Chapter 17

2208 Words

DANAYA Maghapon kaming nanatili sa bahay ni Aryan at Ate Precy. Nawili sina Mommy na kalaro ang mga cute at bibong pamangkin ko, ganoon din ako. Nakakatuwa silang kasama, parang xerox copy sila ng kapatid ko, lalo na si Paul na kamukhang-kamukha ng kanyang ama. Hapon na nang magpaalam ako sa kanila. Dadaan muna ako sa boutique dahil dalawang araw na akong hindi nakapunta sa aking opisina. Kasama ko kahapon si JC, at ngayong araw naman ay ang pamilya ko, kaya bago umuwi sa penthouse, gusto ko munang tingnan kung ano na ang nangyayari sa boutique. Although lagi namang nagre-report sa akin ang assistant ko kapag tumatawag siya, pero iba pa rin kapag ako mismo ang pupunta doon. “Ingat sa pagmamaneho, anak,” sabi ni Mommy sa akin. “Huwag kang makipagkarera sa daan.” “Yes, Mom,” nakangiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD