Chapter 3

1840 Words
DANAYA Siguro ay masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon, kaya kahit nakahiga ako, tila ba umiikot ang paningin ko. Masakit rin ang ugat sa sintido ko na para bang kumikibot-kibot ito, kaya hindi ito nakatulong sa sitwasyon ko. “Miss Miller, okay ka lang ba?” Narinig kong tanong ng doktor na nasa tabi ko. “Yes,” nakapikit na sagot ko. “I think kailangan na nating itigil ito. You seem unwell,” sabi pa ng doktor sa akin, pero umiling ako. “I'm fine.” “Miss Miller, alam mo ba ang consequences ng ginagawa mo?” Bakas ang otoridad sa tinig ng doktor, pero hindi ako sumagot sa tanong niya. Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko at mabilis na hinugot ang karayom na nakatusok sa ugat ko. “Ouch! Why did you do that, doctor?” nakapikit na tanong ko sa kaniya. “I’m the doctor here, Miss Miller, at ako ang magsasabi kung kaya mong mag-donate ng dugo ngayon o hindi,” narinig kong sabi pa ng doktor sa akin. “I want to save the life of my patient, pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan ko rin na maubos ang dugo sa katawan mo.” Narinig ko ang sinabi niya, pero hindi ko na nagawang ibuka pa ang mga labi ko dahil nakaramdam ako ng labis na panghihina. “Dammit!” Tanging ito ang narinig ko, kasabay ng ingay sa paligid ko, bago tuluyang nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng pakiramdam sa paligid ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Nagising ako na may nakakabit na dextrose sa aking kanang braso habang nakahiga sa kama sa loob ng silid na hindi pamilyar sa akin. Sinuyod ng aking mga mata ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Wala akong kasama, kaya nakaramdam ako ng matinding lungkot dahil naalala ko ang aking ina. Kahit minsan ay hindi niya ako hinayaan na mag-isa kapag hindi maganda ang pakiramdam ko, pero hindi ko siya puwedeng tawagan ngayon dahil siguradong mag-aalala siya sa akin ng husto kapag nalaman niya na narito ako sa ospital. This is one of the consequences of what I did. Ako ang pumili nito, kaya kailangan kong maging matatag para sa sarili ko at panindigan kung ano ang naging pasya ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakahiga dito sa hospital bed dahil wala naman akong nakitang kahit sino dito sa silid na kinaroroonan ko. Matagal akong nakatitig sa kisame, hanggang sa narinig kong bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan ko at may taong pumasok para marahil tingnan ako. Pinili kong pumikit at magkunwaring natutulog dahil ayaw kong kausapin ng kahit sino sa paligid ko. Ayaw kong magpaliwanag dahil nakakapagod na. Sa loob kasi ng mahigit dalawang taon na ginagawa ko ito, ngayon lang nangyari na nagkaganito ako, kaya siguradong magtatanong sa akin si JC kung bakit bigla na lang akong nawalan ng malay kanina. Emotionally unstable ako dahil nakakaramdam ako ng pagsi-self-pity. Siguro ay dahil naiingit ako kay Trixie, dahil kahit ganito ang kondisyon ko ngayon, nanatili pa rin sa tabi niya si JC. Hinayaan ko ang taong kasama ko dito sa silid na suriin ako, hanggang sa nakatulog ako at muli ay nagising nang marinig ko ang tinig ni JC sa tabi ko habang may kausap siya. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata, pero muling napapikit dahil biglang kumirot ang ugat sa sintido ko. “You're here,” mahapdi ang lalamunan na sabi ko kay JC. “How are you?” tanong niya sa akin. “I'm fine,” mahinang sagot ko at ngumiti sa kaniya. Ramdam ko kung paano may pumitlag na kung ano sa puso ko. Nakaramdam ako ng saya dahil sa narinig kong tanong ni JC sa akin. “Kailangan mo nang umuwi bago pa magtanong ang pamilya mo kung bakit narito sa ospital,” sabi ni JC, pero agad sumabat ang doktor na kasama namin dito sa silid. “Mr. Laxamana, hindi pa po magaling ang pasyente. Nanghihina pa siya, kaya hindi pa siya puwedeng lumabas dito sa ospital.” Nakita kong tumalim ang mga mata ni JC at tinapunan ng masamang tingin ang doktor na kasama namin. “Hindi kita binabayaran at pinapasahod ng malaki dito sa ospital ko para diktahan ako kung ano ang gagawin ko!” galit na singhal ni JC sa natigilang doktor. “I'm sorry, Mr. Laxamana, pero bilang doktor, ang well-being ni Miss Miller ang pangunahing concern ko,” paliwanag ng kasama naming doktor, pero hindi ito nagustuhan ni JC. Mas lalong tumalim ang kaniyang mga mata at tiim-bagang na tiningnan ng masama ang kausap na doktor. “Who are you to question my order?” Kahit nanghihina, hinawakan ko ang braso ni JC. “It's okay, let it go. Uuwi na ako.” Tumingin ako sa doktor na kasama namin at sinabi kong alisin na ang karayom sa braso ko. Napilitan naman itong sundin ang sinabi ko dahil kilala niya si JC at kung ano ang kaya nitong gawin kapag nagalit ito. Ayaw ko na, dahil sa akin ay mapahamak siya at mawalan ng trabaho kapag tuluyang nagalit si JC sa kaniya. Isa sa mga dahilan kung kaya walang naghihinala sa akin kung bakit ilang ulit akong pumupunta dito sa ospital ay dahil ang akala nila ay dinadalaw ko si JC. Simula nang magkasakit si Trixie, bumili ng sariling ospital si JC para sa kaniya. Siniguro niya na maayos ang magiging treatment ng babaeng iyon hanggang sa gumaling siya. He has the money, pero nahihirapan