DANAYA
Matapos kong makausap si Mommy, bumangon na ako para maghanda ng almusal. Eleven o'clock na pala, pero hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapagluto ng tanghalian.
Unusual ito sa karaniwang daily routine ko dahil maaga akong gumising para pumasok sa boutique, pero hindi ko ito ginawa ngayong araw kasi bukod sa linggo ngayon, tinanghali ako ng gising.
Isa sa mga paborito kong gawin ay ang magluto dahil maaga akong natuto. Tinuruan ako ni Mommy, at bata pa lang ako, kasama na niya ako sa kusina sa tuwing magluluto siya para sa aming buong pamilya.
Typical housewife si Mommy kahit mayaman ang pamilya niya. She loves cooking, at ito ang hobby na namana ko sa kaniya. Gusto ng aking ina na siya ang naghahanda ng pagkain sa hapag para sa amin araw-araw dahil ayaw niya na iba ang nagluluto ng pagkain namin.
Kahit may mga kasambahay kami sa bahay, siya ang nagluluto para sa pamilya, hanggang sa naging katuwang niya ako at natuto na rin ako.
Simpleng pasta salad with tuna ang niluto ko. Madali lang kasi itong gawin at natutunan ko rin kay Ninang Jamilla, na ina ni JC.
Alam kong paborito ito ni JC, kaya nagpaturo ako kay Ninang Camilla kung paano magluto nito. Pero sa tingin ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagustuhan ang luto ko dahil hindi ko makuha ang tamang timpla na gusto niya.
Linggo ngayon at pinili kong manatili dito sa bahay at magpahinga muna dahil pakiramdam ko ay mahina pa ang katawan ko.
Hindi naman ako gaanong busy araw-araw dahil tanging boutique lang ang pinagkakaabalahan ko, at malaya akong gawin ang gusto ko dahil sarili ko ang oras ko.
Hindi ko kasi hinawakan ang naglalakihang mga negosyo ng aking pamilya dito sa Pilipinas at sa abroad. Hinayaan ko ang mga kapatid ko na pamahalaan ang mga iyon dahil alam ko na kaya nila at wala akong interes doon.
Nagbukas ako ng sarili kong boutique dahil fascinated ako sa tuwing nakakakita ako ng magagandang gown. I'm a princess in my own family. Nasanay akong nakakakita at gumamit ng iba’t ibang uri ng mga elegant gowns, kaya dito nagsimula ang interes kong pasukin ang fashion industry.
May sarili akong bridal boutique. Nag-customize ako ng mga disenyo ng wedding gowns sa ilang branch na pag-aari ko, at established na rin naman ang brand ko sa market, kaya hindi ako nahihirapan na patakbuhin ang negosyo ko.
Parang fairy tale kasi ang buhay ko. Isa akong prinsesa na naghihintay sa lalaking magmamahal sa akin. Nasa malapit ko lang siya at abot-tanaw ko na, pero ang hirap niyang abutin.
Lumipas ang oras na narito lang ako sa bahay. Matapos magluto at kumain, naligo agad ako para presko ang pakiramdam ko bago ko harapin ang trabahong inuwi ko dito sa penthouse kagabi.
Abala ako sa pagdidisenyo ng bagong gown sa sketch pad na nasa harap ko nang marinig kong tumunog ang aking cellphone sa tabi ko.
Sa tunog pa lang ng malamyos na musikang naririnig ko, alam ko na agad kung sino ang tumatawag ngayon dahil may naka-set na ringtone sa tuwing tatawagan ako ni JC.
Kasabay ng malakas na kabog sa dibdib ko na karaniwang nararamdaman sa tuwing tinawagan niya ako at nasa paligid ko siya, sinagot ko ang tawag ni JC.
“Hello?”
“Pumunta ka dito sa ospital ngayon din, Danaya. Kailangan ka ni Trixie.” Narinig kong mabilis na sabi ni JC sa akin mula sa kabilang linya.
“Okay,” tipid na sagot ko. “I'm coming.”
Hindi na kailangan pang magpaliwanag ni JC sa akin kung bakit kailangan kong pumunta ngayon din sa ospital. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya mabilis na inilapag ko ang sketch pad at lapis na hawak ko para magbihis.
Sakay ng sports car na binigay sa akin ni Daddy six months ago, umalis ako at mabilis na nagmamaneho papunta sa hospital kung saan naka-confine si Trixie.
Ilang linggo na siyang pabalik-balik sa ospital dahil sa labis na panghihina, kaya kahit ano pa ang ginagawa ko, kailangan ko itong itigil para puntahan ang girlfriend ni JC dahil kailangan niya ang dugo ko.
Kailangan ako ng babaeng iyon. Ang dugo ko ang bumubuhay sa kaniya at mabilis niyang nakukuha ng walang kahirap-hirap kapag kailangan niya ng agarang blood transplant.
Dahil linggo naman ngayon, mabilis akong nakarating dito sa ospital. Agad kong pinuntahan ang silid ni Trixie at naabutan ko siyang nakahiga sa kama at mukhang hinang-hina.
Bumaba ang mga mata ko sa magkahawak na kamay nilang dalawa ni JC, na bakas ang labis na pag-aalala para sa babaeng mahal niya.
“Bakit ang tagal mo, Danaya?” matigas ang tinig na tanong sa akin ni JC. “Linggo naman ngayon at walang traffic, ah!”
