DANAYA Natapos ang movie na wala akong naunawaan sa pinanood namin dahil hindi naman talaga ako nanood. Nilandi lang kasi ako ni JC na wala nang ibang ginawa kundi ang maglambing sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay naubos ang lakas ko. Ang nakakahiya pa ay wala akong suot na underwear sa loob ng halos isa't kalahating oras na narito kami sa loob ng sinehan dahil pinahubad sa akin ni JC. “Gagamit muna ako ng banyo,” nahihiya at namumula ang mukha ko na paalam kay JC. “Okay, let's go.” Nauna pang tumayo si JC at inalalayan akong makatayo. Mabuti na lang at ginawa niya ito dahil nangatog bigla ang mga tuhod at binti ko. Kasalanan niya kung bakit naubos ang lakas ko. Sa loob ng isang oras at kalahati kasi ay hindi niya ako tinigilan, kaya heto at nanghihina ako. Hawak-kamay na pumunta kami