DANAYA
Gaya nga ng sabi ni JC, nanatili siya dito sa penthouse para samahan ako sa loob ng dalawang oras. He even helped me with my food, dahil hinang-hina talaga ako at halos hindi makabangon at makababa ng kama.
Matapos kong uminom ng gamot at makabalik sa kama, tinulungan niya akong mahiga. Sa maikling oras na kasama ko siya, naramdaman ko na kahit paano ay mahalaga ako sa kaniya.
Alam ko na ginagawa niya ito para lumakas agad ako dahil kailangan ako ni Trixie. Nahihirapan silang maghanap ng agarang dugo dahil ang ilan sa mga donors na nakuha ni JC, kahit malaki ang binayad niya, ay hindi kayang mag-donate ng paulit-ulit.
Ang alam ko ay may nakuha naman siyang donor mula sa probinsya, pero hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil hindi raw ito compatible kay Trixie kahit pareho naman ang blood type, pero raw tinanggap ng katawan ng babaeng iyon.
She's so used to my blood. Nagsusuka raw si Trixie at nawalan ng malay. Ang paliwanag lang sa akin ni JC ay hindi daw compatible ang dugong iyon sa katawan ng girlfriend niya, kahit pareho naman ang blood type nila ng taong nag-donate ng dugo.
Her body is so used to my blood, kaya inaalagaan akong mabuti ni JC, lalo na ngayon na mas dumadalas ang pangangailangan ng dugo ni Trixie.
“Aalis ka na?” hindi nakatiis na tanong ko kay JC nang makita ko siyang tumayo.
“Not yet,” tipid na sagot niya bago lumabas sa silid ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Ilang minuto ang lumipas, muling bumukas ang pintuan at nakita ko siyang may kasamang babaeng pumasok dito sa loob ng silid ko.
“Sino siya?” kunot ang noo na tanong ko kay JC dahil ayaw kong may ibang pumasok dito sa loob ng silid ko ng walang paalam sa akin.
“She will stay here for a while, kasama mo habang wala ako,” agad na paliwanag ni JC. “She's a licensed nurse. She can take good care of you and anything you need, hanggang sa makabalik ako.”
Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa babaeng kasama ni JC. “Why didn't you tell me about this first, bago mo siya pinapunta dito?”
Walang emosyon na tumingin si JC sa akin. “You are weak at the moment, Danaya, kaya hindi mo dapat kinu-question kung ano ang ginagawa ko para lumakas ka.”
Kagat ang pang-ibabang labi, nag-iwas ako ng tingin. We were okay earlier, bago dumating ang babaeng nasa harap ko, kaya ayaw kong mauwi kami ni JC sa away dahil sa kaniya.
“It's okay,” mahinahon na sagot ko. “I'm just not used to having someone with me, dahil nasanay akong mag-isa dito sa bahay, pero kung iyan ang pasya mo, I'm okay with that, JC.”
Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Kinausap ni JC ang nurse at sinabi kung anong oras ako kumain at uminom ng gamot kanina.
“Don't let her get up from the bed, or else, mananagot ka sa akin!” matigas na banta ni JC sa babaeng kausap.
“Yes, sir,” nakayukong sagot naman agad ng nurse.
Narinig kong inutusan niya itong tawagan siya kapag may napansin umanong kakaiba sa kilos ko. Hinayaan ko lang silang mag-usap at hindi sumabat sa usapan nilang dalawa dahil hinang-hina pa ako at hindi pa talaga maganda ang kondisyon ko.
Matapos makausap at magbilin sa nurse, bumaling sa akin si JC. “Magpahinga ka muna ngayong araw, Danaya. Hindi ka aalis ng bahay para pumunta sa boutique, understand?” pormal ang ekspresyon na utos sa akin ni JC.
“Okay,” tipid na sagot ko.
“Anything you need, if it's urgent, call me immediately.”
Matapos sabihin ito, tiningnan niya ang oras sa suot na relo at pagkatapos ay muling hinarap ang nurse na kasama namin dito sa silid.
“I'm leaving now. Ikaw na ang bahala kay Danaya. She's now under your care, and if something bad happens to her, it's your responsibility to explain everything to me.”
Sumulyap muna siya sa akin bago humakbang palabas ng silid ko. Naiwan naman akong nakahiga sa kama kasama ang nurse na pinapunta ni JC dito sa penthouse ko.
“Kumusta po ang pakiramdam mo, Miss Danaya?” nakangiting tanong sa akin ng nurse.
