DANAYA “Huwag mo na akong ihatid, may sasakyan akong dala,” sabi ko kay Aidan. Nalukot ang mukha ko nang makita kong ngumiti si Aidan na para bang may kung anong naglalaro sa kanyang isipan. “Nag-taxi lang ako papunta dito, cuz.” “Bakit?” nagtatakang tanong ko. “Para mukha akong mahirap,” naka-ngiting sagot ng pinsan ko. “Tinatamad rin akong magmaneho, kaya hindi ko dinala ang kotse ko.” Normal na ito kay Aidan, pero kahit nagpapanggap siyang mahirap, ay hinahabol pa rin siya ng mga babae. Ewan kung anong nakita nila sa pinsan kong ito. Kahit rugged ang style ng pananamit, ay may nagkakagusto pa rin sa kanya. “Uuwi na ako at gabi na. May trabaho pa akong gagawin sa bahay,” paalam ko kay Aidan. “Ihatid mo muna ako, cuz,” nakangiting sabi ni Aidan sa akin. “Aba, abuso ka na. Ti