“I'm sorry, kumain muna ako bago umalis sa bahay,” mahinahon na paliwanag ko.
Mula sa malamlam na mga mata, habang nakatingin siya kay Trixie, ay tumalim ito at tinapunan niya ako ng masamang tingin.
“Ngayon ka lang kumain?” mariin na tanong ni JC, kaya napilitan akong tumango.
“Tinanghali kasi ako ng gising,” kinakabahan na paliwanag ko, dahil malinaw na nakikita ko sa mga mata ni JC na hindi niya nagustuhan ang narinig na paliwanag ko.
“Dammit, Danaya! Hanggang ngayon ba ay kailangan ko pang i-remind sa iyo kung anong gagawin mo?” galit na tanong ni JC sa akin.
“Love, it's okay. Please calm down,” mahina ang tinig na pakiusap ni Trixie kay JC, habang nakatayo ako malapit sa gilid ng kama niya.
Ngumiti sa akin si Trixie. “Salamat at pinuntahan mo agad ako dito sa ospital, Danaya. I owe you my life. You're an angel, and I will forever be grateful to you, kasi lagi kang nariyan para sa akin.”
“It's okay,” maikling sagot ko.
Tipid na ngumiti lang ako kay Trixie dahil wala naman akong ibang masasabi sa kaniya. A part of me ay nakaramdam rin naman ng guilt dahil alam ko na hindi genuine ang ginagawa kong pagtulong sa kaniya at siguradong masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoo.
Kahit nanghihina, nagawang bumaling ni Trixie kay JC at malambing na kinausap ito.
“We must be very thankful to her dahil laging narito si Danaya para tulungan ako. She helps me a lot, love. Please don't scold her.”
Kagat ang pang-ibabang labi, nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan kung paano mabilis na nalusaw ang matigas na aura ni JC dahil sa isang salita lamang ni Trixie.
Sa loob ng ilang taon na pumupunta ako dito sa ospital, ganito ang laging nakikita ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay at nasasaktan pa rin ako.
Dahil nakaramdam ako ng panghihina, umupo muna ako sa bakanteng upuan dito sa loob ng silid ni Trixie habang hinihintay ang pagdating ng doktor niya.
Nagkunwari akong abala sa cellphone na hawak ko para hindi ko makita ang sweet gesture ni JC kay Trixie habang pinipilit niya itong kumain ng pagkaing hawak niya.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok ang isang doktor.
“Miss Miller, mabuti at dumating ka na. Puwede na nating simulan ang procedure,” sabi agad nito sa akin, kaya tumango ako at isinilid ang cellphone na hawak ko sa loob ng handbag na dala ko.
Isang huling sulyap ang iniwan ko sa kamang hinihigaan ni Trixie. She's weak, pale, and obviously, hindi maganda ang pakiramdam niya, kaya gano'n na lang ang nakikita kong pag-aalala ni JC sa kaniya.
I wonder kung ako ang nasa kalagayan niya, ganito rin ba ang magiging trato sa akin ni JC? Minsan ay may mga pagkakataon na naiisip ko, would he care for me in the same way he cares for his girlfriend?
I doubt na posibleng mangyari iyon dahil hindi naman ako mahal ni JC. Huminga na lang ako ng malalim at humakbang kasama ng doctor ni Trixie, palayo sa silid niya para kunan ako ng dugo.
“Please sit down, Miss Miller,” nakangiting sabi sa akin ng doctor na kasama ko.
Walang imik na sumunod naman ako. Walang dahilan para makipag-usap ako sa kaniya dahil dugo ko lang naman ang kailangan nila, kaya agad akong humiga sa kama at pumikit.
“Sigurado ka ba na kaya mong mag-donate ng dugo ngayon, Miss Miller?” Narinig kong tanong ng doktor sa akin.
“Yes,” tipid na sagot ko.
“Pero mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon, Miss Miller. Wala pang dalawang linggo nang mag-donate ka ng dugo kay Trixie, kaya nanghihina ka—”
“It's okay. Please do it, para matapos na tayo at makauwi na ako,” walang ganang sagot ko.
I cut him off, dahil hindi nga maganda ang pakiramdam ko. Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga agad ako, kaya ayaw kong humaba pa ang usapan naming dalawa ng doktor na kasama ko.
“Pinilit ka ba ni Mr. Laxamana na mag-donate palagi ng dugo kay Trixie, Miss Miller?” narinig kong tanong pa ng doktor sa akin.
“Please stop questioning me. I'm fine, doctor, and you don't have to worry about me. I just didn't get enough sleep last night, kaya inaantok ako ngayon.”
Narinig kong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang doktor na kasama ko, bago lumapat ang matulis na karayom sa braso ko.
“Okay, but don't blame me if something bad happens to you, Miss Miller. I already warned you, but you chose to ignore it.”
Hindi na ako sumagot at nanatiling nakapikit. Gusto ko munang maging manhid ngayon dahil emotionally, I'm not okay.
May bahagi kasi ng isipan ko ang nagsasabi na tama na, sumuko na ako, pero ayaw paawat ng tangang puso ko.
How can I stop if I have already reached this far?
I already have him. Nakakasama at nakikita ko si CJ sa oras na nakalagay sa kasunduan naming dalawa, kaya bakit ako susuko ngayon, kung kailan abot-kamay ko na siya?