Pamilyar ang mukha niya sa akin dahil ilang ulit ko na siyang nakita sa ospital, pero hindi ko alam ang kaniyang pangalan dahil hindi ko pa siya personal na nakakausap.
“I'm fine,” tipid na sagot ko.
Hindi kasi ako sanay na basta na lang makipag-usap sa kahit na sino, tapos kasama ko pa siya dito sa loob ng silid ko.
I'm so used to staying alone, kaya hindi ako komportable na may estranghero akong kasama dito mismo sa loob ng silid ko.
“What are you doing?” tanong ko sa nurse dahil nakita kong may inilabas siyang syringe at bag ng saline water.
“Kailangan mo pong lagyan ng dextrose, Miss Danaya, para lumakas ka agad. Nanghihina ka po, kaya makakatulong po ito sa iyo,” mabilis na sagot ng nurse sa tanong ko.
“Okay.”
Kahit masakit na ang braso ko dahil sa sunod-sunod na tusok ng karayom ay pumikit na lamang ako at hinayaan ang nurse na matapos sa kanyang ginagawa.
Tama naman ang sinabi ng nurse na kasama ko, kaya hindi na ako kumontra pa at tiniis ko na lang ang sakit nang bumaon ang karayom na hawak niya sa ugat ko.
Hindi ako nakipag-usap sa nurse na pinapunta ni JC at ngayon ay kasama ko, dahil agad akong nakaramdam ng antok matapos niyang ikabit ang dextrose sa braso ko.
Hindi ko na alam pa kung ano na ang nangyari sa paligid ko dahil malalim ang naging tulog ko. Hapon na rin nang magising ako dahil ginising na ako ng nurse na nagbabantay sa akin.
“Miss Danaya, oras na po ng pagkain mo para makainom ka na rin ng gàmot mo,” nakangiting sabi sa akin ng nurse na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi ko man lang tinanong kanina.
Ngumiti ako sa kaniya nang ilapag niya ang tray ng pagkain sa gilid ng kama sa tabi ko.
“Tumawag ba si JC habang natutulog ako?”
“Opo, tinanong niya kung kamusta ka na,” agad namang sagot ng nurse sa akin, kaya ngumiti ako sa kaniya.
“Thank you. Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko sa nurse na kaharap ko para naman alam ko kung ano ang itatawag ko sa kaniya.
“Jecel po ang pangalan ko, Miss Danaya,” nakangiting sagot agad nito.
Ngumiti rin ako sa kaniya, “Okay, pasensya ka na, hindi kita natanong kanina kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam ko, tapos nakatulog agad ako.”
“Naku, wala po iyon, ma'am,” nakakaunawa na sagot ni Nurse Jecel. “Mabuti nga po at nakatulog ka para lumakas ka agad.”
Magaan kausap si Nurse Jecel, kaya kahit paano ay hindi na ako gaanong nag-iisip. Matapos kumain, niligpit niya ang pinagkainan ko at inalis na rin ang nakakabit na dextrose sa braso ko.
Bumaba ang paningin ko sa kanang braso ko. Maputi ako dahil namana ko ang magandang kutis ni Daddy, kaya kitang-kita ang mga pasa at marka ng karayom na bumaon sa ugat ko.
Ganito lagi ang epekto sa akin kapag kinukunan ako ng dugo. Nagkakaroon ako ng mga pasa dahil sa procedure, kaya lagi akong nakasuot ng long-sleeve para walang kahit na sino ang makakita nito dahil siguradong magtataka sila at tatanungin ako kung saan ko nakuha ito.
Matapos kong kumain ay muli akong nakatulog. Gabi na nang gisingin ulit niya ako para muling kumain at uminom na naman ng gàmot ko.
“Maliligo muna ako, Jecel,” paalam ko sa kaniya matapos kong inumin ang gàmot na binigay niya sa akin.
Hindi kasi ako komportable na hindi maligo sa loob ng isang araw, kaya bumaba na ako sa kama.
Agad namang lumapit sa akin si Nurse Jecel para alalayan ako, pero sinabi ko sa kaniya na kaya ko na itong gawin ng mag-isa.
“Sasamahan na lang po kita, Ma'am Danaya, hanggang sa loob,” agad na sabi ni Nurse Jecel matapos kong tanggihan ang offer niya, pero umiling ako.
“I'm fine, hindi na ako nahihilo.”
Napa-kamot naman sa sintido si Nurse Jecel na ayaw talagang paawat sa akin.
“I’m sorry, ma'am, pero hindi po talaga puwede. Mahirap na, baka kung ano po ang mangyari sa iyo sa loob, lagot ako kay Mr. Laxamana.”