siyang makahanap ng dugo na match kay Trixie. Bukod sa rare, hindi rin healthy ang ilan sa mga taong nahanap ni JC, kaya napilitan siyang tanggapin ang offer ko sa kaniya. Pabor sa aming dalawa ang naging alok ko kay JC. Hindi na siya nahihirapan na maghanap ng blood donor sa mga blood bank para kay Trixie dahil narito ako at handang magbigay ng dugo ko para makasama ko siya. Kasama si JC, lumabas ako ng ospital. Hinatid niya ako dito sa penthouse, sakay ng kotse niya, kaya naiwan ko ang sasakyan ko sa parking lot ng ospital. “Give me your car key,” utos ni JC sa akin nang makapasok kami dito sa loob ng penthouse ko, at dahan-dahan akong umupo sa sofa dahil nanghihina talaga ako. Binuksan ko ang bag na nasa tabi ko, at nanginginig ang kamay ko nang inabot ko ang susi ng sasakyan ko sa kaniya. “Ang driver ko na ang bahalang maghatid dito ng kotse mo,” sabi ni JC nang makuha ang susi sa akin. “Okay,” tipid na sagot ko. “You better eat well and have enough rest, Danaya. Hindi ka dapat nagkakasakit,” walang emosyon na sabi ni JC sa akin. Tumango lang ako habang nakatingin sa kaniya. As usual, casual kung paano niya ako pakitunguhan na para bang balewala sa kaniya ang nakikitang panghihina ko. “Sinabi ko na sa iyo kagabi na matulog ka ng maaga, pero ang tigas ng ulo mo. Tingnan mo tuloy ang nangyari,” paninisi pa niya sa akin. “JC, sampung araw pa lang nang huling kunan ako ng dugo, kaya nanghihina pa ako kasi hindi pa naman ako fully recovered,” mahinahon na paliwanag ko sa kaniya. Nakita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresyon ni JC. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko kung paano niya kinuyom ang kamao na para bang nagpipigil siya na huwag akong saktan. “You asked for this, Danaya. Hindi kita pinilit. Ikaw ang may gusto nito. I did my part, kaya tumupad ako sa kasunduan natin at gawin mo rin ang responsibilidad mo.” Hindi ako nakapag-salita. Tama naman kasi si JC, kaya lang, nitong mga nakaraang buwan ay nangailangan si Trixie ng mas madalas na blood transfusion, kaya may mga pagkakataon na nakaramdam ako ng labis na panghihina. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni JC. Sanay na ako sa ganitong tagpo. He used to silence me with his words dahil masakit talaga kapag pinapamukha niya sa akin kung ano ang ginawa ko, pero wala akong magawa dahil iyon naman talaga ang totoo. Matapos naming mag-usap, tumayo si JC. Bago siya umalis sa tabi ko, nakita kong tinatawagan niya si Trixie para marahil kumustahin ito dahil iniwan niya ito sa ospital para ihatid ako dito sa bahay. Kahit hindi ko naririnig ang usapan nilang dalawa, ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Paulit-ulit akong humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakapikit at nakasandal sa sofa. Ayaw ko na munang mag-isip ng kahit ano para hindi ako mauwi sa labis na kalungkutan. Mawawala rin naman ang sakit na nararamdaman ko mamaya kapag nakapag-relax na ako. Inabot ko ang malambot na throw pillow dito sa sofa at niyakap ito. Hindi ako nagmulat ng mga mata para hindi ko makita si JC habang kausap si Trixie na may ngiti sa kaniyang mga labi. Mga ngiti na pinagdadamot niya sa akin simula nang sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa kasunduan namin, pero malayang nakikita ni Trixie kapag magkasama silang dalawa. Pinili kong maging manhid at huwag makinig sa kahit anong sinasabi ni JC habang kausap si Trixie para hindi ako masaktan. I learned how to mask my emotions kapag kasama ko si JC dahil ayaw kong kaawaan niya ako. “Nag-order na ako ng pagkain mo para hindi ka na magluto,” narinig kong sabi ni JC, pero hindi ako sumagot at nanatiling nakapikit. Umupo siya sa tabi ko, pero lumipas ang ilang minuto at wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya, hanggang sa naramdaman kong umilalim sa dalawang binti at likuran ko ang mga braso ni JC at binuhat niya ako. Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang buhat ni JC at naglalakad siya papasok sa silid ko. Kahit nahihilo, nanuot sa ilong ko ang pamilyar na pabangong gamit niya. Masarap itong amuyin dahil hindi matapang at presko, kaya kahit paano ay na-relax ang pakiramdam ko. “Thank you,” mahinang sabi ko kay JC nang ilapag niya ako sa ibabaw ng kama. “Have some rest, Danaya, para lumakas ka,” walang emosyon na sagot ni JC. “Can you stay for a while?” lakas-loob na tanong ko sa kaniya dahil wala akong ibang kasama dito sa penthouse ko. Wala akong kasama dito kahit nag-offer na sa akin noon si Mommy na samahan ako ng isa sa mga tauhan namin sa bahay, pero tinanggihan ko at hindi ako kumuha ng kasambahay. Ayaw ni JC na may iba kaming kasama kapag narito siya sa penthouse ko dahil gusto niya ng privacy, kaya pinapapunta ko na lang ang dalawang katulong dito sa bahay tuwing linggo kapag wala siya para mag-general cleaning. “I can stay for two hours, and after that, babalik ako sa ospital,” sagot ni JC matapos ang ilang sandali ng katahimikan. Dalawang oras, alam kong hindi ito sapat para makasama ko siya, pero masaya na ako na pumayag si JC na pansamantalang manatili dito sa penthouse ko para kahit paano ay may kasama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD