DANAYA
Tahimik na nakapikit ako habang hubo't hubad na nakahiga sa ibabaw ng kama dito sa loob ng silid ko. Mahimbing ang tulog ng kinakapatid ko na si JC, na bahagyang naghihilik pa sa tabi ko, at katulad ko, tanging kumot lamang ang takip sa katawan.
Katatapos lamang ng mainit na sandaling pinagsaluhan naming dalawa kanina, pero alam ko na ginawa lamang iyon ni JC para tuparin ang kasunduan naming dalawa.
We are bound by the contract na pinirmahan naming dalawa, halos tatlong taon na rin ang nakalipas.
I can have him as much as I want, pero hindi ako puwedeng mabuntis, or else, matatapos ang kasunduan namin dahil bahagi iyon ng kontrata.
Araw-araw ay umiinom ako ng contraceptive pills para hindi ako mabuntis. I take good care of myself para sa kaniya dahil isa iyon sa mga nakasulat sa aming kontrata.
Dapat ay palagi akong healthy para hindi ako magkakasakit at walang maging problema kapag kailangan niya ng dugo ko.
Physically, I'm okay. Nagyo-yoga ako at active rin ako sa aking mga physical activities. Kahit gaano ako ka-busy ay personal na nagluluto ako ng pagkain ko para masiguro na healthy at less calories ang food intake ko.
Yes, kasama ito sa kontrata namin ni JC. Pumayag siya na makasama ko at may mangyari sa aming dalawa, kapalit ng dugo ko, anytime na kailangan ni Trixie.
He loves his girlfriend so dearly, kaya nagawa niyang magsakripisyo at tanggapin ang offer ko para masiguro na may dugong available para kay Trixie, lalo na sa oras na kailangan nito ng urgent blood transfusion.
Rare ang dugo ko, ganoon din ang long-time girlfriend ni JC na si Trixie. May leukemia siya at kailangan niyang salinan ng dugo buwan-buwan, at kung minsan ay dalawang ulit pa sa loob ng isang buwan kapag sobra siyang nanghihina.
She's an orphan, and JC is the only person Trixie relies on to survive, which is why JC was extremely angry when I told him what I wanted in exchange for the help I would give to his girlfriend.
JC loves Trixie very much, so he was forced to accept my offer. In return, no one else should know about our agreement, not even one of our family members, and I also should not get pregnant; otherwise, our contract would come to an end.
At first, I struggled a lot with the secret setup between JC and me, but as days, months, and years passed, I learned to accept my role in his life.
Nagmulat ako ng mga mata at bumaling kay JC sa tabi ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya, at hanggang ngayon ay hindi man lang nagising kahit malikot ako sa kama.
May mga pagkakataon naman na sweet siya sa akin, lalo na kapag umuulan dahil takot talaga ako sa kulog at kidlat. He will stay beside me for a while, hanggang sa tumila ang ulan, pero maraming pagkakataon na iniwan niya ako dahil kailangan siya ni Trixie.
I let out a heavy sigh and took off the duvet that covered my body. Bumangon ako at dahan-dahan na sumandal sa headboard ng kama dahil hindi ako makatulog.
Past three o'clock na ng madaling araw, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, kahit napagod ako kanina dahil masyadong malakas ang stamina ni JC at para bang nagutom siya at ako ang gusto niyang kainin magdamag.
Para bang sinaid ni JC ang lakas ko, kaya nanghina ako matapos niya akong angkinin kanina. Hindi pa rin kasi fully recovered ang katawan ko, kaya nanghihina pa ako dahil sampung araw pa lang ang nakaraan nang kunan ako ng dugo dahil kailangan sa procedure na gagawin kay Trixie.
May pagkakataon na nakakaramdam ako ng pagkahilo, kaya binigyan ako ni JC ng mga vitamins at nagpadala rin siya ng mga prutas at gulay dito sa penthouse na tinutuluyan ko.
Tiniklop ko ang mga tuhod ko at niyakap ang mga iyon. Ang lapit lang ni JC sa akin. Abot-kamay ko lang siya, pero ramdam ko na napakalayo ng kaniyang puso kaya hindi niya ako magawang mahalin.
He treated me casually, especially when we were at our parent's house. He is my dad's godson, and the same goes for Ninong Jared, who is also my godfather from my baptism.
Our parents are happy to see that JC and I often spend time together because they hope that one day we will get married.
That is one of the factors why I convinced myself that he is mine. Ever since I was young, it has been ingrained in my mind that one day, JC and I would end up together because our parents always told us that they had arranged our marriage when we were little. However, I think that as long as Trixie is alive and JC loves her, that will never happen.
“Bakit gising ka pa?” Narinig kong tanong ni JC sa tabi ko.
Nagising pala siya at nakita akong gising pa at nakasandal ngayon sa headboard ng kama.
“Hindi ako makatulog,” mahinang sagot ko.
“Why?” maikli at tipid na tanong ni JC sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago sumagot dahil alam kong magagalit siya dahil hindi na naman ako natulog sa tamang oras.
“Hindi pa ako inaantok, JC.”
“Lay down and sleep, Danaya,” malamig ang tono ng pananalita na utos sa akin ni JC.
“Alright.”
Hinatak ko ang kumot at kahit nanghihina ay humiga ako sa tabi ni JC.
Ayaw ko kasing magalit siya dahil iniiwasan ko itong mangyari. He's been cold and distant recently, kaya nakakaramdam ako ng takot na baka bigla na lang niyang sabihin na ayaw na niyang ipagpatuloy ang ganitong setup.
“Alam mong hindi ka dapat nagpupuyat, Danaya.” Narinig kong matigas na sabi ni JC habang nakahiga ako sa tabi niya.
“I'm sorry, JC, there was a time when I couldn't sleep at night, kasi natulog naman ako sa araw,” agad na pagdadahilan ko dahil baka magalit na siya at bigla na lang umalis at ilang araw na naman na hindi magpapakita sa akin.
I know I stepped so low just to have him by my side, but honestly, ginawa ko lang iyon dahil mahal na mahal ko siya.
“I don't need to repeat this to you, Danaya,” mariin na sabi ni JC.
“Madaling araw pa lang, matulog ka na.”
“Okay,” tipid na sagot ko at pumikit na.
Sinadya kong yumakap sa katawan niya ang kaliwang braso ko. Wala naman akong narinig na kahit anong reklamo mula kay JC, kaya nanatili akong nakayakap sa kaniya at malayang naririnig ang tîbok ng kaniyang puso.
Alam kong mali ang ginagawa ko. Tama si JC, selfish ako, but I'm tempted to do this, dahil tanging ito lamang ang nakita kong pagkakataon para makasama ko siya ng ganito.
I know that without my blood, he will never even glance at me, at hinding-hindi niya ako pupuntahan dito sa penthouse ko dahil kay Trixie lamang ang buong atensyon niya, na para bang hindi ako nag-i-exist sa paningin niya.
Masakit man, pero unti-unti ay nasanay na ako sa ganitong setup, hanggang sa na-realize ko na nawalan na ako ng pakiramdam dahil isa lang ang goal ko, at iyon ay dumating ang araw na matutunan rin niya akong mahalin.
Hanggang nasa tabi ko si JC, hindi ako mawawalan ng pag-asa na matutupad rin ang pangarap ko.
Ang sabi ni Daddy sa akin, kung mahal ko ang isang tao, dapat ipaglaban ko. I learned this from him, kaya ginawa at sinubukan ko.
Nakatulog ako sa tabi ni JC habang mahigpit na yakap-yakap ko siya, pero nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Napabalikwas ako at agad na bumangon at nilibot ng aking mga mata ang kabuuan ng silid ko, pero hindi ko siya nakita.
Kipkip ang kumot, agad akong bumangon at mabilis na bumaba sa kama para hanapin si JC dahil baka umalis na siya nang hindi ako ginising.
Palapit ako sa veranda nang marinig ko ang tinig ni JC, kaya nakahinga ako ng maluwag. Hinawi ko ang makapal na kurtina at nakita ko ang malapad na likod ng lalaking lihim na minamahal ko mula noon pa.
Nakatalikod siya sa akin at nakasuot na ng kanyang damit pang-alis. Nakapagbihis na pala siya nang hindi ko namalayan, kaya isa lang ang ibig sabihin nito, at iyon ay aalis na naman si JC.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, pero huminga ako ng malalim at binalewala ito. Dapat sanay na ako dahil matagal nang ganito ang setup naming dalawa ni JC simula nang pumirma ako sa aming kontrata.
Pumasok na lang ako sa banyo at mabilis na naghilamos at nag-toothbrush. Suot ang roba, lumabas ako para ipagtimpla ng kape si JC gaya ng laging ginagawa ko tuwing umaga, pero nakita ko siyang nakatayo sa loob ng silid ko at sinusuot ang leather na relo sa braso.
“I'm leaving,” agad na sabi ni JC nang makita ako.
“Wait, pagtitimpla muna kita ng kape,” mabilis na sagot ko.
“No need, kailangan ako ngayon ni Trixie,” pormal ang ekspresyon na sagot ni JC.
“Sige.” Tipid na ngumiti ako at tumango sa kanya.
Mabilis naman na humakbang si JC palapit sa pintuan at agad itong binuksan. Tanging likod na lang niya ang huli kong nakita, hanggang sa nakalabas siya ng silid ko at nawala sa paningin ko.
Nanghihina na, umupo ako sa gilid ng kama. Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan bago nagkaroon ng lakas na kumilos at humiga muli para matulog dahil maaga pa naman.
Tanghali na nang magising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone sa ulunan ko. Tumawag pala sa akin si Mommy, kaya agad kong sinagot ang tawag niya dahil siguradong mag-aalala na naman siya kapag hindi ko agad nasagot ang tawag niya.
“Hello, Mommy,” mahina ang tinig at nakapikit na sabi ko dahil ramdam kong makirot ang pumipintig na ugat sa sintido ko.
“Nasaan ka ngayon, Danaya?” tanong agad ni Mommy sa akin.
“Nandito po sa penthouse ko.”
“Kagigising mo lang ba?” Bakas ang pagtataka sa tinig ni Mommy, kaya sinabi ko sa kanya na madaling araw na ako natulog kagabi, kaya ngayon lang ako nagising.
“Meaning, hindi ka na naman nag-almusal.” Narinig kong sabi ng aking ina sa kabilang linya. “Kaya namamayat ka na, kasi kulang ka sa tulog, tapos palagi kang nagpapalipas ng oras sa pagkain.”
“Mom, I'm fine. Natulog naman po ako kahapon, kaya late na ako nakatulog kagabi,” agad na paliwanag ko.
“Don't worry po, I'm okay, Mom. Wala kang dapat ipag-alala.”
“Alam mong paranoid ako kapag hindi kita kasama, anak. Kahit malaki na kayo ng mga kapatid mo, hindi ako mapakali kapag wala kayo dito sa bahay,” paliwanag ni Mommy.
“Please don't think of anything, Mom. I assure you, I'm fine,” nakangiting sagot ko.
Kilala ko si Mommy. Kaunting bagay lang ay nag-aalala siya sa amin ng mga kapatid ko. She's overprotective, lalo na sa akin dahil nag-iisa lang akong babae sa mga anak nila ni Daddy.
I won't ever give her any hint at all costs, tungkol sa setup naming dalawa ni JC. Pinasigla ko ang tinig ko habang kausap ko si Mommy, dahil malaking problema kapag nalaman niya kung ano ang ginawa ko.
Mahigit dalawang taon ko nang naitago sa lahat ang tungkol dito sa tulong na rin ni JC dahil naging maingat kaming dalawa.
Alam kong magagalit ang pamilya ko sa ginawa ko dahil mahal na mahal nila ako at sila ang unang masasaktan kapag nalaman nila ang totoo.
Kahit mahirap at masakit sa akin ang magsinungaling sa aking ina, pikit-mata ko itong ginawa para hindi masira ang magandang relasyon ng aming pamilya at ni Ninong Jared kapag nalaman nila kung ano ang ginawa ko para lang makiamot ng kaunting sandali sa taong mahal na mahal ko.