Hindi ko napigilan si Nurse Jecel. Sinamahan niya ako hanggang sa nakapasok kaming dalawa dito sa loob ng banyo. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ito ginawa dahil narinig ko kung ano ang banta ni JC sa kaniya kanina bago ito umalis.
“Please, iwan mo na ako dito, Jecel,” malumanay na pakiusap ko sa kaniya. “Don't worry, I'll be fine here. Hindi lang talaga ako komportable na may ibang kasama habang naliligo.”
Nakiusap na ako sa kaniya dahil ayaw kong narito rin si Nurse Jecel habang naliligo ako. I'm not comfortable na may ibang kasama sa loob ng silid ko, maliban kay JC, kaya ayaw kong pati dito sa banyo ay bantayan niya ako.
Isipin ko pa lang na gano'n ang mangyayari ay hindi na maganda ang pakiramdam ko dahil kahit ang mommy ko ay hindi naman ako binantayan kapag naliligo ako.
“Sige po, ma'am. Lalabas na po ako,” nakangiting sagot ni Nurse Jecel sa akin.
Alam ko na kahit nakangiti siya ay hesitant pa rin si Nurse Jecel na iwan ako dahil nag-aalala siya sa akin. Sa tingin ko naman ay kaya ko nang kumilos ng mag-isa dahil kahit paano ay gumanda na ang pakiramdam ko at hindi na rin ako nakakaramdam ng pagkahilo.
In fact, masigla na nga ang pakiramdam ko sa sarili ko, hindi tulad kanina na hinang-hina ako at halos hindi makabangon sa kama.
Nakatulong sa masakit na kalamnan ko ang maligamgam na buhos ng tubig mula sa shower. Minabuti ko na sandaling magbabad para kahit paano ay mas gumanda pa ang pakiramdam ko.
Kung hindi pa ako nakarinig ng katok sa pintuan ay hindi ako matatapos maligo. Matapos i-off ang shower ay inabot ko ang itim na cotton roba at sinuot ito.
Binuksan ko ang pintuan na tanging ito ang suot ko at may balot na tuwalya sa ulo.
Si JC ang bumungad sa mga mata ko nang lumabas ako. Wala na rin si Nurse Jecel at hindi ko nakita dito sa loob ng silid ko.
“Are you okay?” tanong agad ni JC matapos pasadahan ng tingin ang buong katawan ko.
“Yes,” nakangiting sagot ko.
“Good.”
Ang tipid ng sinabi niya pero masaya na ako. Sapat na sa akin ang ganito dahil minsan ko lang makitang may concern sa akin si JC.
“Kumusta si Trixie?”
“Tulog siya nang umalis ako,” tipid na sagot ni JC.
Kaya pala siya nakaalis at nakapunta dito sa penthouse para dalawin ako dahil tulog ang babaeng iyon.
Daig ko pa ang kabit sa setup namin ni JC. Nakiki-amot sa kaunting oras niya pero dahil ito naman ang gusto ko, kaya hindi ako puwedeng magreklamo sa kaniya.
“Magbibihis muna ako,” paalam ko kay JC dahil nakatingin lamang siya sa katawan ko, partikular sa mga dibdib ko.
“Malakas ka na ba?” tanong niya sa akin, kaya tumango ako.
“Hindi ka na nahihilo?”
“Hindi na,” napangiti na sagot ko.
“Good.”
Napalunok ako nang makita ko kung paano bumaba mula sa mukha at leeg ko, pababa sa dibdib ko ang mga mata ni JC.
“Take off your robe, Danaya,” malalim ang tinig na utos niya sa akin habang hindi inaalis ang mga mata sa dibdib ko.
Kapag ganito si JC, alam ko na nag-iinit siya at gusto niyang may mangyari sa aming dalawa, kaya sino ako para tanggihan siya, kung simula pa lang ay ito naman ang gusto ko?
Nanginginig ang mga kamay habang hinatak ko ang nakabuhol na tali ng roba sa maliit na bewang ko. Kasabay ng pagbagsak ng telang hinubad ko sa sahig ay ang pagkalat ng init sa buong katawan ko dahil nakita ko kung paano pinasadahan ng mga mata ni JC ang buong katawan ko.
Wala akong suot na kahit ano, kaya kitang-kita niya ang lahat sa akin. Matagal na niyang nakita ang kahubaran ko, pero hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako kapag ganitong hubo't hubad akong nakatayo sa harap ni JC, at nakabuyangyang sa mga mata niya ang lahat sa akin.