at mukhang balak pa yatang kumuha ng larawan naming dalawa. Tama nga ang hinala ko, dahil hindi nagtagal ay nagtanong ito sa akin. “Pwede ba tayong magpa-picture?” “I'm sorry, pero ayaw—” “Sige, ako ang kukuha ng picture sa inyo,” nakangiting sabi ni Aidan na nakalapit na pala sa amin. Ang bilis ng kamay ng pinsan ko. Kinunan agad niya kami ng larawan at pagkatapos ay masayang pinakita ito sa amin. “Look at these; bagay kayong dalawa ni Carl.” Napa-ngiwi ako sa nakita ko. Abot-tenga naman ang ngiti ng lalaking katabi ko na para bang natuwa sa kanyang narinig at nakita. “Inaantok na ako, Aidan. Uuwi na ako,” paalam ko sa pinsan ko. “Maaga pa, cus.” Tinapik lang ako sa balikat ng pinsan ko at pagkatapos ay mabilis kaming iniwan ng lalaking katabi ko at muling bumalik sa table ng mga lalaking kausap niya, na parang walang nangyari, at muling nakipag-usap si Aidan sa kanila. “Danaya, puwede ba akong manligaw?” “Ha?” mulagat ang mga matang tanong ko sa lalaking katabi ko. “Gusto kasi kita, kaya sana pumayag kang ligawan kita.” Masyado naman yatang mabilis ang lalaking ito, kaya sinabi kong hindi ako nagpapaligaw at wala akong balak pumasok sa kahit anong relasyon dahil may lalaki akong magugustuhan. He's straightforward, kaya mabuting tinapat ko agad siya. He's not my type, at ayaw ko ng lalaking ilang oras ko pa lang nakita ay gusto na agad ako, dahil siguradong hindi siya mapagkakatiwalaan. Walang nagawa ang kaibigan ni Aidan nang tumayo ako at iniwan ko siya sa table. Nababagot kasi akong kausap ito dahil sa kayabangan nito habang nagkukuwento sa akin tungkol sa kanyang mga achievements. “Alone?” Napalingon ako mula sa kinatatayuan ko dito sa labas ng venue nang may narinig akong lalaking nagsalita mula sa likuran ko. Lumabas kasi ako para magpahangin dahil pakiramdam ko ay masyadong masikip ang atmosphere sa loob, dahil na rin sa amoy ng alak at sigarilyo. Isang lalaking nakasuot ng maong na pantalon at kulay asul na polo ang nakita kong nakatayo dalawang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya sinagot at muling ibinaling ang mga mata sa labas at nagkunwaring hindi apektado sa kanyang presensya. “Okay lang kung ayaw mo ng kasama at gusto mong mag-isa, isipin mo na lang na invisible ako,” sabi pa nito, pero hindi ko na pinansin. Naramdaman ko kasing nag-vibrate ang cellphone sa loob ng dala kong pouch. Tiningnan ko ang notifications na natanggap ko galing sa social media account ko. In-upload pala ni Aidan ang picture naming dalawa kanina ni Carl at naka-tag pa sa akin. My cousin and her future husband. Ito ang nakita kong caption, kaya napa-iling ako at tiningnan ang mga comments. Biglang bumilis ang tîbok ng puso ko nang makita ko ang komento mula kay JC. “Bagay sila.” Maikli lang ito, pero malaki ang naging impact sa emosyon ko. May nakita rin akong iba pang comment mula sa mga pinsan ko, at tinutukso nila si JC, pero hindi siya sumagot. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka kung ano ang isipin ni JC sa nakitang larawan naming dalawa ni Carl. Sa tingin ko'y sinadya talaga itong i-upload ni Aidan para ipakita at inisin ang kinakapatid namin. Marami akong nakitang komento, pero hindi ko na pinansin. Itatabi ko na sana ang cellphone na hawak ko, pero muli itong nag-vibrate at nakita kong nag-send ng mensahe sa akin. Tanging angry emoji lang ang nakita kong laman ng kaniyang text message. Ayaw kong masira ang gabi ko, kaya hindi ko na lang pinansin ang init ng ulo ni JC para hindi na kami mag-away. “So you chose to ignore me now, Danaya, dahil nag-eenjoy ka diyan, kasama ang kung sino-sinong lalaki!” Another text message ang natanggap ko, pero hindi ako sumagot kahit isa. Puro angry emoji na ang sumunod na laman ng inbox ko, kaya pinili kong i-off muna ang cellphone ko. “Lover quarrel?” baritono ang tinig na tanong ng lalaking kasama ko dito sa balcony. “Hindi tayo close para tanungin mo ako n'yan!” mataray na sagot ko. Natawa naman ito at lumapit sa akin. “Gigil ka kasi habang hawak mo ang cellphone mo, kaya siguradong kaaway mo ang boyfriend mo.” Inikutan ko siya ng mga mata dahil obvious naman na makiki-tsismis lamang ito sa akin. “Alam mo, Miss. Kapag laging pinapasakit ng isang lalaki ang ulo mo, iwanan at palitan mo na siya agad kasi nagsasayang ka lang ng oras mo sa kanya—” “Shut up! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, mister,” singhal ko sa lalaking kasama ko, na nakakunot ang noo. Ngumisi lang ito at namulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na pantalon. “Bahala ka kung ayaw mong makinig sa akin. Kaya maraming babae ang napapahamak dahil nakikita naman nila na red flag ang lalaking kinahuhumalingan nila, eh nagbubulag-bulagan pa.” Tumingin siya sa akin at mabilis na umangat ang kanang kamay. Hindi ko inaasahan na babatukan ako nito sa ulo, kaya gulat na napasinghap ako. Parang nakakalokong tumawa pa ang estrangherong kasama ko, kaya inis na sinipa ko siya sa binti. “Ayan, close na tayong dalawa, Miss. Naabot na kita at nasipa mo pa ako,” nakangiting sabi nito sa akin. Inilahad ng lalaking kausap ko ang kanang kamay. “I'm Romeo, ikaw ba si Juliet, Miss?” “Ang corny mo na, ang pangit pa ng pangalan mo,” salubong ang kilay na sabi ko sa kanya. “Makikipagkilala ka lang pala, kung ano-ano pa ang sinasabi mo.” “Aba, mabuting makilala mo ako, Miss,” mayabang na sagot ng estrangherong lumapit sa akin. “Malay mo, ako pala ang guardian angel mo at magliligtas sa iyo sa pagkawasak ng iyong puso.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD